Tải xuống ứng dụng
20% Cloud Girl (TAGALOG) / Chapter 7: Chapter 7 – Superhero-ing

Chương 7: Chapter 7 – Superhero-ing

Chapter 7 – Superhero-ing

Grabe, first time ko lang ata magkaroon ng ganong panaginip, yung panaginip na tila nag-rereplay sa isipan ko. Magmula talaga ng madiskubre ko tong nakatagong kapangyarihan saakin, dumadami na yung mga unusual na pangyayari sa buhay ko, hanggang sa panaginip ko umaabot. Sabi nila, lahat naman daw ng nangyayari sa panaginip, diba hindi naman daw totoo yun, saka anlabong mangyari nun, yung Angel na gusto akong patayin, yung maging warzone tong Maynila, at yung taong nasa ulap, na may cloud powers din. Ang ayoko lang na part dun, yung makita ko si Yaya na patayin sa harap ko ☹. That's the worst, I mean yung hindi ko talaga matatanggap na mangyari.

Hindi ko matatanggap, kasi para san pa tong kapangyarihan ko kung hindi ko maipagtatanggol yung taong mahahalaga saakin.

Siguro nga kaya may kapangyarihan ako, para gamitin sa kabutihan…. Wow. HAHAHAHA! Self-realization 101 ba to?

Di ko pa nga talaga gamay to, nung una pa natatakot pa ako, pero after few days lang okay na saakin. Nagamit ko na nga in public eh na kina-trending ko, nakapahuli din ako ng riding tandem na di daw mahuli-huli.

..

After ko nga mag-agahan, pina-practice ko ulit gamitin tong kapangyarihan ko kung kaya ko ba makapag-lift ng bagay, dati kasi nagawa kong maayos yung higaan ko gamit to, pero nung sinubukan ko sa phone ko, nahulog phone ko pero buti di nasira.

"Claudine? Nuh ginagawa mue dyan sa kusina?" -Yaya Atria

"Nagpapractice…."

"Huh anong practice—?" kontrolado ko yung kapangyarihan ko nun, buhat-buhat na ng ulap ko yung plato.

"Yaya! Hahahaha! Look! Tingnan mo tong plato oh, oha! Kaya ko agad mag-lift ng pla—"

NAHULOG BIGLA YUNG PLATO NUN!! NABASAG WTF!

"Ooooooooppppppppppsssssss… hehehehe ammmmmm… Ya, di ko sinasadya na…"

"Okay lang Claudine, wawalisin ko nalang baka mabubog ka pa" -Yaya Atria

"Ako na magwawalis nyan ya, kasalanan ko…"

"Hindi, ako na Claudine baka nga mabubog ka, malalagot ako kay Madam pag di kita maalagaan kaya sumunod ka nalang okay?" -Di ko na napakinggan pa si Yaya nun at agad kong kinuha yung dust pan at walis tambo… nagulat si Yaya nun!! Nagtaka rin ako?!

"CLAUDINE!! YUNG PAA MO?!" -Nagulat si yaya nun nang makatapak ako ng bubog pero bat di ako aware?

"WOOOOAAHHHHHHHHHHH!!! MAY GADD?!! PUTA YUNG PAA KO?!!!!"

Nakabaon sa paa ko yung tipak ng basag na plato as in tagos sa paa ko, pero wala akong nararamdaman, wala nga rin dugo eh. Di ko pa malalaman na may bubog na sa paa kung di pa magugulat si Yaya. Di ko talaga na-feel na nasaktan ako. Promise…

"Yaya wag kana mag-panic please… wala akong nararamdamang kirot"

"Bat-bat walang dugo?!" -Yaya Atria

"Di ko rin alam eeeeee" sabi ko, at nang ihahakbang ko na muli yung kanang paa ko, hindi nakasama yung tipak ng bubog, at wala sugat yung talampakan ko… ano to tumagos ako?!

"Wa-wala kang sugat?! Paano nangyari yun?! Teka ikaw pa ba yan Claudine?!" – Luh! napapraning si Yaya?

"Oo ya, ako to. Wag ka ngang O.A dyan? Hahaha!"

Tumagos yung paa ko sa bubog… hhmmmmmmmmmmm… parte rin ba ng kapangyarihan ko to?

Dahan-dahan na umaatras si Yaya nun saakin at nagbabanta na… "Wag kang lalapit saakin?! Wala akong third eye pero nakikita kitang multo ka!!"

"Si yaya naman parang ewan to, ako nga to—"

Bigla syang naglabas ng kutsilyo nun,

"Yaya? Bat ka may? —" agad nyang pinanghiwa saakin yung matalas na kutsilyong hawak nya!

Ambilis ng kamay nya, nagawa nya pang maisaksak saakin yung isa pang hawak nya!

Pero di ako nakaramdam ng sakit, at himbis na tumalsik yung dugo ko, puro ulap ang nalabas!

"Nawawala ka ata sa sarili mo Yaya?!" Binugahan ko sya agad ng ulap nun pero napa-atras ako ng may nagliliparang kutsilyo sa harap ko. Kita kong tinamaan ako pero natagos talaga ako, napa-iwas nalang ako at natakot din ako, baka sa susunod neto ay hindi tumagos saakin!

Huminto kami pareho nun, pero si Yaya parang nalunok ata yung itinira kong ulap sa kanya, todo ubo sya nun pero parang natatakot pa din sya lumapit saakin.

"Yaya?! Okay ka lang ba?" -Tanong ko kahit obvious namang hindi sya okay ngayon

[Cough! Cough!] "Ikaw ba talaga yan Claudine? Bakit parang multo ka?"

"Napraning ka lang ata ya, pero hindi naman talaga ako nasugatan eh, promise…." -Ako

Para makumbinsi ko syang hindi ako isang multo na inaakala nya, hinawakan ko yung kamay nya, at hindi tumagos yung kamay ko, kumbaga na-feel nya ako.

Binitawan nya agad yung dalawang kutsilyo na hawak nya at niyakap nya ako at agad syang humingi ng tawad sa nagawa nya.

"Pasensya na Claudine, nabigla lang ako… akala ko hindi na ikaw yang alaga ko" -Yaya

"Ako pa rin to Ya, wag kana matakot oh… sorry din po" -Niyakap ko nalang sya nun kasi natakot ko sya…

Winalis agad ni yaya yung nabasag kong plato, ako naman bumalik ako sa kwarto ko nun, tapos dumiretso nalang ako sa kwarto nun. Natatakot ako, bat ako tumatagos? Parte rin ba ito ng kapangyarihan ko?

Naalala ko bigla yung napanaginipan ko nun, yung binabaril ako pero tumatagos lang saakin yung mga bala. At ngayong nakatapak ako ng bubog at inatake ako ni yaya ng kutsilyo, wala ring nangyari saakin. Tumagos lang din, grabe pala mapraning si Yaya noh? Kung di siguro ako natagos nun baka patay na ako. Pero bago nya ako batuhin nun, nagawa nya pa akong mahiwa at masaksak eh. Bat kaya ginawa ni yaya yun?

..

Dahil nabored ako sa bahay nun, nagpasya akong gumala muna mag-isa. Buti nalang pinayagan ako ni Yaya at sinabi ko ding magpapasundo nalang ako kay Kuya Benjo pag pauwi na ako, basta wag lang daw ako lalampas ng 7PM. As usual, naka black pants at white shirt ako, maya ko na suotin white kong jacket.

May dala naman akong pera dito pero hindi ko alam kung ano gusto kong bilhin, gusto ko lang gumala talaga nang makalimutan ko pansamantala na may kapangyarihan ako. Nakakamiss yung mag-commute kahit naabutan ng traffic. Nakakamiss yung maglalakad ka patungo sa kung saan tapos naka earphone ka habang pinapatugtog yung favorite mong kanta, andami kong namiss gawin. Pero may kulang…

Icha-chat ko sana sina Queenie at Alex kaso pareho silang offline, iba pa din pag yun mayroon kang kasama na kaibigan. Himbis na may ka-share ako dito sa binili kong buy 1 take 1 na shawarma, puro akin lang tuloy.

Pumunta ako sa sports section at nakakita ako ng punching bag na malaki, yung pang boxing talaga, di ko alam pero bat kaya parang kinakailangan ko yun ngayon. Di sapat pera ko dito para bumili agad nun saka baka magtaka si Mommy.

Nang punta din ako sa 'World of Fun' nun para maglibang pero andali kong nabagot kaya humanap nalang ulit ako nun ng pwede pang matambayan at mag-facebook nalang ako. Until napag-isipan kong umuwi nalang, ang aga pa para saakin ng 5:30PM. Young wild and free ang tema ko ngayong sabado…

..

Bago pa ako lumabas ng Mall ay agad ko nang tinawagan si Kuya Benjo para sunduin ako, sa isang waiting shed. Ayoko mag text sa overpass, katakot mga snatcher. After ko makatawid nun, pababa na ako, at sa harap ko nun ay may kuyang nagpo-phone habang pababa ng hagdan, pero buti maingat sya kahit papaano.

Sabay may lalaking sumunod sa kanya at bigla inakbayan si kuyang nagse-cellphone.

Habang akbay-akbay sya nung sumunod sa kanya, may dalawa pang mukang tambay na sumalubong sa kanila. Ilang saglit lang kinuha sa kanya yung dala-dala nyang bag at dali-daling umalis yung dalawang kasabwat. Tangina talaga ng mga kawatan na to.

"Hoy?!" tawag ko sa umakbay

"Sige! Magkamali ka lang ng sigaw iha, isasaksak ko tong balisong ko sa tagiliran nya!"

Sabi na eh snatcher amputa! Eto na, dapat gumana ng maayos tong kapangyarihan ko tulad nung ginawa ko dati sa riding in tandem!

"Wag po! Wag po! May pamilya pa ako?!" -Natatakot sa si Kuyang naka-cellpone

"Pakawalan mo sya!" -fuck… tama ba tong pasok ko? Pero nasa alanganin na buhay ni kuya

"Antapang mong babae ka ha?! Kala mo madadaan moko sa ganyan?! Ha?!"

Biglang kinagat ni kuyang biktima yung kawatan at agad itong tumakbo palayo! Sabay ginamit ko na yung kapangyarihan ko para tamaan sya!

"Cloud blast!!" (parang binugahan ko sya ng fire extinguisher na ulap at nalabas sa kamay ko)

"Teka?! Ano yang nalabas sa kamay mo?!" -Nagtaka si kuyang biktima

Akala ko napatumba ko yung kawatan pero nakatayo pa din sya at hawak yung balisong nya!

"Hindi moko madadaan sa ganyan bata!" -Kawatan

"Lumayo kana kuya ako nang bahala dito!" -Ako (Claudine)

"Pero yung gamit ko andun sa bag kong tinangay ng mga kasama nya?!" -Kuyang Biktima

Agad akong sinugod nung kawatan pero tumagos ako sa kanya! Wow!

Kaya nakabawi ako ng suntok sa kanya! Napalakas yung suntok ko sa muka nya na maging ako naramdaman ko yung sakit sa kamay!

"Tumagos ka saakin? Pero imposible—"

Kailangan kong matanggal sa kamay nya yung hawak nyang balisong…

"Magic yun!"

Agad ulit siyang sumugod saakin at sinubukan kong pigilan yung kamay nyang hawak-hawak yung balisong. Tumagos sa palad ko yung balisong pero hawak ko yung kamao nya, natatakot pa rin ako kasi di ko alam kung gaano ko katagal magagawa to. Tulad ng kanina, walang dugong lumabas.

"Sino ka ba?! Ano ka ba talaga ha?!"

"Pinag-aaralan ko pa lang kung pano gamitin to!" -sagot ko

Hanggat hawak ko yung kamao nya nun, kinaya kong maibalibag sya sa poste at nang tumumba muli sya, nabitawan nya na yung balisong nya. Sinipa ko ito papalayo sa kanya, saka ko muli ginawa yung cloud ball at itinama ko sa muka nya, di ko alam pero muka namang walang masamang epekto yun at tatagal lang ng ilang minuto yun hehhehehe!

"Kuya hahabulin ko yung mga nakatakas pang kasama nya para makuha natin yung bag mo" -Ako

"Sa-salamat! Ano palang pangalan mo at pano mo nagagawa yung usok na yun?!" -Kuyang biktima

"Ulap yun, hindi usok… dyan ka lang!" -Hindi ko na sya nasagot pa ng maayos dahil nagmadali akong habulin yung dalawa pang kasama ng kawatan.

"Antayin moko sasama ako sayo!"

Then sabay naming sinundan yung dalawa pang kasama nung nilabanan kong kawatan, pero habang natakbo kami nun, nag-ring bigla yung phone ko. Tinatawagan na pala ako ni Kuya Benjo at inaalam nya kung nasaan na ako.

"Wait lang kuya! Saglet may-may libreng Zark's Burger dito sa-sa Robinson's Metro East! nakikipaghabulan ako hehehehe! Bye! Maya na!" -Saglit kong sinagot yung tawag ni Kuya Benjo

Pero sa di kalayuan, may kumpulan ng tao at naghihiwan sila ng 'ROUSER! ROUSER! ROUSER!'

Tumigil ako sa pagtakbo nun, siguro napigilan nya na yung dalawa pang kawatan, kaya tuwang tuwa yung mga tao… kaya sabi ko kay kuya nun.

"Ammmmmmmm…. Kuya, alis na pala ako ha, punta ka doon sa mga taong yun, andon ata si Rouser! Baka nabanatan nya na yung dalawa pang kawatan, andoon din yung gamit mo"

"Te-teka bat di ka na sasama? Si Rouser yun! Superhero yun! Ayaw mo sya makita?!" -Kuyang biktima

"Kasi… hinahanap na ako saamin eh, uwi na ako! Ammmmmmmmmmm…. Sige bye!" -Agad akong nagpaalam nun,

"Pero ano munang pangalan mo iha—"

Hindi ko na sinagot pa yung tanong nya, I mean sinasadya kong hindi sabihin yung pangalan ko dahil baka ikapahamak ko pa. Nag-abang nalang ako nun sa tipikal na antayan at dumating agad nun si Kuya Benjo at umuwi na kami, nag-aalala na daw si Yaya sa bahay dahil 7:45PM na… di ako on-time dapat nga before 7PM nasa bahay na ako eh.

..

..

..

..

..

After umalis ni Claudine, pumunta si Kuyang Biktima kay Rouser...

Habang nag-iikot ikot si Rouser ay nakita nya yung dalawang kawatan na kasama nung nilabanan ni Claudine na tumatakbo palayo, hindi nagkamali ng hinala si Rouser at agad nya itong pinuntahan para mapigilan. Iniligtas ni Claudine ang buhay ni Kuyang biktima at si Rouser naman ay pinigilan nyang makalayo pa yung dalawa.

"Rouser! Rouser! Akin yang bag na yan! Salamat! Salamat ng marami!" -Kuyang Biktima

"Walang problema! Ang mahalaga ay nabawi mo pa iyan. May patunay ka bang iyo tong bag to?" -Rouser (Real-Life Superhero)

"Naandito sa bag yung ID ko, ako si Leonardo D. Caprio Jr., ako yang nasa ID" -Kuyang Biktima

"Artistahin ka pala sir! Sige po, ingat po… Mabuhay po kayo!" -Rouser

"Saglit lang! Pakihanap pala sya… yung isa pang Superhero! Yung nangligtas saakin kanina!" -Leonardo

"Isa pang Superhero?! Sino?!" -Kinagulat ni Rouser yung narinig nya

"Hindi nya saakin sinabi yung pangalan nya, pero babae sya at naglalabas sya ng ulap sa kamay nya! Kailangan nyong magkasama na dalawa para dalawa na kayo!" -Leonardo

"Talagang niligtas ka nya ha?" -Rouser

"Oo naman! Tumatagos din pala sya na parang usok! Saka nabanatan nya yung isa nilang kasama" -Leonardo

"Hhhhhmmmmmmmmmmm… gumagawa sya ng ulap huh?" -Rouser

"OO!! Sayang talaga! Ayaw nyang magpakilala…" -Leonardo

"Sinasadya nya iyon… pero ayos lang. Salamat sa impormasyon Sir 😊" -Pasalamat ni Rouser

Pagkatapos nun ay nagsidatingan ang mga tanod nun para hulihin yung mga kawatan para maparusahan. Inabangan ni Claudine kung maibabalita nanaman ba si Rouser sa TV pero wala ito.

..

..

..

..

..

"Nakuhaan mo din ba ako ng Zark's Burger?"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C7
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập