Tải xuống ứng dụng
7.86% Midnight Latte (Tagalog/English) / Chapter 7: Judgemental

Chương 7: Judgemental

+++ Cody P.O.V. +++

"Mama, look!" Sabi nung isang bata. Napansin ko na tumatakbo ang mga tao papunta sa may pathway at dun ko lang narinig ang mga tunog ng trumpets. It was the Running Man song. Nagsiindikan yung tao kasabay nung beat.

I was standing at a higher place kaya kitang kita ko ang banda sa pagtugtog. It was really nice. Nung matapos ang unang kanta nagsipalakpakan saka nagsigawan ang mga tao. Second song.

Dun ko lang nahalata ang familiar faces.

Di ba yun yung katrabaho ni Bea? Ano nga yung pangalan niya? I think it was Josh.

Inikot ko pa ang tingin ko at nakita ko si Roschelle na hawak hawak ang cp at nagvivideo. But I don't see Bea next to them. Baka hindi siya sumama. Naalala ko yung nangyari kahapon. Naisip ko na baka nagpapahinga pa yun.

Tiningnan ko ang orasan ko. He's late.

Ano bang klaseng customer yan, hindi marunong tumingin sa oras. Nainis kong inisip.

Inaliw ko nalang sarili ko sa banda na nasa baba habang hinihintay yung client. And after the song saka ko lang nakita si Bea na nakunot na ang noo.

"Oh. Si Bea yun ah." Sabi ko ng nakita ko siya.

"Pft! Ahahahaha. Hays."

Napalakas yata tawa ko. Nagsitinginan yung mga tao.

Sino naman hindi matatawa sa ityura ni Bea. Nakasimangot masyado, and on top of that sinipa sipa niya ang sahig. Saka nakita ko na parang inasar pa siya ni Josh kaya mas lalo pa siyang nairita.

Ahaha, Ampangit niya kung magalit. Ahaha.

"Hays. Ahaha." Nagbuntong hininga nalang ako para mapigil ko ang tawa ko.

"Ah!" Bigla kong kinuha cp ko saka nagtext kay Bea.

"Uy. Andito pala kayo sa MOA? Nakita ko kayo nila Josh sa may plaza sa harap ng banda. Meet ko kayo maya pakatapos ng business ko rito."

Text ko sa kanya.

I want to see her reaction though.

"Mr. Aldens? Ikaw ba si Mr. Aldens? "

Napatingin ako bigla sa likuran ko. Nakita ko ang isang mistisong lalaki na nakapolo na white and may spots na red.

"Yes, ako nga. And I assume na ikaw si Mr. Olivares?"

"Yes, I am. Sorry for inconvenience at dito pa na set up ang meeting."

"No, that's okay."

Hindi yan ang gusto kong ikasorry mo. Look at the time. Sabi ko sa isip ko.

I gave him a smile.

"Shall we?" Yaya ni Mr. Olivares.

"Okay." Sinundan ko nalang siya hanggang sa makarating kami sa isang office.

Looks like it's kind of a managerial office.

"Coffee?" Alok niya sakin nang makaupo na kami.

"No, thanks."

"What would you like?"

"Ah. Just water, I guess." I made a sigh.

"Can we start now? I'm actually a busy person, and probably not a laiason officer, yet you insist na ako ang kakausapin mo."

Sabi ko with a cold voice.

First impression really has an impact on how you treat a person on your first meeting.

"I'm very sorry, Mr. Aldens. I didn't expect na napromote ka kaagad. :" Sabi niya.

Napakunot bigla ang noo ko.

"My friend of mine actually recommended you na ikaw yung piliin ko na makausap kasi madali ka raw kausapin." Dagdag niya.

I don't know if I must be grateful or be mad on what he said.

"Well, andito na tayo eh. Aatras pa ba?" Sabi ko.

"I agree. And thank you for accepting our request." Sabi niya saka nagbow.

He was actually kind of gloomy. Kaya ang hirap gawing magaan ang usapan. Hindi ako makatyempo magjoke para maiba ang atmosphere.

"Okay, so where do we start? Mas maaga magsimula, mas maaaga rin matatapos.

I would like to know kung ano ba ang gusto niyong gawin sa area na gusto niyong tayuan? Kainan ba? Bilihan ba ng damit?"

"We would like to make it a coffee shop." Sabi niya.

"Coffee shop? O-okay. May ibibigay ako sayong magazine, pumili ka kung anong gusto niyong theme and design ng coffee shop niyo."

Saka ko kinuha ang case ko at inilabas ang several magazines and phamplets para makapili sila ng architectural designs.

Ang tagal. Almost 45 minutes na silang nag-uusap usap kung ano gusto nila, hindi pa rin sila kakapili.

"Sir." Tawag sakin.

"Yes. Feel free to ask." Sagot ko naman.

"Babagay po ba to kung latte ang ititinda namin?" Tanong ni Mr. Olivares.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya since I always love to make latte and ayaw na ayaw ko na magshare ng info about sa latte lalong lalo na sa mga designs ng restaurant ng latte theme except for Bea.

"Ah-ahh. Eh. That would be okay." Sabi ko.

Vintage scenery ang napili nila. Wood furnishes ang gagamitin sa kisame na may mga incadescent cove lights. It was not actually my best advice. Magpapatayo rin kasi ako ng coffee shop kaya I don't want to share my design to anyone.

"But you can actually choose other designs. Mas maganda kung babagay sa motive ng restaurant niyo ang theme ng coffee shop."

"Okay, eto nalang." Saka inabot nila ang isang design.

Finally.

"Okay, so sure na po ba kayo na ito?" Tanong ko.

"Yes."

"Okay, CS-23 theme po ang napili niyo. I would like to ask ano po ba ang mga rooms ang kelangan niyo?"

"Gusto namin na half second floor lang. Yung kita namin ang taas. Ganto pakita ko sayo." Saka niya idinrawing ang gusto niya.

Dun ko lang nagets ang sinasabi niya.

"Okay, you want ADG-256." Saka ko binuklat ang magazine tapos ipinakita sa kanila.

"Yes yes. Ganyan nga."

"Ano pa po ba?"

"Gusto namin malapit lang ang counter sa managers office and ang CR liliko ka muna ng dalawang beses sa may counter bago mo makikita. Saka kayo na ang rest. Tingnan nalang namin ang design pakatapos." Sabi niya.

"Noted po. I would like you to sign this para evidence na eto nga ang gusto niyo na design."

Saka ko inabot ang isang papel na amy sulat ko ng mga suggestions nila.

"Thank you sir. Well, kung wala na pong concern, can I take my leave na?" Sabi ko pakatapos kong makuha ang papel.

"Yes sir. Salamat din po." Sabi ni Mr. Olivares sabay bow.

Lumabas na ako ng office saka bumukas ng cp. Bigla akong napasimangot ng wala man lang ni isang reply na natanggap kay Bea.

Nabasa niya ba kaya? Saka nagtype ako.

[Me:] Tapos na appointment ko, asan kayo? Di ka man lang nagreply. 😢

Agad namang nagreply si Bea. Napasmile nalang ako bigla sa text niya.

[Bea:] Sensya.🙇🙇 Haha. Preoccupied kanina eh. Andito kami sa sea side tapat ng anong tawag neto. Yung parang rocket tower.

Parang rocket tower? San kaya yun? Nagtaka ako bigla kung saan yun banda sa seaside. Lumingon ako sa likod, dun ko nakita si Mr. Olivares na kasunod ko.

"Mr. Olivares. San ba banda sa sea side yung parang rocket tower?" Tanong ko sa kanya.

"Parang rocket tower? Ah baka yun yung katabi ng mini zip line. Sabi niya. Bakit po ba? Dun ka ba papunta? Dun din kasi ako papunta. May nagtext sakin na pumunta ako run."

"Talaga? Sabay na tayo." Yaya ko. Yung time na binaba ni Mr. Olivares ang formality, dun ko lang naisipan na his not that really bad para hindi kaibiganin.

And sabay kaming pumunta sa may rocket tower. But laking gulat ko nang makita ko sina Roschelle and the rest na kausap si Alicia. Nagmadali ako sa paglakad that I even leave Mr. Olivares behind me.

"Wag Josh! Please. Wag niyo na siyang patulan. Ayaw ko ng gulo."

Narinig kong sabi ni Bea. I honestly been terrified ng isyu tungkol kay Bea and it also hunts me, she can't even do anything about the issue.

Kumunot bigla ang noo saka mas binilisan pa ang paglakad.

"Wow. So ako ngayon ang masama dito. "

Malapit na ako nang marinig ko ang sinabi ni Alicia.

Biglang uminit ang ulo. I would never thought na magagawa talaga ni Alicia ang mag eskandalo. She changed. Hindi naman siya ganyan nung high school kami. She was more like Bea. Kwela and laging nagpapatawa.

"Eh, ikaw naman talaga ang may kasalanan eh!"

I gripped my case and clenched my teeth para lang mapigilan kong mapabulalas.

+++ BEA P.O.V. +++

"Eh, ikaw naman talaga ang may kasalanan eh!"

Napatingin kami lahat sa direksyon ng boses. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa nakita kami ni Cody at sa sinabi niya, but dahil sa nakasunod sa kanya.

"S-steve?" Sabi ko.

"B-Bea?" Napanganga rin si Steve ng makita ako.

Magsasalita nalang sana si Cody nang mapatingin siya sa lalaking nasa likod niya saka nanlaki ang mata.

"Y-you...youre Steve?" Sabi ni Cody with a very shocked expression.

Nagtitigan ng matagal sina Steve and Cody. It seems like they know each other. Pero ba't parang gulat na gulat si Cody.

Nanlamig ang kamay ko. Tiningnan ko si Alicia and she was smiling.

"Perfect."

She clasped her hands sabay punta kay Steve.

Hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan ni Steve. And I think walang babaeng hindi siya magugustuhan.

"Since nandito na si Steve, magkali-"

"You wench!"

Naputol ang sinabi ni Alicia nang marinig kong nagsalita si Maam Rose.

"What? How dare yo-" Alicia cut.

"Shut up! Wala kang karapatang magsalita." Dugtong ni Maam. Gulat na gulat ako since Maam exploded. Parang nung nag away sila ni Arvin.

"Pwah! I cant believ-" Naputol ulit ang sasabihin ni Alicia.

"I really dont know what's the whole story! But kitang kita naman na this Steve..." Sabay ni Maam kay Steve nang madiin.

"...na Elementary crush nitong si Bea, is parang ginagawan mo ng isyu."

"What? Yo-" Sabi ni Alica.

"Tutulungan pala ah! Eh parang planado mo na papuntahin yang lalaking yan!!" Ang diin diin na pagkakasabi ni Maam sabay turo kay Steve.

Hindi agad nakapagsalita si Alicia.

"Well to tell you. Hindi ako gumagawa ng isyu!" Madiin din na resbak ni Alicia.

Panay naman ang tingin ni Cody kay Steve kung ano ang reaksiyon niya.

"Steve." Dugtong ni Alicia saka ibinaling ang tingin niya kay Steve and she continued.

"Di ba you told us that Bea admires you? Tell them, please."

Nagsitinginan kami lahat kay Steve. Napatingin sakin si Steve.

"Y-Yes." Napayuko si Steve.

I dont know if it is because of fear or embarassment.

"See? Hindi ako gumagawa ng isyu!" Sabi ni Alicia habang nakatingin kay Maam Rose.

Napabuntong hininga si Maam Rose nang magsasalita sana siya.

"I...I just want to bury it on t..the past. So please, sana wag na tong isyu na to." I took up my courage and said.

"Well, I know. But I changed my mind. Pinahiya mo ako eh. Imbis na isipin mo na tinutulungan kita, hinayaan mo pa akong bastusin ng mga bago mong kaibigan. You're so judgmental. I think, you deserve this issue. Thanks for being my friend."

Saka umalis si Alicia and she gave me a very mad expression.

No. I don't want to lose a friend.

"Alicia! Wait! I'm so sorry." Saka ko hinabol si Alicia at sumunod naman si Josh and Maam Rose.

+++ CODY P.O.V. +++

I don't know kung maniniwala na ako sa isyu matapos kong makilala si Steve. I never thought that this guy will be the source of Bea's sufferings.

Tiningnan ko si Steve after Bea chased Alicia.

"You." Sabi ko. Wala akong masabi. I dont know kung tama ba ang gagawin. Magmumukha akong judgmental neto. Mas maganda kung kilalanin ko muna siya.

"Ahem." I cleared my throat para makag-isip ako ng sasabihin.

"Ikaw pala ang elementary crush ni Bea. I should have realized sooner." Sabi ko with a normal tone.

"Ahehehe." Pabebe niyang tawa sabay kamot sa ulo.

Napakunot bigla ang noo ko.

Pabebe to ah. Hindi yan uubra mga pa-nice nice gesture mo. Ganyang ganyan din ginagawa ko.

"Sana nga nagkalas ako ng loob noon para nasabi ko rin sa kanya na crush ko rin siya." Dugtong niya.

"Sus. Ambata bata niyo pa, kelanga-... Ano?"

Bigla kong narealize kong anong sinabi niya.

Napatitig ako sa kanya ng sinabi niya yun.

Gu-gusto niya si Bea?

"Hahaha. Oo. Believe it or not. Gusto ko siya. Alam ko maraming tao na ang nagsabi sakin na hindi siya bagay para sakin, but I really like her. I just don't know why kung bakit gusto ko siya."

Sabi niya habang nakayuko sa pagkahiya saka nakasmile. Kilig na smile.

Tinitigan ko siya ng matagal. Ibang iba ang smile niya sa smile na pinakita niya nung wala pa si Bea.

"Hehehe." Wala akong masabi. Nabigla lang talaga ako sa sinabi niya. I don't really expect na ganun na lang siya ka open book masyado.

"Ah. Mukhang magkaibigan kayo di ba?" Bigla niya akong tiningnan.

"O..Oo..?" Medyo naghesitate ako sa isasagot ko. Dun ko naalala yung trip namin ni Bea na in a relationship kami such na hindi pa ako nakikilala nina Alicia, last reunion sa hotel.

"Talaga? Pwede ba favor?" Sabi niya sakin.

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya.

"Well, sorry. Hindi pa po pala ako nakakapagpapakilala ng pormal..." Sabi niya.

Po? Matanda na ba ako?

"I'm Steve Christian Olivares. Elementary classmate ni Bea. Just call me Steve, malimit lang ako tawaging Christian." Sabay alok ng handshake.

"Ah, I'm Christian Co... Christian Aldens...highschool best..highschool classmate ni Bea." Sabi ko saka nakihandshake.

"Just call me Chris. That's what they often call me." Dugtong ko.

"So, pwede po ba?" Sabi niya.

The favor again.

"I'll try. But I cannot promise." Yan nalang ang naisip kong pinakasafe na sagot.

"Ano ba ang favor mo?"

"I know, you know it already."

Napakunot ang noo ko.

Nu ba problema nito. Humihingi ng favor tapos ako ang papahanapin kung ano favor niya?

"Sorry. Haha. I dont get it." Sabi ko.

"Ahahah. Sorry. I just .. you know. . since magkaibigan kayo ni Bea, I just want to ask some help, para magkalapit kami. You know..."

Napakunot lalo ang noo ko.

"In short, pwede ba ireto mo ako sa kanya?" Sabi niya.

My eyes widened and several questions popped out on my mind.

"Huh? Ka-kala ko ba kayo ni Be-bea?" Na utal pa ako sa pagtanong sa kanya.

Acting muna tayo. Ayaw ko namang dumagdag pa sa isyu kung sabihin ko pati kay Steve yung trip namin ni Bea na kami.

"Huh? Biglang kumunot ang noo ni Steve. A-anong kami? Kami na ba? Yan ba ang sinasabi niya sainyo? Talaga? Ibig sabihin crush niya pa ako ngayon?"

Sabi niya naunti unti siyang napapasmile.

Huh???

I was really puzzled.

"But I heard you were the one spreading rumors na kayo ni Bea." Naintriga ako kaya pinranka ko na siya.

Napanganga bigla si Steve.

"What?" Sabi niya. As in gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"Yes. Yan ang tsismis na kumakalat, at ikaw raw ang source."

Parang nablanko ang face ni Steve. And from my perspective parang walang alam siya sa nangyayari.

My head hurts kung sino ba paniniwalaan ko.

"I-ibig mo bang sa-sabihin, kaya biglang umalis si-si Bea kanina is ,.. be-because shes mad at me?"

Biglang namutla si Steve.

"No-no. . Hindi ko alam kung ano ang isyu na yan. Why should I spread rumors like that. Alam ko mayabang ako, but I'm not that boastful para ipagkalat ang maling rumors."

Nahalata ko ang mata ni Steve na namumula, parang maiiyak na siya. He really loves her, I think. He put his hands on his face as he rubbed it.

"So, youre telling me na hindi mo alam kung saan galing ang rumors?" Tanong ko bigla.

I should heat up the pot even more while the beans are spilling.

"Yes. Ang natatandaan ko lang na sinabi ko is that Bea likes me during our elementary days. Wala na akong ibang sinabi."

Hindi ako nagsalita.

"But don't get me wrong. I was just really drank kaya nasabi ko yun. Hindi ko sinasadya. Promise. I don't want to deny it anymore kasi it's my true feelings."

Napakunot bigla ang kilay ko. Corny na tayo dito ah.

Wait. Sino pala ang nagkalat ng isyu? Tanong ko sa sarili ko.

"I think she's mad at me, kelangan kong mag explain sa kanya."

"Wait. Sandali la- "

I was about to grabbed his arm but he ran really fast.

"Hoy! Steve!"

"Hays." Napabuntong hinanga nalang ako saka napakamot sa ulo.

If hindi siya ang nagkalat, then that means lahat ng sinabi ni Alicia is...

Mas kumunot ang noo ko hanggang sa sumakit ang ulo ko sa galit. Naalala ko lahat na sinabi ni Alica.

That Alicia!

Even though ayoko munang maniwala totally sa mga sinabi ni Steve, I can't help but magalit kay Alicia. Lahat ng mga sinabi niya na masakit kay Bea.

I clenched my teeth and head towards the direction of Steve and the rest nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello? ... Yes, ako nga po. Bakit po? ... Po? ... Okay po. Papunta na po ako dyan."

My hands dripped cold sweat as I ran palabas ng mall saka naghanap ng taxi.

I'm a very worried about Bea but something that makes me even more worried is my family.

Please hang on.

+++


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C7
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập