Chương 292: Chapter 75 I Pay For This
Okie… quiet Missamy at kain ng maayos. Okie? Wag ka na nga lang mangumpisal… naririnig naman ata ni Papa God ang dasal mo.
Nauna na silang lumayas sa mesa.. at ako kumain na lang ng maayos din.
Pagkatapos ko, agad na nilinis yung mesa. Medyo ang cocold talaga ng mga katulong dito sa akin. Di ko alam gagawin ko sa kanila… di ko naman sila actually inaano. Kaya no need to worry Charmie. Ganyan naman talaga sila eh. Kagaya ng boss nila na may topak at may bawas ang turnilyo ng ulo niya.
Umakyat na ako ng silid, at nakahanda na nga yung isusot ko ni Chin, di na ako nagreklamo kasi, baka sagutin na naman niya ako na gusto ko na naman siya mawalan ng trabaho.
Nagbihis… tahimik na tinulungan ako ni Chin sa buhok kong wavy.
Kinuha ko yung phone ko at napaselfie…
Iphone nga ang phone ko.. wala naman connection at data. Haist… Sira ulo nagbigay nito sa akin. Ang sense lang nito Music at Camera. Miss ko na si Kuya my labs… at wala pa akong contacts.