<<< Atty. Wenziel>>>>>>
Kumagat sa plano namin si Zhio.
Hindi kami lasing...
Ang iniinum namin ay Tsaa lang naman na isinilid sa bote ng alak...
May masarap kaming inilulutong plano para kay Zhio. Dahil tatlong araw na lang baog na ang batang yun.
Nang malasing si Zhio.
Sinimulan na namin siya tanungin lalo na tungkol kay Claire.
"... Gusto mo ba talagang magkaroon ng pamilya Zhio."
" ...guzto ko... Tss...para saan pa ang pinagshirapan ko."
"Akala namin Zhio. Madali ka makabuo ng pamilya. Dahil na sa'yo na ang lahat na hinahanap nang isang babae... Ikaw pala itong masyadong mapili sa babae. Bakit Zhio?"
"... Pssshh... Guzto ko...yung kagaya ng mama ko."
Si Mitchell, Mga katangian pala ni Mitchell ang hinahanap ni Zhio. Kung gano'n mahirap nga hanapin ang ganong klaseng babae.
" Bakit..."
"... Guzto ko maramdaman...hik, ...kung paano mag-mahal ang aking ina."
Napatango ako. Kaya naman pala.
Palibhasa di niya naranasan makasama ang kanyang ina.
" ... Napakabait ng Ina mo Zhio... Masayahin siyang tao, kontento at higit sa lahat hinaharap ng positibo ang lahat na bagay... Sa tingin mo ba may nakilala ka na nakasingtulad ng MaMa mo.".
"... *hik*.. Tss...Baliw yun..."
" Mahal mo siya."
Uminom si Zhio...
"... Mahal ko yun...kahit *hik* baliw at bobita yun...tss."
Itinaas niya yung baso...
"Kaya lang... Tss... Guztong mahalin niya yung....anchipatchikong lalaking yun."
Ininom niya.
" Bakit wala kang ginagawa."
"... Wala eh... Tss...*hik*...dun siya mazaya..."
Bigla niyang binato yung baso.
" Bwisyet! Shabihin niyo nga... May paaralan ba ang pusyo para ...pag-aralan niya ang anchipatickong Dyerick na yun."
" Mahal mo ba talaga siya."
" Mahal ko nga... Kasyo...bobicha."
Hindi na ako nagtanong.
Nanatili kaming tahimik ni Dr. Eriez ng ilang minuto.
Para kaming nag-uusap sa pamagitan ng titig namin.
Napatango ako sa kanya.
Sapat na ang sagot niyang yun para isagawa ang susunod naming plano.
Bahala na ang kakalabasan nito.
" Zhio... Lasing na kami...maiwan ka na namin."
" Tss... Bahala kayo... Tss."
Umalis na kami.
Nakasalubong namin si Sya.
" Ikaw na ang bahala sa kanya."
" Napagtataka hahayaan niyo lang siya uminom."
" ... Hinahayaan talaga namin. Huwag kang mag-alala hindi yun makakasama. Basta kapag nakatulog na yun... I-akyat niyo sa Silid niya. Saka tawagan mo ako."
Si Dr. Eriez...
Iniwan na namin si Sya.
May diniall si Eriez... Kinuha ko rin ang phone ko.
" Paunahan tayo sa paghahanap kay Claire."
Tumango ako at diniall ko na rin ang leader ng tauhan ko.
Simpleng instruksyon lang...
Ang hanapin si Claire, kung ayaw sumama sapilitan itong kunin at ihatid rito sa mansion.
When someone is lying to themselves, just give him an alcohol, and he will start to confess