CLAIRE>>>
"Ganoon parin ang nakikita ko sa painting na yan."
"Ako din. Kahit ang kulay niya asul na sumisimbolo ng kalungkutan, pero naipapakita na kulay din ito ng pagiging kalmado, katiwasayan at kaligayahan."
Tugon ko kay Mrs. Chin.
"Kailan ang alis mo?"
"Mamaya."
"Aww...napadaan ka lang dito?"
Tumango ako.
Ang larawang yun ang nagpakalma sa akin at unti-unting nagpaalala ng pagkatao ko at pangyayari...na halos maglilimang taon kong inaalala .
"Bago ako umalis, gusto ko muna dumaan dito at sa tabing dagat."
Kung saan nila ako natagpuan na walang malay at nag-aagaw buhay.
"Masaya kami na bumalik na ang alaala mo. Tiyak, magugulat lahat ng mahal mo sa buhay kapag nakauwi ka na."
"Oo nga eh, at di na ako makapaghintay."
"Sabi mo kakapanganak mo pa lang diba? Noong nagyari yun?"
" Oo. Maglilimang taon... "
Natigilan ako.
Hinarap ko si Charm.
"...sa makalawa...maglilimang taong gulang na si...Kevin. Ang anak ko!"
Ngumiti si Charm sa narinig niya.
Yehey, makakauwi na si Claire... wow. Masusupresa nito ang Mag ama niya. let's see...