Claire>>>
Nanaginip ako.
Na halos ikinagising ko ng madaling araw.
Bumangon ako.
Uminom ng tubig...
Saka hinarap ko si Zhio na parang nakatulog pa lang ngayon. Pagod na siya.
Ngunit kahit kailan hindi siya tumigil.
Sa panaginip kong yun, naramdaman ko yung sakit ng iwan ko siya.
Umiiyak ako.
Tumatakbo sa kalsada at hinahabol ang mag-ama ko. Kahit anong lakas ko sumigaw, hindi niya ako nililingon...
Kapag tumatakbo ako...
Lumalayo sila.
Kapag tumitigil ako...
Malapit lang sila na pinagmamasdan ko habang masaya sila.
Kaya naman...tumigil na lang ako, ng di sila lumayo...kaya lang...
Tuluyan silang naglaho ng abutin ko ng aking kamay ang mag-ama ko.
Ayoko yun mangyari...
Ayokong mawalay sa kanila...
Ayoko.
Kaya kahit anong mangyari, mananatili ako sa tabi nila. Magiging matatag ako para sa kanilang dalawa.
"Zhio, kahit anong mangyari... kung maari wag kang susuko, na lingunin ang sang kagaya ko...dahil hindi ako titigil na mahalin kayo."
(Author's Plug In:
Joke lang :D . Sadyang nagdadalawang isip ako kung may forever ba talaga. Hahaha... pabitin ako. Patay na si Claire... patay na yung tangang yun. Hahaha. Patay na nga ba? O baka magmumulto pa siya? ...o_o"...