Chương 395: Chapter 178 Her Companion
"Bakit ka ganyan Jeff?!" na pinupulot ko na nga yung mga bulaklak, ngunit imbes na sagutin ako, tinapakan yung mga bulaklak, at inis na tumalikod sa akin. Hindi lang siya ang nainis ah, pati ako. Hinahamon mo ako ng away Jeff. Pwes humanda ka! Tinakbo ko siya at hinampas na nga ng tuluyan ang sinira niyang bouquet.
"Ang sama mo talaga!" kaya lang ng iwasan niya ang sunod kong atake, ako itong nadulas pero agad naman ako sinalo, kaya lang ulit, nawalan siya ng balance kaya naman bago pa man bumagsak kaming dalawa sinigurado niyang ako itong mapapaibabaw.
Nauntog ang mukha ko sa dibdib niya, at siya ulo sa sahig.
Masakit Jeff? Hangang sa nagkatitigan kaming dalawa. Ahem. Baka mangyari na naman yung halikan namin ni Jeff na di namin alam na ginawa na lang namin. Ayoko nang mangyari yun, kaya bumangon na ako.