Tải xuống ứng dụng
4.38% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 17: I'm Happy Being Single

Chương 17: I'm Happy Being Single

"Maganda naman ako pero bakit niya nagawa yun sakin." Yan yung mga tanong na di ko masagot kung ako ba ang may mali o siya pero sabi nga ni Mama siya ang may mali at ganun din ang comment ng friends ko pero ang ending masakit parin na malamang niloko ka ng lalaking minahal mo.

Sa totoo lang maraming nanliligaw sa akin sadyang ayaw ko lang magpaligaw. Binibiro ko lang si Sir Ronald at Sir Albert pero di ko akalaing mamasamain yun ni Martin.

"Paki ko sa iniisip niya!" Sabi ko uli sa sarili ko habang tinatapos na yung pag-totooth brush.

Naghilamos din ako para kahit papano mawala yung alikabok sa muka ko. Tinanggal ko muna yung ipit ko para kahit papano matuyo yung buhok ko sa bandang anit.

Di ko lang maintindihan yung sarili ko kung bakit ako nag-aalala sa comment ni Martin sa akin eh kung tutuusin wala naman akong dapat paki sa iniisip niya sa akin.

Nagpalit ako ng damit ko kasi nga nabasa nung naghilamos ako. Instead, na uniform namin nagsuot ako ng white collar t-shirt para mas comfortable kasi nga mas mainit yung panahon kapag hapon. Nung masiguro kong okey na yung lahat agad akong lumabas pero laking gulat ko ng may taong nakatayo sa may pintuan.

"Uy... Sir!" Tanging nasabi ko.

"Start na tayo para maaga matapos!" Seryosong sagot niya habang nakatingin sa buhok ko.

Di ko tuloy maiwasang hawakan yung buhok ko baka kasi may dumi or baka may nakikita siyang di ko nakikita.

"Nilugay ko Sir para matuyo!" Paliwanag ko baka kasi masamain niya at baka iniisip niya na makaka sagabal sa trabaho ko kaya nagpaliwanag na ako.

"Hmmm!" Tanging sagot niya.

Nauna na siyang naglakad paalis kaya sumunod ako nung masigurado kong naisara ko yung pinto. Habang naglalakad kami di ko maiwasang pagmasdan yung likod niya. Nagpalit din siya ng damit naka t-shirt na lang siya ng itim na medyo body fitted kaya bakat na bakat yung muscle niya sa dibdib at braso. Makikita mo rin kung gaano kalapad yung balikat at gaano kaliit yung baywang niya. Masasabi mong napaka perfect body niya di ko tuloy mapigilang mapa lunok.

Nung malapit na kami sa ground floor muli kong itinali yung buhok ko kaya bahagya muna akong huminto sa paglalakad.

"Akala ko ba inulugay mo para matuyo?" Tanong ni Martin sa akin na huminto rin pala sa paglalakad ng maramdaman niyang di na ako naka sunod sa kanya.

"Ah baka kasi makasagabal sa trabaho ko mamaya kaya tali ko nalang uli," sagot ko. Paano kanina di niya kinumpiram kung okey lang bang ilugay ko kaya naisip ko na baka ayaw niya.

"Paanong makakasagabal eh di naman food process yung gagawin mo. Saka sasakit yung ulo mo kapag tinatali mo yung buhok mo ng basa." Payo niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi muling tanggalin yung tali ko buti nalang kahit papano ay malambot at madulas yung buhok ko kaya kahit daliri ko lang yung isuklay ko okey lang siya.

Nung masiguro niyang sinunod ko siya muli na siyang naglakad paabante kaya muli akong sumunod sa kanya. Habang naka sunod di ko mapigilang mapabuntunghininga at yumuko.

"Hays!" Paano kasi nagtataka talaga ako sa ikinikilos niya at di ko maisip ang dahilan ng mga iyon.

"Napapabuntung hininga ka sa dami ng gustong makipagkilala sayo at di mo alam kung sino unahin mo?" Narinig kong sabi ni Sir Martin.

"Huh?" Takang tanong ko kasi di ko ma-gets yung ibig niyang sabihin.

Nung mag sink-in sa utak ko yung point niya di ko alam kung paano iyon sasagutin. Ang masaklap lang is hinihintay niya yung sagot ko at sadya pa siyang huminto.

"Di yun sa ganun Sir, iniisip ko na one thirty na pala di ko napansin yung oras na over break na pala ako. Saka di ko iniisip yung mga ganung bagay I'm happy being single." Sabay ngiti.

Nasa muka niya na di siya kumbinsido sa sagot ko pero di na niya ipinilit pa at muli na kong naglakad para iwan siya.

"Pwedi ko ba namang sabihin sa kanya na siya ang dahilan kung bakit ako bumuntong hininga." Sabi ko sa isip ko habang umiiling para mawala siya sa utak ko.

Buti nalang pagdating namin sa looby andun na si Sir Ronald at Sir Albert. Agad akong lumapit sa kanila para maka layo ako kay Martin paano kasi feeling ko talaga may something siya sa akin tapos yung something na yun ay di ko maipaliwanag kaya kung pwedi lang talaga gustong-gusto ko siyang iwasan or taguan para di ko na makita yung mapanuri niyang mata.

"Let's start!" Utos ni Sir Martin.

"Sa may receptionist area na po tayo!" Sagot ko naman.

Kaya lumakad kaming tatlo papunta sa reception area.

Agad kong pinaliwanag yung mga function ng device ng dapat gawin ng Receptionist kapag may Guest.

"So dito po si papakita ko sa inyo kung pano mag-register sa guess para makapag check-in. So bale may form po na ibibigay si Receptionist gaya nito." Sabay abot kay Sir Martin ng sample form para makita niya.

"Pero if ever may calling card na si Guess, Pwedi na po yun scan ni Receptionist so no need to fill-up the forms. Let me show you how?"

Iniayos ko yung scanner tapos try ko sanang scan yung calling card ko pero naka limutan ko yung wallet ko sa taas kaya wala akong nagawa kundi humingi kay Sir Ronald.

"Pahingi naman calling card mo Sir?" Sabay lahad ng kamay ko.

"Naku Ma'am wala pa po ako."

"Ikaw po Sir Albert?"

"Sorry Ma'am wala rin po ako!" Malungkot niyang sagot sa akin.

"Ganun po ba? Wait lang kunin ko muna yung calling card ko sa taas." Akma na sana akong tatayo para bumalik sa kwarto ko ng magsalita si Martin.

"I have here!" Sabay pakita sa calling card niya na kinuha niya sa wallet niya.

Wala akong nagawa kundi abutin yun ng dahan-dahan pero ewan ko ba kahit anong ingat ko di paring maiwasang magdikit yung mga daliri namin.

May gumapang na kuryente sa bahagi ng daliri kong dumikit sa kanya kaya. Dahil sa pagkagulat ko agad akong napatingin sa muka niya at lalo akong nagulat kasi nga naka tingin din siya sa akin.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
pumirang pumirang

Pahpasensyahan niyo na ko kung minsan may typo error at mali yung paggamit ng mga tuldok, kama at exclamation point. Alam niyo naman first time. Pero pinag aaralan ko hahahah just comment sa mali para ma edit ko.

Thanks....

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C17
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập