Tải xuống ứng dụng
100% Different World / Chapter 21: Twenty

Chương 21: Twenty

Nagising ako sa aking pagkakatulog, hinahabol ng hininga na wari'y milya-milya ang aking tinakbo.

Napatingin ako sa mesa na katabi ng aking Kama. Naruon ang sketch niya.

Sanay panaginip nalang ang lahat, sana hindi iyon totoo.

Hindi ako makahinga ng maayos. Ilang araw, buwan at taon ko na bang dala ang ala-ala niya.

Hindi ko parin siya makalimutan. Napatingin ako sa pinto dahil iniluwa nito ang nakangiting si Mama.

"Bumangon kana diyan, umpisa na ng trabaho mo ngayon." excited na sambit niya habang ipinatong sa upuan ang susuotin kung damit na kahapon niya pinamili.

Napahinga ako ng malalim at sinunod ang gusto niyang mangyare. Naligo at nagayos ng aking sarili, nang medyo maganda na ito sa paningin ko. Ay tsaka ako nagmartsa palabas ng kwarto.

Nakangiti si Mama habang hinihintay ako sa Sala. Iginaya niya ako sa kusina at inalalayan ng mauupuan.

Medyo nahihiya ako sa ipinapakita niya saakin. "Ma, ano bang ginagawa mo?" tanong ko sakanya. Ngumiti lang ito at hinainan ako ng pagkain.

"Hayaan mo nalang muna ako, gusto ko lang lasapin na inaasikaso kita sa unang araw mo sa trabaho." aniya.

"Para saan naman?"

"Gusto ko lang... at kumain kana nga lang diyan." aniya na sinunod ko naman.

Simula ng magkaayos kami ni Mama, noong una medyo nahihiya pa ako, dahil ibang-iba ang pinapakita niya sa nakalakihan ko.

Ngunit hindi pinaramdam ni Mama na nagkulang siya saakin kaya mabilis na nmaging palagay ang loob ko sakanya.

Kahit naman kasi ano ang sabihin ko. She's still my mother at wlang ibang makakaalis nun. Nang matapos kami sa pagkain.

Hinatid niya lang ako sa may gate, pinanuod ang pag-alis ko.

Bute nalang at sinundo ako ni Marra gamit ang kanyang sasakyan.

"Hello there!" bati niya saakin ng makita niya ako. Nginitian ko lamang siya sa bati niya at ikinabit ang seatbelt.

"Sa wakas, matutupad na rin natin ang mga plano natin since High-School.

We can now travel." ngumiti lang ako bilang sukli. Napansin niya siguro ang pinapakita ko.

"Bakit? Napanaginipan mo na naman ba siya?" hindi ako nakaimik.

"Ilang araw na yan ah. Noong mga nakaraang taon, nagamot mo na yan diba.

Nagpatingin kana rin noon sa psychiatrist. Bakit ngayon ba bumabalik na naman?"

Napatango ako sa sinabi niya. "Ano kaya kung ipatingin mo na ulit?" nagaalalang sambit niya.

"Pakiramdam ko kasi hindi lang ito basta sakit. May kakaiba akong nararamdaman." Itinigil niya ang sasakyan.

"Naku, Ria tigilan mo nga ako. Nangingilabot na naman ako sa mga sinasabi mo."

Alam ko namang hindi padin siya maniniwala sa mga sinasabi ko. Kahit ako rin hirap na maniwala, pero nakita ko Mismo, napatunayan ko kung paano siya ulit nakabalik sa buhay ko at kung paano siya nawala.

Mabilis niyang itinigil ang sasakyan sa harap ng Kompanyang mapagta-trabahuan ko.

Lumabas na ako ng pinto at nag-bye sakanya.

Ganun din naman ang isinukli niya saakin, ngunit bago ako humakbang ay pinasadahan ko muna ng tingin ang kabuuan ng building at tsaka tumingin sa itaas.

"Please God, guide me." iyan na lamang ang tanging naging dasal ko bago pumasok sa loob ng building.

Ngunit hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok sa loob ay nakaramdam ako ng isang kamay na nagpatong saaking balikat.

Kunot noo ko itong tiningnan at ganun na lamang ang naging reaksyon ko ng makita ko siya.

"Ikaw?" bulalas ko sakanya. Parang may isang anghel na bumaba sa langit dahil nakikita ko siya sa harapan ko. Ngumiti siya ng napakalapad at tsaka ako niyakap ng napakahigpit.

"Papaanong? Tao ka ba? O nananaginip lang ako?"

"Your prayer is already here." aniya na nagpakunot saakin. My Prayer? To God?

"Yes, I am the answered prayer. I will be the one who are guiding you. But this time there is no candle, I will be staying at your side as long as you want not as a ghost but as a human"

THE END


Load failed, please RETRY

Kết thúc Viết đánh giá

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C21
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập