Tải xuống ứng dụng
84.53% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 328: Demon of Lust

Chương 328: Demon of Lust

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ng maramdaman kong di na gumagalaw yung kotse. Pagtingin ko sa unahan wala na si Mang Kanor sa driver seat at nakaparada na yung sasakyan sa harap ng isang bahay.

Pagtingin ko sa kaliwa ko bumuluga sakin yung mukha ni Martin na naka tingin din sakin. Sa sobrang lapit namin muntik ng magtama yung mukha naming dalawa. Dumistansiya ako ng bahagya saka ako lumingon sa paligid. Tirik na tirik ang aras at sa tantiya ko malapit ng mananghalian.

"Dito na ba tayo?" tanong ko kay Martin nung ma-compose ko yung sarili ko.

"Kanina pa!"

"Kanina pa, bakit di mo ko ginising?"

"Paano naman ako magkakalakas ng loob na gisingin ka eh ang sarap ng tulog mo. Tingnan mo tumulo pa laway mo sa damit ko." Bahaya pang inangat ni Matin yung manggas ng suot niyang polo para ipakitang may bakas pa yun ng laway.

"Kapal mo, laway mo yan!" mabilis kong tanggi habang kinapa ko pa yung gilid ng bibig ko baka kasi nga mamaya may laway pa talagang natuyo dun pero wala naman akong nakapa kaya inirapan ko si Martin bago ko kinuha yung bag ko para bumaba.

Sumunod naman siya sakin at agad kinuha yung bag pack ko at siya na ang nagbitbit habang naka sampay sa balikat niya yung tuwalya ko na ginawa kong unan niya kanina.

"Akin na yung tuwalya ko!" pero di ako pinansin ni Martin at nagpatuloy lang sa pagpasok sa loob ng bahay.

Pinagmamasdan ko yung paligid habang naglalakad. Semi-bungalo yung bahay na malapit sa tabing dagat. Sa tantiya ko nasa fourty square meters lang siya, tamang tama lang sa bakasyunista.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ko ng makapasok kami sa loob.

"Ni-rent ko lang," sagot ni Martin na dumiretso sa kwarto habang bitbit parin yung bag ko. Iniisip ko yun yung magiging kwarto ko kaya sumunod din ako. Meron dun isang king size bed na nababalutan ng puting kubre kama at mga puting unan. Sa laki nung kahit gumulong-gulong ka di ka kagad malalaglag.

Agad kong binuksan yung cabinet para sana ilagay yung sling bag ko doon kaya lang pagbukas ko may mga damit na naroon puro damit iyon na panlalaki at kung di ako nagkakamali based sa design at brand nun damit iyon ni Martin kaya agad akong napatingin kay Martin na binuksan yung bintana para pumasok yung freash air na galing sa dagat.

Na-sense naman niya yung tingin ko kaya tumingin din siya sakin. Mukang na gets din ni Martin yung tingin ko kaya agad siyang sumagot, "sama mo nalang yung damit mo diyan."

"Bakit ko sasama?" gulat na gulat kong tanong.

"Share tayo ng room, kung ayaw mo pwedi ka naman matulog sa labas kasi wala ng kwartong available!" sabi ni Martin na lumabas na ng kwarto, inunahan niya na ko sa sasabihin ko. Ang masaklap ako yung patutulugin niya sa labas, samang lalaki.

"Eh di sa labas!" sabi ko sa sarili ko, isa pa mas gugustuhin kong matulog sa labas kaysa sa kasama siya sa kwarto mahirap ng mapasubo pero paglabas ko doon ko lang napansin na walang mahabang sofa na pweding tulugan sa halip puro single chair yung nandun.

Luminga-linga ako sa paligid nagbabasakali na may makita akong pweding tulugan pero wala talaga pero pwedi naman sigurong maglatag ng foam or sapin sa sahig para matulog yun nalang gagawin ko.

"Wala ng available na foam na pwedi mong ilatag sa sahig, isa pa wala na ding extra ng kumot."

sabi ni Martin na nasa maliit na kusina at naghahanda ng makakain namin.

"Sa site nalang ako matutulog!" sagot ko sa kanya kala niya susuko ako, marami pang paraan akong alam para lang di siya makatabi sa pagtulog.

"Walang kuryente dun, kung handa kang magpakagad sa lamok, okey lang!"

"Magcheck-in nalang ako sa ibang hotel!"

"Malayo ang ibang hotel sa site, kakailanganin mong mag taxi papasok at pauwi kasi di kita papahiramin ng kotse at ipapasundo."

"Talagang pinagplanuhan mo eh noh!" sabi ko sa kanya habang lumapit ako sa lamesa. Naka hain na siya ng pagkain namin kaya umupo nalang ako sa tapat niya kahit di pa niya ko iniimbitang kumain.

"Anong pinagplanuhang sinasabi mo?" inosente niyang sagot sakin.

"Tigilan mo nga ako, di ka na talaga makapaghintay ng Thursday at gusto ng advance?"

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo at saka wala akong iaadvance kasi kung may mangyari man satin mamaya bayad mo yun sa utang mo sa bar na ako nagbayad." sabi ni Martin habang nilalagyan niya ng pagkain yung pinggan ko.

"Anong pingasasabi mo?" takang tanong ko.

"Alam ko lasing ka ng araw na yun pero for your info ako nagbayad ng lahat ng ininom at kinain natin kay Jerold."

"Eh di babayaran kita!"mabilis kong sagot.

"Di ako tumatanggap ng cash," sabi ni Martin sabay kindat sakin.

"Eh di bank transfer!" desidido kong sagot.

"Mukang di ko na explain ng maayos, I mean to say is di ako tumatanggap ng pera basta galing sayo kasi iba yung gusto kong bayad mo."

"Manyak!" sabi ko sa kanya kasi na gets ko na yung ibig niyang sabihin.

"Haha...haha... di naman masyado!"

"Di masyado yung mukha mo!"

"Haha...haha...!" tuwang-tuwa ang loko kasi nahulog nanaman ako sa trap niya.

"Asan nga pala si mang Kanor?" tanong ko nung mapansin kong wala si Kuya.

"Pinauwi ko muna?"

"Sa Manila?"

"Hindi diyan sa Zambales, taga diyan yung pamilya niya, sabi ko balikan niya nalang ako pagpabalik na tayo sa Manila."

"Bakit magtatagal ka rin ba dito?"

"Oo, samahan kita!"

"Naku di mo na ko kailangang samahan, kahit nga mamaya or ngayo pwedi ka ng umalis." Di sumagot si Martin at tiningnan lang ako ng masama kaya nanahimik na ko mahirap ng ma-provoke ko yung inner demon niya, "Demon of lust."

"Bilisan mo ng kumain para makapunta tayo sa site at ng gawin mo naman yung trabaho mo para di sayang yung pinapasahod ko sayo."

"Uy di mo pa nga ako pinapasahod!"

"Di pa ba, wait!" sabi ni Martin sabay kuha ng phone niya na nasa bulsa niya.

Napansin ko bago yung phone niya, last time kasi kulay black yun ngayon kulay puti yung gamit niya. Maya-maya narinig ko yung phone ko na tumunog, indicating may message na pumasok.

"Transfer ko na!" sabi niya sakin.

"Check ko mamaya," sabi ko nalang at nagsimula na kong kumain. Gusto ko sanang itanong kung bakit bago yung phone niya pero di ko na sinabi kasi ayaw kong isipin niyang napapansin ko pa yung mga ganung bagay.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
pumirang pumirang

Gusto niyong malaman kung bakit bago yung phone ni Martin?

Tayo ay magbalik tanaw nung time na tinawagan niya si Michelle nung nasa Bataan siya.

Katatapos lang ni Martin makipag-meeting sa isa sa investor na nasa ibang bansa buti nalang via online lang pero kahit papano inabot din sila ng alas onse ng gabi.

Katatapos niya lang maligo ng nag-scroll siya ng FB account niya ng makita niya yung post ni Mike na naka tag si Michelle. Sa post na iyon makikita si Michelle na nasa bintana habang may mga lalaking kumakanta sa labas ng bahay.

Mabilis na nag-init yung ulo niya kasi kagabi lang magkasama sila pero ngayon nakikipag ligawan na siya sa ibang lalaki kaya agad niya itong tinawagan pero nakaka twenty miscall na siya sa dalawang phone niya pero di sumagot si Michelle.

Kaya nung sumagot ito di niya na napigilang sumigaw. Ang masaklap lang sinigawan din siya ni Michelle at sinabe, "Baka nakakalimutan mo di mo ko girlfriend, di mo ko fiancee at lalaong di mo ko asawa kaya wala kang karapatan!" pagkatapos nun ay binabaan siya ng phone. kaya mabilis niya uling dinaial yung phone pero di na ito sumagot at kinancel na yung tawag niya.

Nung sa huli di na siya makapasok at alam niya binolock na siya nito at dahil sa labis na galit niya ibinato niya yung phone niya sa pader. Kawawang phone nawasak kaya ayun bago phone niya.

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C328
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập