Tải xuống ứng dụng
75.71% Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 53: Darkside

Chương 53: Darkside

NAGDAAN ang buong linggo ni Jyra na nakatuon ang atensyon niya sa project ni Frank. Hindi na sila halos magkita ni Malik dahil doon siya sa NP umuuwi. Ganoon din naman ito dahil nababalitang may papasok na bagyo sa bansa.

She tapped her finger on the table while her eyes were glued to the screen. Nasa loob sila ng conference room, pinapanood ang kaganapan sa Paris. Frank was literally burned his eyebrows just for the smooth flow of the opening. His team were just like him, they were devoted, hard worker and passionate.

In just one hour the numbers of downloaded of the online game application boost into 100,000 users of google play store. Bukod pa roon ang app store user.

One of the elders stand up and clapped his hand. Dahil doon ay tumingin siya sa itaas upang pigilan ang nagbabadyang luha. Ang pinaghirapan ni Frank at ng team nito ay nagbunga na. Nagkaroon man ng problema noong una pero naresolba rin agad at ngayon ay smooth na ang transition.

Ngumiti siya nang sumulyap si Frank sa screen at nag-thumbs up.

"Mr. Aldrich is not only smart, he is advanced to anything. Wow!" One of the youngest ladies in their Finance Department complimented.

Lumapit sa kanya si Mr. Agonzillion para makipag-shakehands. Agad niya iyon pinaunlakan.

"Frank is not a boy anymore." Anito, tinapik ang balikat niya.

Maging ang ilan sa board ay nakipagkamay sa kanya. They were all happy with the outcome. Lahat ay nakangiti noong lumabas sa conference room, bukod lamang kay Roena na kanina pa nakatingin sa kanya.

"May problema ba?" usisa niya rito.

"Ma'am, naghihintay po si Miss Winona sa office niyo."

Nabura agad ang saya sa labi niya dahil doon. Hindi pa siya handa na harapin ito. Hindi niya alam ang posibleng pag-usapan nila. Baka magwala na naman ito at saktan siya.

Huminga siya nang malalim. "Pakidala nalang Roena ang paborito niyang juice. Fiji nalang sa akin." Kinuha niya ang mac book sa lamesa at agad lumabas. Bawat yabag niya ay mabigat. Kahit ang paglagpas niya sa hallway, ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Bumuntong hininga muna siya bago binuksan ang pinto. "Good afternoon, Win—" Agad siyang napahinto nang makita si Graciella at Bridgette. Parehas itong nakatayo habang si Winona ay naka-upo na parang reynang hinihintay ang marumi niyang katulong. May pinag-uusapan ang mga ito pero naputol dahil sa biglang pagpasok niya.

"I think she's desperate just like her brother."

Sinitsitan ni Graciella si Bridgette para pahintuin. Animo kakampi niya pero kung makatingin alam niyang minumura na siya at pinapatay nang titig. Gumawi ang tingin niya kay Winona na tumayo. "Ikaw ang nag-post ng tweet, ano?"

Kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Hindi iyan aamin. Syempre, malaki ang puwedeng gawin ng social media para siraan ka Vika. Desperada na nga kay Malik, pati ba naman sa pagmomodelo, sinisirain ka rin," parinig muli ni Bridgette.

Tinitigan siya ng masama ni Winona. "Dahil ba sinaktan kita kaya may inutusan kang siraan ako?"

"Winona!" Hindi na niya napigilang tawagin ito sa totoong pangalan. Nag-aalab ang dibdib niya sa sobrang galit. Kung makaparatang ito ay hindi siya kilala. Mas minabuti pang makinig sa bulong ng iba at hindi manlang siya kausapin ng maayos.

Umalingawngaw ang nakakainsultong tawa ni Graciella. "Anong pinagsasabi niyan, Vika?"

Bumaba ang atensyon niya sa nakakuyom na kamao ni Winona. Nanginginig iyon. Ganoon ang eksaktong itsura nito noong sugurin siya upang sabunutan.

"Hindi ba't model iyan ng Candella. Ano 'yon wala na kasing choice?" Parinig ni Graciella, inirapan siya.

The door slammed open. Lahat sila ay napalingon sa galit na si Lawrence. "Sigurado ka, Graciella?" singhal nito.

Inungusan siya ni Jessica. Kumpara kay Lawrence, kalmado ito pero mababakasan ng sarkasmo ang paraan nang paninitig nito.

"Teka? Ikaw ba iyan... J-Jessica Woods?"

Lumipat ang kanilang atensyon kay Winona na biglang nanliit at halatang nasindak. Para itong natiklop nang banggitin ang buong pangalan ng kanyang kaibigan. Nagkatinginan sila ni Lawrence bago bumaling kay Jessica na biglang napaihip sa kanyang bagong purple nail polish. "Ano ba iyan? Nabuking pa ako." Kumindat ito sa kanya.

"Anong nabuking?"

Sinulyapan niya si Lawrence dahil sa tanong nito. Napansin niya rin si Graciella na biglang namutla.

"I-ikaw ang pamangkin ni Mrs. Swizz na dumating galing ng Cebu?" Bridgette butted in.

Hinila ni Gracialla sa kamay ni Winona. "I think we should go now."

"Ah, right. Bakit kaya hindi ko kausapin si Tita na marami pang choices para sa top five." Banta ni Jessica na ang atensyon ay kay Graciella.

"Let's go!" Nilagpasan siya nila Winona. Parang maamong tupa na sumunod sila Bridgette at Graciella rito. Ilag na ilag pa sila kay Jessica noong lagpasan nila ito.

Naiwan silang tatlong tahimik at nagtatanong ang mga tingin sa isat-isa. Sa isang iglap, pakiwari ni Jyra ay hindi niya kilala si Jessica. Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin ngayon. Nakakahiya at hindi manlang niya alam ang bagay na iyon sa kaibigan. Hindi rin naman kasi sila nagtanong ni Lawrence.

Nilamon ng tawa ni Lawrence ang katahimikan. Sinundan iyon ni Jessica. Bukod tangi lamang siyang naiwang naguguluhan.

"Ang dami mong sorpresa, sis. Ano pa? Ibagsak mo na iyan." Turan ni Lawrence, hindi mapigilan ang pagtawa.

Napaupo si Jessica tumatawa na rin. Pinapalis pa nito ang luha sa gilid ng mata. "Natatawa ako sa reaction ni Vika. Lalo si Graciella. Nawalan yata ng dugo."

Lumapit siya kay Jessica para tumabi. "Oo nga, ano pang sikreto mo?"

Saglit itong natahimik habang nakangisi. "Mukha man akong suwerte pero puno ako ng inggit sa mga kapatid ko. Ayaw nila mommy sa fashion industry. Iba ang pananaw nila roon, kaya ang dalawa kong kapatid na sumunod sa yapak nila ay apple of the eye nila." Hilaw na ngiti ang sumilay sa labi nito at bigla nalang natulala sa kawalan.

May kung anong lungkot na bumakas sa mata nito na pamilyar sa kanya. She must be not happy.

"Ikaw? Bakit hindi mo sinundan ang yapak nila?" Inosenteng tanong ni Lawrence. Lumapit sa lamesa at doon naupo.

"Wala roon ang interes ko. Siguro nakuha ko ang hilig ni Tita. Inspired ako sa pamimili ng damit. Iyong bang kapag may lakad ako ay kailangan maayos at malinis, angat at kapansin-pansin." Inayos nito ang suot na criss-cross maxi dress.

Napansin niya ngang kakaiba palagi ang suot nito. Sophisticated and glamore, unlike Lawrence, ragged and flashy tom-boyish.

"Bakit ngayon ka lang nagpunta rito? Madali lang sa'yong makapasok sa Swizz dahil kamag-anak mo ang may-ari. Kaysa nagtitiyaga ka sa Go-See." Si Lawrence, biglang naging seryoso.

Tumango siya roon. Kung tutuusin ay kayang-kaya nitong makapasok sa top five or kasing level ni Vika or higit pa kay Vika. Bakit ng aba ito nagtitiis sa mahirap na daan?

"Gusto kong patunayan kila mommy at daddy na kahit mahirap kakayanin ko." Sagot nito, nananatiling tulala.

Bumaba ang atensyon niya sa kanyang mga kamay. Ganoon din ang iniisip niya. Gusto niyang paghirapan ang lahat. Iba ang tagumpay at kakaiba ang ningning sa labi kapag ngumiti kapag alam mo ang pakiramdam na nagdaan ka sa hirap bago marating ang tagumpay.

"Alam niyo naman na hindi ako, kasing level ng yaman niyong dalawa. Wala akong choice kung hindi magdaan sa pinakamaliit. Gusto kong tulungan ang pamilya ko at the same time, masaya ako sa ginagawa ko." Umiwas si Lawrence nang tingin sa kanila para alisin ang luha sa pisngi.

Napatayo siya dahil doon. Agad niya itong hinawakan sa kamay at pinisil. "Hindi ka mag-isang dadaan sa butas ng karayom, Lawrence. Kasama mo ako."

Agad silang niyakap ni Jessica. "Isama niyo naman ako riyan. Magsusumikap tayo para marating ang pangarap natin."

Sabay-sabay silang napalingon sa nagbukas na pinto. Alanganing ngumiti si Roena nang makita ang lagay nilang tatlo. "Sorry, Miss Jyra. May na-receive po akong email para sa inyo." Pumasok ito para iabot sa kanya ang print out.

Mabilisan niya iyong binasa at agad natulala.

Hindi na nakapaghintay pa si Lawrence at inagaw sa kamay niya ang papel. "Jyra, invited ka sa Alisa Collection! Oh my god!"

Nagitla siya sa biglang pagtili nito.

"Double, oh my god. May invitation din ako," si Jessica, tulala sa kanyang cellphone. Lumingon ito kay Lawrence. "Tingnan mo na ang email mo."

Agresibong tumango si Lawrence at hindi magkanda-ugaga sa pagpindot sa cellphone. Agad silang lumapit ni Jessica rito para sumilip. Binuksan ni Lawrence ang gmail niya at nakita roon ang logo na A. Hindi pa man nabubuksan ay agad na silang nagtilian sa sobrang kilig.

"Eto na ang simula!" Tili ni Lawrence.

"Yeah!" Jessica aggressively yelled.

Tumawa siya bago itinaas ang kamay sa ere. "Fighting!" 

She believes that even if the world is full of trials and challenges, always remember that there's an award waiting in the end. 

Muli niyang minasdan ang dalawa na kapwa masaya. This is their journey; one dream, friendship and no shades of darkness in their heart. This is their true color. 


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C53
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập