Tải xuống ứng dụng
43.29% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 168: Chapter 196

Chương 168: Chapter 196

Nung first day ng tour puro kami sa dagat buti nalang nung second day more on outdoor adventure kami like spelunking and ziplining.

Sulit na sulit yung bakasyon kung pwedi nga lang magtagal pa.

Kasalukuyan na kaming bumalik ng City of Puerto Princesa para makapamili ng pasalubong at dun narin manggaling pabalik ng Manila.

Naisip kong sa may Baker's Hill bumili ng pasalubong kasi sikat yun for freshly-baked and delicious local delicacies kaya dun kami pumunta ni Martin.

"Anong gusto ng Papa at Mama mo?" Tanong ko kay Martin habang busy ako sa paglalagay ng nabili ko sa basket namin.

"Wag mo na silang bilhan." Matipid niyang sagot.

"Ano ka ba dapat kahit papano may papasalubong ka din."

"Bahala ka!" Sagot niya sa akin.

Dahil sa sinabi niyang ako na bahala ako na ang nagdecide. Kumuha na lang ako ng assorted hopia, egg pies, brownies, and chocolate crinkles.

"Okey na ito, tara na! Baka ma late pa tayo sa flight." Pagyaya ko kay Martin sa may cashier.

"Okey!" Pagsang ayon niya.

Agad siyang bumunot ng pera para bayaran yung mga pinamili ko bago kami umalis papuntang airport.

Sa airport na kami nag lunch at saktong four ng hapon ng lumapag yung eroplano sa Manila.

"Taxi nalang tayo papuntang Pad ko tapos hatid kita." Sabi sa akin ni Martin habang lumalakad kami palabas ng airport.

"Okey!" Sagot ko.

Pagdating namin sa Pad niya agad kong sinort yung mga gamit niya.

"Ano itong nasa lamesa?" Tanong ni Martin nung lumabas siya galing kwarto katatapos lang niya maligo.

"Pasalubong mo!"

"Pasalubong ko? Ang dami naman ata!"

"Kunti nga lang yan, Itong tatlo uwi mo ito sa parents mo. Tapos itong iba bigay mo kay Mang Kanor, kay Yago tapos yung iba hatiin mo nalang sa mga tao dun sa floor mo."

"Uwi mo na yan!" Sagot niya sa akin habang tumabi sa akin sa upuan.

"Ano kaba alam nila nagbakasyon ka kaya dapat magbigay ka man lang kahit papano."

"Bakit yang sayo?"

"Yung akin, tatlo sa bahay, kay Boss Helen, kay Dina tapos yung iba for sharing na lang."

Sagot ko sa kanya habang hinahaplos yung buhok niya.

"Ayaw mo bang maligo muna bago kita hatid?"

"Iniisip ko nga muna sanang maligo kaya lang baka di mo ko pauwin kapag mabango na ko." Pang-aasar ko kay Martin

"Kahit mabaho ka pa i don't mind!" Sabay huli sa labi ko.

"Ikaw talaga! Tara na hatid mo na ko!" Pagrereklamo ko.

"Mamaya na!" Sagot niya sa akin at muli akong hinalikan.

"Nagluto si Mama ng kare-kare at hinihintay na tayo kaya wag ka ng makulit!" Bulong ko sa kanya habang pinisil yung ilong niya.

"Hays... kundi lang masarap yung kare-kare ni Mama mo di na talaga kita iuuwi eh!"

"Sige sabihin mo yan kay Mama para mahampas ka ng walis." Sagot ko sa kanya habang tumayo na ko kasunod siya.

Pagbaba namin ng underground parking agad kong inabutan ng hopia si Manong guard.

"Para po sa inyo Kuya."

"Naku Ma'am wag na po!" Mabilis niyang tangi habang winawasiwas pa yung dalawang kamay niya para di ko mailagay yung pagkain sa kamay niya.

"Hon oh... ayaw tanggapin ni Kuya!" Sigaw ko kay Martin habang naka pout pa yung labi ko.

"Tanggapin niyo na!" Bossing sabi ni Martin.

Walang nagawa si Manong guard kundi abutin at halata sa reaksyon niya na hiyang-hiya siya.

"Specialty po yan sa Palawan sana po magustuhan niyo." Muli kong sabi habang nginitian siya.

"Salamat po Ma'am." Nagkakamot na ulong sabi ni Manong guard.

"Naku dapat kay Boss Martin mo ikaw magpasalamat kasi siya nagbayad niyan. Haha....haha....!" Carefree kong tawa.

"Thank you po Sir." Pagpapasalamat ni Kuya.

"Hmmm!" Tanging sabi ni Martin.

"Napaka Bossy mo naman!" Reklamo ko kay Martin nung naka upo na kami sa kotse niya.

"Bakit mo nasabi?"

"Paano di ka man lang ngumiti or magsabi kay Manong guard ng you're welcome napaka cold mo."

"Ganun naman talaga ako sa mga empleyado ko para di sila masyadong maging comfortable sa akin."

"Bakit masama ba yun?" Takang tanong ko.

Kasi kahit papano si Boss Helen strict sa amin pagdating sa work pero kapag wala ay napaka open niya at easy going saka napaka dali niyang approach if ever may problem ka or may kailangan ka.

"Masama kasi kapag pinakita mo sa kanila na close kayo aabusuhin ka nila."

"Ganun ba yun bakit si Boss Helen di naman ganyan." Comment ko.

Biglang kumunot yung noo ni Martin sa sinabi ko pero di na siya sumagot at nanatiling tahimik lang. Pero bigla kong naiisip sabagay ibat-ibang style naman yung pagmamanage ng business marahil yun ang style niya kaya dapat di ko paki alamanan.

Di lang talaga ako comfortable kapag cold si Martin sa ibang tao.

"Eh ikaw bakit ka ba nakikipag close sa guard?" Biglang tanong niya sa akin.

"Syempre para pag pumunta ako dito mabilis na niya akong papasukin or kapag nagdala ka ng babae isusumbong ka niya sa akin kaya sinusuhulan ko siya."

"Huh?"

"Haha... haha... kailangan ko ng kakampi na malapit sayo kaya ng sinuhulan ko din si Mang Kanor." Tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

"Kaya pala! Dapat pala suhulan ko din yung guard at mga ka officemate mo para alam ko din kung may umaaligid sayong lalaki doon sa opisina niyo."

"Susuhulan mo pa yung mga kasama ko eh Boss ko na nga yung sinuhulan mo." Reklamo ko.

"Haha...haha...syempre dapat mas maraming mata ang magbantay sayo lalo pa nga at napaka tigas ng ulo mo at napakaraming umaaligid sayong mga insekto." Sabi niya sa akin habang pinisil yung pisngi ko.

"Wala talaga akong panalo sayo!"

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Syempre si Manong guard at si Mang Kanor lang pwedi kong suhulan."

"Ano kaba di mo naman sila kailangang suhulan kasi alam mo naman na loyal na loyal ako sayo."

"Sus sinasabi mo lang yan kasi kaharap ako malamang pag talikod ko iba na yung sinasabi mo."

"Malabong magyari yun Hon, Lalo pa nga ilang araw na lang magiging asawa na kita." Naka ngiting sagot ni Martin sa akin habang hinalikan yung likod ng palad ko.

"Anong ilang araw na lang pinagsasabi mo?" Nagulat kong sabi sabay hila sa kamay ko.

"Oo diba!"

"Tigilan mo ko. Stick tayo sa unang plano natin after one year saka tayo papakasal."

"Wala namang difference yun Hon!" Reklamo niya.

"Meron noh... mararaming pweding mangyari malay mo bigla mong marealize si Elena pala ang gusto mo or bigla kang mauntog di mo na pala ako mahal mga ganun." Dirediretcho kong sabi di ko man lang napansin na nagdidilim na yung muka ni Martin.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C168
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập