Tải xuống ứng dụng
83.33% The Teenage Love / Chapter 10: Chapter 9

Chương 10: Chapter 9

#unedited

Jeomar's POV:

"GoodMorning mahal kong Prinsesa! Gising na po, Breakfast in Bed."

"Ang aga pa kaya! Wag ka mo na mambulabog." sabi nya sabay takip ng unan sa mukha niya. My girlfriend is  so cute. Napangiti naman ako. Ilang months na di kami nagkita but then, Today, This is real. Andito na siya with us, At she promised me she'll be here with us forever.

"10am na po tsaka mamaya diba? Pupunta tayong Tinago? Kaya gising na mahal ko." Wala pa din. "Ayaw mo ha?" pagbabanta ko, Kikiliti pa lamang ako ng bigla syang bumangon

" I'm awake! GoodMorning babes! Haha"

"Ayan takot din palang makiliti ng makiliti e." natatawang inilapag ko isa isa ang pagkain sa Kama nya.

"Sarap ng luto ng boyfriend ko ah haha dinaig pa ako. Naku, Sabi ni Nanay daw May chix ka dito ah. Sino yun?!" kinurot ko naman sya sa pisngi.

"Sus, ikaw lang ang pinaka magandang babae sa mundo."

"Wag mo akong maechos Jeomar, Sapakin kita e. Tsaka I am not pretty now, look I am skinny." biglang nalungkot ang mukha nya na parang bata. Ang cute talaga ng Girlfriend ko. After kong malagay lahat, I hugged her. I hugged her in behind.

"Kaya nga kumain ka ng marami, tsaka ano naman kung payat ka ha? Minahal kita dahil ikaw si Mishy hindi dahil sa katawan mo."

"Talaga?" Tiningnan nya ako sa mata, tumango ako at ngumiti bilang pagsagot. Ngumiti naman sya sakin, Hinawakan ang aking kamay.

"Ano ba ang itsura ng dream girl mo noon mo mahal? I mean? Mataba mapayat? Mabait masungit or what?"

"Sus, ganyan ka haha magpapakwento ka sakin pero pag wala ka don sa sasabihin ko magseselos ka. "

"Nope, Seryoso kasi Ano nga dream girl mo, di ako magagalit. Promise" ngumiti siya sakin at kunwari nag promise pa sa akin.

"Talaga?" kunwa'y di makapaniwala kaya sinamaan ako ng tingin. "Sus ito na nga. To be honest mahal, ang gusto ko yung Mabait,Masarap magluto,  Makadiyos, Matalino at Family oriented. Sa Itsura naman gusto ko yung matangkad, Kayumanggi lamang, simple at yung hindi payat at hindi din sobrang taba yung insakto lang." biglang lumungkot ang mukha nya.

"I am not your dream girl." tiningnan nya ako sa mata, magsasalita pa sana ako to cut her off pero bigla nyang pinagpatuloy " Hindi ako mabait, Makadiyos? I remember to pray during hardest time, ni minsan lang ako magsimba, magluto? I can't even cook kahit prito lang, family oriented? I don't have such perfect family, seperated ang parents ko, sobrang payat ko, Maputi tsaka hindi ako matangkad." mas lalong lumungkot ang mukha niya na pinagalala ko, Yumuko sya, hinawakan ko yung chin nya para makita nya ako.

"Yes, You're not my dream girl. I never dreamed of having a girl like you." seryoso kung sabi, "but you're the girl that God had given to me. You're more than enough, More than beautiful than my dream girl. And a girl that any man will dream to have." Hinalikan ko ang kaniyang noo at ang kanyang kamay na hawak hawak ko.  "Mishy,Mas maganda at karapatdapat mahalin ang taong binigay ng Diyos sa atin kaysa sa taong pinapangarap lamang natin."

Unti-unti siyang umiyak at ngumiti sa akin, Napakatamis na ngiti, ngiting kahit sino ay gusto gustong makita sa mukha nya.

I love this girl, I really love this Girl.

"Thank you for loving me Jeom, Thank you for loving me even if I know I don't deserve this. Thank you so much. I Love you."

" I love you so much Mishy." nginitian nya ako, Then I smiled back to her.

"Oh sya kain na tayo mahal! Naku ang aga aga pinapaiyak mo ako." pareho kaming natawa sa kadramahan namin, Nilagyan ko siya ng Kanin at ulam na hamon at itlog sa kanyang  pinggan. Magana siyang kumain habang ako kinuha ko ang phone ko and capture this picture perfect. I'll do everything to wake up in the morning beside her. I will start and end my day with her everyday. 

**

"Jeomar anak? Pinapatawag daw tayo ni sir." Nagbabantay lamang ako habang natutulog si Mishy, I feel like kapag di ko sya binantayan mawawala na lamang sya sa akin. Hinalikan ko muna sa noo si Mishy at inayos ang kanyang kumot.

"Bakit daw po inay?"  Ngumiti lamang sya sa akin "si sir na lang ang dapat na kumausap sayo. Hindi ko din kasi alam nak"

"Parang natakot ako kay sir!" biro ko pa at ikinatawa ni nanay, Noong nasa harap na kami ng pintuan ng office ni sir, kumatok muna si nanay, Narinig ko pang pinapasok nya kami.

Nabigla ako ng andoon si Sir Marco, Si Maam Jasmin, ang mommy ni Mishy at isang babaeng ka edad lamang nila.

"Umupo muna kayo dito." Pinaupo ko muna si nanay sa katabi ni Maam Jasmin at ako sa tabi nya na kaharap namin ang mommy ni Mishy at ang babae.

"Bakit nga po pala kami pinapatawag sir? May problema po ba?" magalan kong tanong sa kanila, Ngumiti lamang ang mommy ni Mishy sa akin. "Marco ikaw na magexplain. " ika nito kay sir.

"Mahal na mahal mo ba ang aking anak?"

"Mahal na mahal ko po si Mishy Sir, sya lang po ang babaeng minahal ko at mamahalin ko." mabilis na pagsagot ko, Walang pag alinlangan si Mishy ang una at huli kong mamahalin ng ganito.

"Then you're willing to be her groom?"

"Po?" nagulat ko na tanong sa kanila, Tumingin ako kay nanay na nakatingi, Ano ang ibig sabihin nito?

"Yes, we want to have you and Mishy get wed next week" nakangiting sabi naman ng mommy ni Mishy sa akin. "And I already ask permission to nanay and she said yes." nalilitong tumingin ako kay nanay na nagthumbs up lamang.

"Hindi naman po sa ayaw kong pakasalanan si Mishy pero hindi po ba ang bata pa namin?"

"Hindi pa naman kayo magsesex! My princess is still a baby!" napataas ang boses na sir na siyang napalo ni Maam Jasmin. Parang namula ang buo kong mukha na ikinatawa ng lahat maliban sa kay sir na galit na nakatingin sakin.

"Ang ibig ko pong sabihin magcocollege pa lang po kami tsaka wala pa po akong trabaho, papakasalanan ko naman si Mishy po kapag gusto nya na po, maybe after po akong grumaduate." nakangiting pagpapaliwanag ko. Nabigla naman akong biglang naiyak ang mommy ni Mishy. "I don't think my girl can stay here for a year. " Umiiyak din si sir na dinadaluhan ni Maam Jasmin. Naguguluhan ako, sobrang bilis ng pintog ng puso ko.

"Po?" tanging nasambit ko lamang. Ano ang ibig nilang sabihin.

"We went abroad hindi para mag-aral si Mishy kung hindi magpagamot. She's sick. Her heart is fragile, mula bata pa lamang sya she has this heart disease. That's also her reason why she can't enter love life and live like a normal teenager. It's not about teenage love but it's all about her heart. And now, Mag taning na sya. 2 months. " parang tumigil ang ang mundo, parang naestatwa ako sa kinuupuan ko. Ni hindi ko magalaw ang mga kamay ko, hindi ko maipikit ang mga mata ko. Namanhid ang buo kong katawan. Wala akong naririnig kahit alam kong naghahagulgol na sila sa kakaiyak. Hindi. Hindi ito totoo.

Isa itong masamang panaginip. Pinagloloko lamang nila ako, Hindi ito nangyayari ngunit napukaw ang katawan ko ng unti unting umaagos ang luha sa mga mata ko, naramdaman ko nalang hinahawakan ng mahigpit ni nanay ang kamay ko habang tahimik na parang ulang hindi mapipigilan ang pagluha sa mga mata ko.

"Bakit sya pa? Bakit itinago nyo?" mga  salitang lumabas lamang sa aking bibig. Ang sakit, parang nauna akong namatay sa balitang narinig ko. Sumabog ang aking puso.

Hinawakan ni maam ang kamay ko,

"If I can bargain my life to God and wish na ako nalang gagawin ko, ayaw nyang malaman mo Jeom, Ayaw nya dahil mahal ka nya. Please pakasalanan mo ang anak ko."

Tumayo si sir at lumuhod sa tabing upuan ko. Biglang napatakip si Maam Jasmin at naiyak.

"Nagmamakaawa ako Jeomar, ibigay mo itong kaligayan na ito kay Mishy, Mahal na mahal na mahal ko sya. Siya lamang ang nagiisa kong anak. Sobrang sakit para sa akin ngunit eto lang ang magagawa namin. Let her experience the life. Dalawang  buwan lang Jeomar." hind ko mapipigilan ang pag-agos ng aking mga luha, tumayo ako at pinatayo si Sir.

"Hindi ko sya papakasalanan. " nabigla sila sa aking sagot. "Hindi ko sya papakasalanan dahil sa may sakit sya, dahil sa sinabi nyo papakasalan ko sya dahil mahal na mahal ko sya. Maam, Sir mahal na mahal ko ang anak nyo. Kung pwede na lang na ako ang mamatay gagawin ko kapalit ng buhay nya. Mahal na mahal ko si Mishy." niyakap ako ni nanay habang umiiyak.

"Maraming salamat Jeomar. "

After ilang minuto na nakarecover na kami sa kakaiyak ipinakilala nila sa akin ang babae, iyon ang magiging wedding coordinator namin, isang surprise wedding ang gaganapin sa tinago at kung ano ano pa ngunit hindi ako makafocus. Hindi ko pa din matanggap, sino ang mga doctor para bigyan ng taning ang mahal ko? Hindi sila Diyos para malaman ang kamatayan ng tao mabubuhay si Mishy, mabubuhay ang mahal ko.

"So ayan lang po muna, magpapadala nalang po ako sa tinago ng mga trabahador para ipaayos at gawing perfect ang kasal next week Maam, sir. Thank you."

"Thank you din." umalis na ang babae, "sana di mo sasabihin kay Mishy na alam mo na Jeom." tumango lamang ako at nagpaalam na aalis na baka gising na sya. Naiwan sila para magusap usap. Dumiretso ako sa kwarto ni Mishy.

Still, tulog na tulog pa sya. Mahimbing ang tulog nya

I never imagine na ang babaeng ito ay may dinaramdam man lang. Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan siyang natutulog.Kaya pala hindi sya makatawag noon sa akin dahil palagi syang nasa Hospital,Kaya pala namamayat sya.

Gusto ko syang tanungin bakit nya itinago sa akin ang sakit nya? Bakit? Hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa kaniya may sakit man sya o wala.

"Lalaban tayo mahal okay? Kaya natin 'to. Andito ako palagi sayo. Mahal na mahal kita." Hawak hawak ko ang kamay nya habang sinasabi 'yon. Ilang minuto lamang ay iminulat nya na ang kaniyang mata.

Jeomar, You can't cry in front of her! Maging matatag ka para sa mahal mo!

"Binantayan mo ba ako buong pagtulog?"

"Yes naman, gusto ko kasing bantayan ang mahal ko sa pagtulog."

"Masyado mo naman akong binebaby mahal ano ba! Char! Hahaha. Sya na lumabas kana muna, Magbibihis ako tsaka lalabas tayo ha?" Nakangiti niyang sabi, Ang saya saya ng mukha nya, Ang plastik mo mahal! Ngingiti ka tapos di ka naman pala okay! Sabihin mo-

"Woy!mahal? Nakikinig kaba?" Pagbabalik nya sa akin, ngumiti lamang ako at lumabas ng kwarto nya.

Kasabay ng pagsarado ng pinto ang pag-patak ng aking mga luha.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C10
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập