Tải xuống ứng dụng
88.88% Thirsty Soul / Chapter 40: Playboy

Chương 40: Playboy

LULAN ng elevator ay tahimik niyang iniisip ang nangyari kanina sa Sayci Backstage. Ito pala ang lalaking nakita niya kagabi. Ang kapitbahay niya. Narito si Paulite sa France. Pero paano nangyari iyon? Kailan pa? Paano nito nalaman kung saan siya nakatira?

Huminga siya nang malalim nang magbukas ang pinto para sa ikalabing-isang palapag ng Le' bonne, kung saan siya nakatira. Mamayang alas kuwatro ang flight nila ni Lapeetah at Pricilla. Kanina habang pauwi ay tinawagan siya ng dalawa na magkita sila sa Lobby ng Le' bonne ng ala una.

Sumilip siya sa kanyang relo na nakasuot sa kanyang bisig. It's still ten in the morning. Huminto siya at nilingon ang may kalayuang pinto para sa tinutuluyan ni Paulite. Ilang minuto siyang nagtagal doon. Hindi pa rin makapaniwala. After three years, then he will show his face as if we are okay?

She shuffled her keys inside her bag and opened the door. She has to stop thinking about him because the wounds on her heart are swelling. And it's freaking painful. She laid on her bed and hugged her favorite pillow for a couple of minutes. She buried her head on her soft comforter, trying hard to think something else... but its freaking crazy. Paulite's intensive gaze and more domineering presence under those fake outfit are kept on bugging her head. All her why's kept on flooding her mind? It's crazy.

Mabilis siyang tumayo at umiling. "Fuck me!" she screamed. Hindi niya maalis sa kanyang isip si Paulite. Bakit ganoon? Tatlong taon nga niyang nagawang mag-survive na kahit hindi ito makausap ay nagtagumpay siya. Tapos ngayon, isang araw lang na nagpakita sa kanya. Saglit na minuto ay hindi niya na makalimutan?

Dinala niya ang kanyang sarili sa washroom at naghubad. Maliligo siya. Baka sakaling agusin ng tubig ang lahat ng gumugulo sa kanyang isipan.

She stayed there standing under the flowing water on the shower while staring blankly on the tiles, her soaking feet, and shrinking water. Kalmado ang kanyang paghinga. Iniisip ang muling pagbabalik niya sa Pilipinas. Ano kaya bukod sa masayang birthday party ni Fall ang magiging magandang balita?

Mariin siyang pumikit nang ilan sa alaala nila ni Paulite sa Purungaya ang biglang bumalik sa kanya.

"Oh my god! What are you doing to me?" Tumingala siya. Balak lunurin ang sarili sa tubig, ngunit naalala niya ang mabinig tinig ni Quillian na tinatawag si Paulite. Yumuko siya at tinakpan ang kanyang bibig. "Kung sana ako nalang ang pinili mo. Sana hinintay mo ako. Tinulak kita kasi nagtatampo ako. Suyo lang naman. Hindi ang tuluyang paglisan."

Tears began to swell on her eyes. Thanks to the flowing water it doesn't show. She wasn't looking crying. She wasn't broken. She didn't look pathetic, still expecting him to come back with her.

She quickly took a bath and dried herself. Using her pink bathrobe she sashayed on the living room to answer the call on the telephone. It's rare to receive a call from it. If it could be Chloe or Von, it could be her Auntie Claudia or one of her cousins, nothing else.

"Hello, Jessica speaking," she calmly said.

"Can I come in?"

The familiar soft and husky voice made her heart jumped out of her ribcage. Literally, she could felt the loud thud of her heart. All her nerves and sensitivity activated for a specific reason.

"J?"

"Y-yes. S-sure." Mariin siyang pumikit. What's with the stuttering?

"Alright. Thank you. I am outside."

"O-okay. I am coming." Huminga siya nang pagkalalim-laim. Ibiniba niya ang telepono at nilingon ang pinto. He is just exactly outside of my doorstep. Sinapo niya ang kanyang dibdid, tinatanong ang kanyang sarili kung handa na ba siyang harapin ito? Muli siyang pumikit at iniisip na ang bilis naman. Puwede bang sa Purungaya nalang? Tawagan kaya niya? Pero lalo siyang nabaliw na wala nga palang registry ang telepono nila dahil lumang modelo.

Fine. I will take this risk. Just like how I push my limit the very first time we met. Binuksan niya ang pinto.

He didn't change his clothes. He still had that epic uniform that made him a normal person, even if the truth he is Paulite Cristobal. The vice president of Cristobal Airline and CEO of Jones Sand and Gravel. A huge person who is willing to become small for his personal reason.

He is looking right through her eyes. Then he noticed her outfit and the towel that curled around her soaking hair. Itinaas nito ang hawak na paperbag ng kilalang restaurant. "I bet you haven't take your lunch."

Bumilog ang labi niya. "Oh, yes. Come in." Binuksan niyang maigi ang pinto para papasukin ito.

Nakatingala siya rito ng lumagpas sa kanya. Matangkad naman siya, pero higit pang mas matangkad sa kanya ito. Ngumuso siya nang atakihin siya ng pamilyar nitong amoy. I missed his scent.

Sinarado niya ang pinto. Agad sumunod dito. tinanggap ang paperbag na binigay nito.

"Hindi ka na sana nag-abala." Dumiretso siya sa kusina upang ayusin ang mesa. Nahihiya siya. Kung sabagay hindi rin naman niya alam na pupunta ito. Edi sana ay nakapagluto manlang siya.

Mula sa bukas na pinto ay nakita niyang abala ito sa pagmasid sa buong living room.

Ngumuso siya. Binilisan ang kilos para makakain na. Its unusual feeling and unreal. Matapos ng tatlong taong walang kibo, sa isang iglap naging normal na wari mo'y walang nangyaring kakaiba sa kanila. Kahit pa alam niyang wala nalang sa lalaki ang prisensiya niya dahil kasal na ito at masaya sa feeling ni Quillian. Marahil ay paraan na lamang ito ng pagkilanlan. Sa nilawak ng lugar na ito ay muli silang nagkatagpo. Oo. Iyon nalang ang inisip niya.

Inayos niya saglit ang mga kutsara at tinidor bago lumabas ng kusina para sabihan itong kakain na. Ngunit naabutan niya itong nakatingin sa isang picture frame. Iyon ang larawan nila ni Von noong mag-dinner sila sa Eifel Tower. Binigyan siya nito ng bulaklak.

"Handa na ang—"

Natigilan siya nang lumingon ito. Seryoso at nananaliksik ang mga titig. Puno ng mga katanungan na gustong mapunan ng sagot. Lumapit ito. Bago pa man makalagpas sa kanya ay sinabing, "Let's eat."

Huminga siya nang malalim bago sumunod. Mas gusto niya ang pagiging madaldal nito kaysa sa tahimik. Nahihirapan siyang basahin ang iniisip nito.

Mas lalong 'di makabasag pinggan ang katahimikang lumukob sa pagitan nila. Ang ingay ng kutsura na tumatama sa plato ang tanging ingay na bumabasag doon. Lalo siyang nahihirapang lunukin ang kanina pa niya nginunguyang steak.

"Are your things ready?"

Nilunok niya ang kinakain bago inangat ang atensyon dito. "Kahapon pa. Ang flight naming ng kaibigan ko ay four."

He scooped the glass of water and drank without tearing his gaze with her. "Kaibigan?" he inquired after.

Tumango siya. Pinunasan ng napkin ang kanyang labi bago nagsalita. "My co-models, Lapeetah and Pricilla. Usapan namin na pupunta sila rito ng one."

"Okay. Babalikan kita rito by quarter to one."

Napainom siya ng tubig. Why is he so bossy? Hindi ako makasingit. Padarang niyang hiniwa ang steak. Galit na tinusok ng tinidor bago sinubo. Napatingin siya rito. Natigilan sa pagnguya dahil pinapanood siya nito.

"Do you want to say something?" he said.

Oo. Napakarami. Umiwas siya nang tingin upang ngumuya. Naiinis siya sa sarili niya. Umuurong ang tapang niya kapag kaharap ito. Hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin. Pagkalunok ay muli siyang tumingin dito.

"What are you doing here?"

He is not serious anymore. He had that amused eyes and ghost of a smile on his lips. "Work," he simply answered.

What the— "Hindi ako nakikipagbiruan." Dumiin ang hawak niya sa kutsilyo at tinidor.

He noticed that but he doesn't give a shit. He is not scared too. "Mukha ba akong nagbibiro? I'm telling the truth. I am part of Sayci's team for almost two years, though I'm a part-timer." Arogante nitong pinatong sa mesa ang mga braso. "Why, J? Do you think I came here because of you?"

Hilaw siyang tumawa. "Bakit hindi ba?"

Nagtiim ang mga bagang nito. Tumaas ang mga kilay.

Hindi naman talaga siya gutom. Habang nasa backstage kasi ay kain siya nang kain ng slice fruits. Naubos nga niya halos ang kiwi dahil paborito niya iyon. Pinatong niya sa gilid ang hawak na tinidor at kutsilyo. Gusto niya ng magpahinga at palabasin ito. She's done now. This conversation is enough. "Thanks for the food."

"Ubusin mo ang pagkain mo, J. Wala ka pang matinong kain."

Anong alam mo? "I am full. Thanks for your concern... you know you shouldn't be here. Magagalit ang asawa mo. Kapag nalaman niya patay ka." Umirap siya sa kawalan sa nakitang mapaglarong multo ng ngiti sa mga labi nito. Titig na titig sa kanya. Sa kanyang labi. Sa buong parte ng kanyang mukha.

Tumayo siya at binuhat na isa-isa ang mga plato. "Playboy," bulong niya.

He cockily wiped the dirt on the side of his lips. "You know I am here." He stood up and walked behind her. He put his plate on the basin, that his shoulder almost an inch away from her. His chest almost pushed her forward. He is very warm from her behind.

She froze when she felt his right hand gently caressed her waist, so he could wash his hand. "I will come back here, J before one," he whispered before he left her once again but this time her knees were melting.

Babaerong bossy! Dinampot niya ang basahan sa gilid at binato kung saan ito lumiko.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C40
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập