Chương 261: Chapter 44 How Cheap
Para na akong baliw sa tabi na napapareklamo kay Jeff… na di man lang nga ako pinapansin. Kaya natahimik na lang ako.. at napamuni-muni… Sige Kuya, enjoy ka lang muna dyan sa France, gagawin ni Bunso ang makakaya niya sa larong to.
Tumigil yung sasakyan sa harapan uli na ngpakalaking bahay.
Heto na naman tayo sa tahanan nang ma bruhilda. Yung mga katulong kasi dito… mala Miss Minchin ang mga katarayan. Kung wala si Kuya, di mapipigil ang mga kaartehan. Tsk.
At dahil wala na si Kuya…
Lumabas na si Jeff.. at pinagbuksan ako ng Butler. Ngumiti ng bahagyang ito sa akin… at si Jeff… patuloy na naglakad papasok..
"Jeff!" tawag ko sa kanya… dahil si Jay abala sa dalawang bata…
Napalingon sa akin si Jeff… at tumakbo nga ako sa harapan niya.
"Maari na ba akong umuwi? Since nga… tapos na yung kasalan."
"Tsk. Magpapahalata ka ba sa ibang tao na naglalaro lang tayo? Remember the contract Missamy."