Hinayaan ko silang maglaho sa paningin ko bago ako tuluyang makapasok sa loob ng school. Tinext ko lang si Lovely na magkita na lamang kami sa Library at nagbabalak akong maidlip muna doon. Dahil hanggang gabi pa ang pasok ko.
Naghanap ako ng magandang spot sa Library at kumuha ng iilang libro para magpa-antok.
Mabuti nalang at sobrang tagong tago ang nahanap ko at hindi rin ito gaano ka tinitingnan ng Librarian kaya hindi ako mahihirapan.
Nireview ko lang ang ibang mga course na pagaaralan at nagdesisyong umidlip na.
Hindi ko maitago ng aking mga ngiti habang pinagmamasdn ko siyang nakatingin saakin.
"Thank you." Sambit ko sakanya.
Inilayo na niya ang kanyang kamay saakin at tinalikuran ako.
"Please be careful next time" at tuluyan ng naglakad palayo saakin. Pinagmasdan ko ang kanyang likod na unti-unti nang nilalamon ng distance naming dalawa.
Kaagad kong hinabol ang hininga ko, at napa-ayos ng upo. Nananaginip na naman ako. Dali-dali kong kinuha ang bag ko.
"Pst. Saan ka pupunta?" Nagulat ako sa biglang nagsalitang iyon sa tabi ko. Si Lovely pala.
"K-Kanina ka pa diyan?" Nauutal na tanong ko sakanya.
"Ou. Pinagpapawisan ka, may sakit kana naman ba?" Napalunok ako sa sinabi niya at napatingin sa Phone ko, quarter to 1 na at kailangan ko ng magtungo sa susunod kong klase.
Sumunod na saakin si Lovely paglabas ng Library at mukhang magkaklase kami sa susunod na subject.
Dire-diretso ang pasok namin sa loob ng klase, at sa likod na naman ang pinili naming upuan. Medyo maaga pa kami ng 5 minutes kaya wala pa ang aming professor at halos lahat kami natigilan ng biglang pumasok si Liam, kasama ang babaeng bumati sakanya kanina.
"Si Hana? Kaklase natin?" Kaagad kaming napatingin ni Lovely sa unahan.
Biglang lumapit si Lovely sa dalawang naguusap at naki-usisa.
"Bakit sino siya?"
"Siya ang Ms. CBA last year at si Liam sa ang Mr. CBA kaso umayaw siya." Napatango tango si Lovely.
Tinitigan ko lamang si Liam at ang kasama niyang babae hanggang sa naupo na sila.
Kinalabit ako ni Lovely. "Famous couple pala yan sila." Bulong niya saakin.
Tipid akong ngumiti.
"Bagay naman sila." Wala sa loob na litanya ko. Kinuha ko ang notebook at pen ko sa bag at hindi na ulit tumingin sa direksyon nila.
Hinayaan kong malibang ang aking isipan.
Ano ba namang laban ko sa present niya, I am just his past na alam kong ayaw na niyang balikan.
He didnt even know me.
Hindi ko napapansin na naisusubo ko na pala ang ballpen ko sa mga naiisip ko.
"Andiyan kana naman sa habbit mong iyan." Bulong ni Lovely saakin.
"Sorry, hindi ko napansin."
Mas lalo niyang inilapit saakin ang upuan niya.
"Girl."
"Uhuh." Tugon ko.
"Umamin ka nga, anong meron sainyo ni Liam?" Kinunutan ko siya ng noo.
"Why?"
Sumeryoso ang tingin niya saakin. "Everytime na napapatingin ako sakanila, palagi ko siyang nakikitang nakatingin sayo." Unti-unti kong nilingon ang kinauupuan niya at nakatingin nga siya saakin.
Kaagad kong iniwas ang tingin ko.
"Diba?" Kumibit balikat na lamang ako para hindi na ganuon ka ma-focus ang atensyon saakin.
Natapos ang klase na iyon, nagmadali akong iligpit ang aking gamit at mabilis na lumabas. Nagtatakang sumunod si Love sa ginagawa ko.
"Bakit nagmamadali?" Tanong ni Love sa kalagitnaan ng aming paglalakad.
"Wala lang. Gusto ko lang mauna." Inibahan niya ako ng tingin.
"Umamin ka nga." Hinarangan niya ang daraanan ko.
"M-May gusto ka ba kay Liam?" Sinuri niya ang reaksyon ko. Natawa ako bigla.
"What? Why?" Natawa na din siya.
Kung alam mo lang Love ang pinagdaanana namin, baka hindi mo kayang tanungin saakin yan ngayon.
"Wala. Lets go. Gutom na ako." Anyaya ko sakanya.
"Wait, hindi mo pa sinasagot tanong ko." Pangungulit niya pa.
Nakarating kami ng Cafeteria ng mapayapa, sabay kaming umorder ng makakain at naupo.
"Billy?" Tawag niya ng pansin saakin.
"Uh." Sumubo na ako ng pagkain.
"Bryle" nagaalangan siyang magsalita saakin.
Napabuntong hininga ako. "Why? Nakikipagbalikan ba si Bryle sayo." Yumuko siya sa sinabi ko.
Maya-may ay naramdaman namin ang biglang pag-ingay ng buong paligid, sinilip ko kung sino and as usual its them again. (Liam and Hanah)
Hindi ko ganun ka pinansin ang nangyayare at nafocus ako dito sa nakayuko kong kaibigan.
"So anong balak mo?" Nagkibit balikat siya sa harap ko.
"B-Baha-" natigil ako sa pagsasalita ng biglang may pumutol ng sasabihin ko.
"Can we join you?" Unti-unti kong inangat ang aking ulo para tingnan kung sino ito.
Its Hana and Liam.
"Sige, upo kayo." Sagot ni Lovely.
Nasa tabi ko si Hana at katabi naman ni Love si Liam.
Bigla akong nailang kaya pinili ko na lamang iyuko ang aking ulo. Pinaghiwalay ko ang mga bean sa aking ulam.
"Hindi ka din pala mahilig sa Bean, si Liam din." Basag ni Hana ng katahimikan.
Tipid akong ngumiti sakanya at napatingin kay Liam na seryosong nakatingin saakin.
"Ah Ou. Kahit sa bahay pihikan din yan sa pagkain." Biglang singit ni Lovely. Sinipa ko siya para patahimikin.
"M-Magkasama kayo sa bahay?" Masiglang tumango si Love at wala na akong nagawa para pigilan pa ang bibig niya.
"Cool, gusto ko din gawin actually its in my bucket list." Ngumiti si Hana saamin.
"Ikaw Liam, gusto mo din ba gawin yun. Yung titira kayo sa isang bahay ng kaibigan mo?" Natutok ang atensyon namin kay Liam at sa isasagot niya.
"Not really." At sumubo na ng pagkain.
Awkward na humalakhak si Hana.
"Pagpasensyahan niyo na, moody kasi." Palusot nito. Mapakla akong napangiti na nagpakuha ng atensyon nilang lahat.
"Bakit?" Tanong ni Hana.
"Wala, wala. May naalala lang ako." Pagpapalusot ko na lamang.
Biglang parang naging bula kami ni Love dahil sa mga kwento ni Hana kay Liam, at para bang kami na itong naki-upo sa upuang iyon. Nagsenyasan kaming dalawa na ubusin na ang kinakain at tsaka naglakas loob na magpaalam sa kanila.
Kita ko ang blankong emosyon ni Liam habang titig na titig saakin. Ramdam ko din sa kaibuturan nito ang lungkot sa mga mata niya.
Bigla ako napahinga ng malalim.
Naghiwalay na kami ni Lovely dahil hindi na kami magkaklase sa susunod na subject.
Medyo dumadami na din ang mga estudyante habang papaakyat ng hagdan. Nanlaki ang nata ko ng biglang may tumakbo sa harap ko at napatid ako.
Kaagad akong nakaramdam ng kaba dahil sa thought na mahuhulog ako.
Buti na lamang at may maagap na sumalo saakin galing sa likuran at hindi ako tuluyang na-out of balance.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.
Hindi ko maitago ng aking mga ngiti habang pinagmamasdn ko siyang nakatingin saakin.
"Thank you." Tanging naging sambit ko sakanya.
Inilayo na niya ang kanyang kamay saakin at tinalikuran ako.
"Please be careful next time" at tuluyan ng naglakad palayo saakin. Pinagmasdan ko ang kanyang likod na unti-unti nang nilalamon ng distance naming dalawa.
Its in my dream. You are in my dream.