Tải xuống ứng dụng
28.84% Regrettable Love / Chapter 15: Fourteen

Chương 15: Fourteen

Fourteen

Walang gustong magsalita saaming dalawa habang pareho kaming nakasukob sa kanyang payong, kanina pa ako napapalunok dahil nagdidikit ang basa naming braso sa isat-isa.

"Ihatid mo nalang ako sa sakayan ng jeep. Ka-" pinigilan niya kaagad ako sa pagsasalita.

"Ihahatid na kita." madiing sambit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.

Maya-maya ay nagtama ang mga tingin naming dalawa ngunit mabilis kong iniwas ang akin.

"May pasok ka bukas?" biglang tanong niya saakin.

"W-Wala." tipid na sagot ko.

Hindi na ulit siya nagsalita kaya tumahimik nalang din ako. May nadaanan pa kaming Park at sabay na natigilan.

Bahagya may umukit na ngiti sa labi ko at tumingin sakanya, nakatingin na pala siya saakin.

"I'm sorry again Billy..." mahinahong sambit niya saakin.

"Diba sinabi ko naman sayong hindi mo kasalanan iyon, I am thankful because narito tayo ngayon. Living well." Ngumiti siya.

"at pinipilit na mabuhay..." inihakbang na ulit namin ang aming mga paa.

"And about what I've said to you in the cafeteria, I'm really sorry."

"Wala yun, alam ko naman at naiintindihan ko." Huminto ako sa paglalakad at seryosong tinitigan siya, kasabay din nuon ay ang pagtigil nang pagbagsak ng ulan.

"So friends? Again?" inilahad ko ang aking kamay sakanya, and it feels like we are going back in our Elementary days.

Ngumiti siya ng malapad at tinanggap ang aking kamay na nakalahad.

It is so magical, parang biglang huminto ang ulan at tanging ngiti niya lamang ang nakikita ko.

And I hope that our broken heart will be healed, this time.

~*~

Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa kama habang may sumilay naman na kakaibang ngiti kay Love.

"What happen..." inangguluhan niya pa ang mukha ko gamit ang kanyang kamay na para bang camera.

"Wala." kibit balikat na sagot ko.

"E, ano nga?" pangungulit niya ulit.

Hindi ko padin siya pinansin bagkus ay kumuha ako towel at gamit para makapagpalit na ng pantulog.

"Nagkita ba kayo ni Liam?" natigilan ako sa paghakbang at tumingin sakanya.

Mas lalong nagdiwang ang kanyang ngiti. "Tama ako diba?" pannukso niya saakin.

"Hindi ah..." at tuluyan na akong pumasok sa loob.

Ilang beses kong binasa ang mukha ko para makasiguradong hindi ba ako nananaginip, ayokong ipasok ang sarili ko sa alam kong imahinasyon lang pala ang lahat.

Pero hindi, totoo.

Pasimple akong lumabas ng banyo at nakaabang pa din ang curious na si Lovely.

Huminga ako ng malalim... "Okay, sasabihin ko na. Its Liam nga." nagdiretso ako sa kwarto at iniwan ko siya roon.

"T-Talaga? Okay na kayo?" tumango ako sa sinabi niya.

"Cool..." hinila niya ang upuan at seryosong tumingin saakin. "Tapos?"

Kumunot noo ako sa sinabi niya. "Tapos?" Balik kong tanong.

She rolled her eyes on me. "I mean, magkwento ka pa."

"B-Basta, okay na kami." Putol ko ng usapan naming dalawa. Narinig ko na lamang ang paghinga niya ng malalim at bigong humiga sa tabi ko, tumalikod siya saakin. Nagtatampo.

Niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong.

"Love, did you know that Liam and I were childhood sweethearts?" Nanlaki ang mata niyang tumingin saakin.

"T-Talaga?" Tumango tango ako.

"We were each others first love."

Ang lawak ng ngiti niya saakin. "Kaya pala ganuon ang mga tinginan niyo sa isat-isa, now I get it. Sinong magaakala na ang ultimate heartthrob ng school was your first love." Ipinikit ko na ang mata ko habang panay padin ang daldal niya.

"Kapag malaman ito nung mga fans niya sa school paniguradong maiinggit iyon sayo. At kaya pala niya tinatanong saakin ang address mo." Kaagad kong naidilat ang mata ko sa sinabi niya, nag-peace sign siya saakin.

"I'm sorry if I didn't tell you earlier, bigla kasi akong natuwa ng hiningi niya address nating dalawa." Bigla siyang napa-ayos ng upo ngunit nanatili lamang ako sa pwesto ko, nakahiga.

"At alam mo bang nakita ko siyang sinusundan ka, everyday. Hindi lang ako nagsasalita but I think he is still really in Love with you and based what you've said to me. First Love never die nga talaga." Pilyo ang ngiti niyang tumabi na sa tabi ko habang kinikilig pa.

Pareho kaming nilamon na ng gabi.

"Liam." Kaagad akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang pagtawag sakanya ni Hana.

"Kararating mo lang?" Biglang tanong sakanya nito. Nagsimula na ulit akong maglakad papasok sa klase.

Naupo ako sa pinakadulo, ngunit kaagad ding nagsalubong ang kilay ko ng makitang tumabi saakin si Liam.

"Liam, dito na tayo maupo." seryoso ang mga titig na pinupukol niya saakin na para bang hindi niya naririnig ang sinasabi sakanya ni Hana.

Kinalabit ko ito. "Uy, kinakausap ka ni Hana" napabalik siya sa ulirat at tiningnan na si Hana.

"A-ano nga ulit yun?" Kinuha ko ang notebook at ballpen ko sa bag.

"I said dito nalang tayo." Sumulyap saakin si Liam na animoy nanghihingi siya ng permission ko.

"A-a, s-sige doon ka nalang sakanya." Wala sa sariling sagot ko. Bigla siyang ngumiti na animoy may mali sa sinabi ko.

"Sige dito nalang ako, Hana. Thank you." Kaagad nabaling saakin ang mga tingin ng mga kaklase namin.

Nanlaki din ang mata ko dahil sa sinabi niya, tumayo ako para lumipat ng pwesto ngunit maagap niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ito. Maging si Hana ay nagtaka sa ginawa niyang pagpigil saakin.

Nakaramdam ako ng kaba.

"L-lilipat nalang ako." Bulong ko sakanya.

"W-why? Palagi naman tayong magkatabi nuon diba?" Tuluyan ng nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.

"I still remember how you provoke me, para lang maging kaibigan ako." Awkward akong napahalakhak sa sinabi niya at walang nagawa kundi ang tabihan siya.

Nilunok ko na lamang ang mga tingin sakin ng aking mga kaklase at seryosong tiningnan siya.

"A-ano bang sinasabi mo, ano bang ginagawa mo?"

"Just doing what you told me, forgiving myself and be friend with you again."

Naging blanko ang isip ko na animoy may biglang kumiliti rito.

I smile at him genuinely and we both are.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C15
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập