"Hon, iwan muna ako dito?" Sabi ko kay Martin nung matapos na yung pag check namin sa mga material na gagamitin sa kasal naming dalawa.
"Bakit?" Takang tanong niya.
"May pupuntahan lang sana kami ni Zaida saglit."
"Bakit siya sasama mo eh pwedi naman ako?"
"Hon naman! It is a girl thing!"
"Oo nga naman Martin, ikaw naman!" Segunda ni Zaida.
"Saan kayo pupunta?" Masungit na tanong ng isa.
"Punta lang kami mall!" Naka-ngitin kong sabi kasi yun naman talaga ang totoo sa mall kami pupunta.
"Shopping kayo?"
"Oo!"
"Ayaw mo kong kasama?" Muli niyang tanong na sinagot ko naman ng iling na agad na nagbigay kunot ng noo niya.
"Bibili kami ng isusuot ni Michelle sa wedding night niyo kaya di ka pweding sumama kasi paano ka pa ma exite kung nakita mo na yung isusuot niya!" Sabi ni Zaida sabay hila sakin, malamang nainis na kasi nga ang tagal ng paliwanagan kay Martin.
"Wait!" Muling tawag ni Martin kaya muli kaming huminto ni Zaida sa pagsakay sa kotse niya.
"Bilhin mo lahat ng gusto ni Michelle! Tapos siguraduhin mo yung pipiliin mo yung mabilis matanggal ha!" Sabi nito sabay abot ng card niya kay Zaida.
Di ko tuloy alam kung matatawa ako o maiiyak sa pinagsasabi nilang dalawa.
"Zai, akin na yung card niya!" Sabay lahad sa palad ko para ipatong doon ni Zai yung card ni Martin na agad naman ibinalik nung isa.
"Hon may pera ako dito kaya ako na bahala!" Sabay abot sa kanya nung card pero di niya ito kinuha.
"Baka kulangin ka at saka baka meron kang makita na gusto mo!"
"Kunin mo na!" Utos ko pero nakipag matigasan sakin si Martin at nanatiling naka titig sa mga mata ko.
"Please!" Paki-usap ko kaya wala siyang nagawa kundi abutin iyon at ipasok sa bulsa niya.
"Text mo ko kung patapos na kayo ha, para sunduin kita!" Tatango na sana ako ng sumagot si Zaida na nasa driver seat na ng kanyang kotse.
"Hahatid ko nalang siya sa Pad mo kaya maghintay ka nalang dun."
"Hatid na lang daw ako ni Zai, kaya wait mo nalang ako dun sa Pad ha!" Paglalambing ko kasi di maipinta yung muka ni Martin.
"Bawi ako sayo mamaya ha!" Bulong ko uli para ma-appease siya at mukang working naman iyon kasi ngumiti na siya.
"Ingat ka!" Sagot niya sakin sabay halik sa labi ko.
"Ikaw din!"
"So, ako di na mag-iingat kayo nalang dalawa!" Reklamo ni Zaida na kanina pa naasar sa paglalambingan namin ni Martin sa harapan niya.
"Sige na! Alis na kami baka magwala na si Zaida!" Sabi ko kay Martin na lumayo na sa may pinto ng kotse para makapasok ako.
Kinawayan ko siya bilang paalam bago kami tuluyang umalis ni Zaida.
"Ang drama niyong dalawa ha! Akala niyo naman di kayo magkikita eh ilang oras lang naman kayong magkakahiwalay."
"Di mo maiintindihan kasi wala kang boyfriend, kaya wag kang mag-react jan!" Irap ko ka Zaida.
"Ah, ganun! Sumbong kaya kita kay Martin na regalo ang bibilhin mo ngayon para sa kanya para mabunyag yung sikreto mo!" Pagbabanta niya sa akin.
"Ikaw kaya diyan sumbong ko na nakikipag date ka kay Jerold!"
"Michelle naman! Akala ko ba magkakampi tayo?" Nagpapadyak na sabi ni Zaida.
"Ikaw diyan nag-simula tayos ganyan-ganyan ka!"
"Hays! Fine talo na ko!"
"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko kay Zaida.
"Punta tayo dun sa office nung designer ni Martin, atleast pag dun tayo pumili ng ireregalo sa kanya sure na magugutuhan niya iyon."
"Kaya nga di ako nagkamali sa paglapit sayo eh!" Lambing ko kay Zaida.
"Hay naku Michelle tigilan mo ko di ako si Martin kaya wag kang umaarte sakin ng ganyan!"
"Pag-ikaw nakita kong gumaganyan kay Jerold sa harap ko, kukutusan kita!" Pagbabanta ko sa kanya.
"Asa ka naman makikita mo kaming magkasama!" Sabay dila sakin.
"Talagang di ko kayo makikita kasi nga nagtatago kayo! Haha..haha...!" Mala-demonyo kong tawa.
"Bumaba ka na nga!" Sabi ni Zaida sakin habang pinark yung kotse sa gilid ng kalsada.
"Wait nga!" Sabi ko sabay kuha ng phone ko sa sling bag ko.
"Di ka na mabiro Micheller haha... haha.. tara na!" Muling andar ng kotse.
Napa-iling nalang ako kay Zaida kasi nga ang dali niyang takutin.
"Ewan ko ba, kung bakit na kwento ko pa sayo yung tungkol samin ni Jerold para tuloy gumawa ako ng sarili kong multo." Pagsisi ni Zaida.
"Haha... haha... syempre gusto mong ma share kung paano kiligin yung pwet mo habang dini-date ka niya sa yate niya!"
"Grabe talaga yung feeling na yun Michelle parang nasa langit ako!"
"Bakit di mo pa sagutin?"
"Alam mo naman yung dahilan diba?"
"Yun na nga kung di niyo naman kayang ipaglaban yung pag-iibigan niyo so what's the point na nagdate pa kayo." Comment ko, para kasi sakin anong point na mahal niyo nga yung isa't-isa pero di kayo pwedi kasi natatakot kayo sa magiging reaction ng mga tao sa paligid niyo. Biglang natahimik si Zaida na parang nag-iisip.
"Alam mo Zai, kung mahal mo siya at mahal ka niya go for it! Kahit pa magalit yung Kuya mo at si Martin, okey lang yun ang importante is masaya ka."
"Sa palagay mo, pagdating ng panahon matatanggap din nila kami ni Jerold?"
"Sa palagay ko naman oo, kung papatunayan ni Jerold na di ka niya sasaktan at totoong seryoso siya sayo."
"Sa tingin ko naman mahal niya ko!"
"Malalaman mo yan kung kaya niyang harapin yung Kuya mo at pinsan mo!" Muling napa-isi si Zaida na parang tinitimbang yung sitwasyo kaya hinayaan ko nalang muna siya.
Di ko alam kung sino ang mas mahirap na sitwasyon saming dalawa kung sakin ba na di ako tanggap ng pamilya ni martin kasi nga magkaiba kami ng estado sa buhay o siya kasi yung gusto niyang lalaki ay kilala bilang playboy na halos araw-araw ay iba-iba yung girlfriend, daig pa ang nagpapalit ng damit.
"Hays!" Buntong hininga ko kasi ang dapat kong isipin is yung Birhday Present ko kay Martin kasi malapit na yung birthday niya pero wala pa kong naisip na ibibigay sa kanya at sumasakit na talaga yung ulo ko kakaisip nun.