< Claire>
"Amy!."
"Ano na naman!"
Tawag ko sa kapatid ko na kakauwi pa lang ... Alas-dose ng gabi.
" Saan ka na naman nangaling."
" Paki mo ba!."
" Alam mo bang marami na akong naririnig na kwento tungkol sa'yo."
" naniwala ka naman. Di dun ka sa kanila.!."
Tinalikuran niya ako at diretsong nagkulong sa silid namin.
Haist... Dahil di na ako pumapasok ng trabaho... Heto naman ako puno ng konsumisyon.! Marami akong nalalaman sa mga kalokohan ng mga kapatid ko.
" Amy..." Katok ko ng marahan sa pinto.
Di siya sumagot.
" Nakita mo ba si kuya Dexter."
" Hindi!!. Istorbo!."
Hindi kasi ako makatulog.
Buti na nga lang umuwi na si Amy...
Habang si Ate Nadine at Kuya Dexter wala pa... Yung Step Mother ko naman nagpaalam kanina na may pupuntahan.
Naupo ako malapit sa pinto.
Nang lumabas si Amy at pumunta ng banyo...
Narinig kong nagsusuka siya.
Nakainom na naman ba siya.
Ngunit habang tumatagal siya sa loob... Dinig ko na umiiyak siya.
" Amy... Ayos ka lang ba.?"
" .. Tss... Ano ba! Di mo na ba ako lulubayan!"
" Amy..." Ng mabukasan ko ang pinto.
Nagsusuka nga siya.
Bigla siyang may kinuha at ikinuyom sa kamay.
" Amy..."
Napahawak ako sa bibig ko ng biglang magsuka si Amy.
" Huwag mong sabihin sa akin..."
" Oo na! Buntis ako! Masaya ka na!"
Biglang tumulo yung mga luha ni Amy.
Hindi ako makapagsalita.
Di ko namalayan tumakbo si Amy... At nagkulong sa kwarto.
Natauhan ako bigla ng may sumigaw sa labas.
Lumabas ako...
" Clarita! Yung kapatid mong si Dexter isinugod sa hospital.!"
" Ano..."
" Pinagtulungan saksakin."
" Manong tara na po."
Nagmadali kami ni Manong...
Nang makarating kami sa hospital.
Sa tatlong isinugod... Si kuya Dexter ang pinaka-critikal.
"Sino po ang kapamilya ni Mr. Dexter Masadra?." Tanong ng isang nurse na lumabas.
" Ah... Ako po."
" Miss, kailangan po namin ng mga gamot na ito saka... Kakausapin kayo ng Doktor para sa operasyon niya."
Ibinigay sa akin yung reseta.
Operasyon???...
" Magkano po ...yung operasyon."
" Malala po ang natamo ng kapatid ninyo... Higit kumulang dalawang -daang libo..."
Nanghina ako. Parang mahihimatay ako sa narinig ko. Saan naman ako kukuha ng perang yun... Saka itong reseta...
" Mam... Kukunin ko po muna ang numero ng cellphone niyo."
... Ibinigay ko.
" kailangan namin ang gamot na yan mamayang umaga. Limang oras mula ngayon."
Napatango ako...
Diyos ko... Saan ako kukuha ng pera.
Tuliro ang isipan ko ng makalabas sa hospital... Parang napagod ako ng husto sa mga narinig ko ngayon...
Tumuloang mga luha ko... Di ko namalayan ... Nasa harapan ako ng kapilya... Umiiyak.
Nahihirapan ako.
" Claire..." Ang malambing na boses na yun... Na ikinatayo ko at napayakap ako sa kanya. Umiyak ako ng husto sa kanya...
Ang tanong bakit nagkakaganito ang buhay namin... Bakit...
" Pagsubok lamang Niya yan sa pamilya mo. Kailangan mong maging matatag at manalig sa Kanya... Huwag kang sumuko..."
"Bat... Niya kami masyado pinapahirapan..."
"Shhh... May dahilan siya Claire... Kung ano man yun... Nasisigurado ko sa ikakabuti yun ng pamilya mo."
What she will do? She is hopeless...