Tải xuống ứng dụng
88% Till i Met The Mafia lord (Tagalog Novel) / Chapter 22: CHAPTER 22

Chương 22: CHAPTER 22

AN: Maraming maraming salamat po sa inyo at hindi ako magsasawa na pasalamatan kayo. 😊 sa lahat ng sumuporta ng story na ito. Love lots!

-------------------------------------------------------------------------

Boss Ahraw

Isang linggo bago ang laban nakipagkita ako 'kay Mr. Valdez upang makipagkasundo sa kanya. Dahil alam kong siya ang taong puwedeng makapagpalaya sa amin.

Habang naghihintay ako dito sa bakanteng lote kung saan kami magkikita ni Mr. Valdez, pumasok sa isipan ko si Jessy dahil alam ko na hinahanap niya ako ngayon. Kailangan kong umalis dahil sa ilang bagay na dapat kong asikasuhin.

Napukaw ako sa pag-iisip habang naninigarilyo ng makita ko si Mr. Valdez na hindi ko man lang naramdaman ang kanyang pag-dating. Sa totoo lang nahihiwagaan ako sa kanya simula noon palang.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Bungad na tanong nito na sa akin.

Itinapon ko muna ang sigarilyo ko bago siya tiningnan na mabuti, napansin ko ang pagkibot ng kanyang labi parang hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagkakatingin ko sa kanya.

"Alam mo, gusto kita. Dahil mayabang ang dating mo, maaari kitang bigyan ng mas higit na kakayahan na hindi mo inaasahan. Kailangan mo lang ay pagsilbihan ako," salitang mulit nito habang naglalakad ng dahan-dahan.

"Hindi ko na 'yan pinapangarap pa, nakipagkita ako sa'yo upang makipag-deal." seryoso ang mukha na sambit ko.

"At ano'ng deal naman ito?" sagot naman nito at tinitigan ang mata ko.

"Kapag nanalo si Jessy sa laban, hahayaan mo na kaming umalis sa samahan na 'to." sagot ko sa seryosong boses at pinakatingnan ko siya sa mata.

Napansin ko na parang ang lalim ng kanyang iniisip hanggang sa masilayan ko ang ngiti sa gilid ng kanyang labi. At kung hindi ako nagkakamali parang nakita ko ang pagpula ng mata nito at bahagyang sumilip ang kanyang mahabang pangil. Bampira ba siya? Hindi ko alam bakit yon ang naisip ko.

"Bueno, pumapayag ako sa alok mo, pero kapag natalo ang fighter mo. Pagsisilbihan niyo ako'ng dalawa." makahulugan na ngiting sagot nito.

Nakaalis na ako doon pero hanggang ngayon dala ko para sa isipan ang kakaibang sinabi niya. Papunta ako ngayon ng hideout kung saan naroon ang lahat ng mga tauhan ko. Pinulong ko sila para sa darating na laban.

Matapos ang pangpupulong ko sa kanila isa-isa na silang nag-alisan gayundin si Garry ngunit namataan ko na may isang taong nakaitim akong nakita habang nakaupo ako. Nagpaiwan kasi muna ako dahil nag-iisip pa ako.

Hinabol ko ito sa labas pero bigla na lang itong nawala. Sino 'yun? Bakit ang bilis nawala at isa pa walang nakakatakas sa akin.

Matapos ang pangyayari na 'yon palihim na sinubaybayan ko si Mr. Valdez at hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita mismo dahil tama ako ng sapantaha. Isa siyang bampira at immortal dahil sa nakarating ako mismo sa kanyang lugar at doon ko nakita ang ilang kauri niya.

Kaya naisip ko magpagawa ng isang samurai na yari sa pilak dahil napag-alaman ko na ang makakalaban ni Jessy ay isang bampira. Gusto talaga niya kaming matalo sa labanan na 'to at 'yon ang hindi ko hahayaan na mangyari.

Papunta na ako ngayon sa mansion ni Mr. Valdez kung saan doon gaganapin ang huling labanan. Jessy mag-iingat ka narito na ako, mahinang usal ko habang papasok ang kotse ko sa malawak na bakuran. Kapansin-pansin ang maraming bantay rito at lahat sila puros nakaitim.

Walang pumansin sa akin dito sa pagpasok ko kaya hinayaan ko na lang, hanggang sa may sumalubong sa akin si Serio ang annoucer sa laban. Naisip ko na bampira rin itong si Serio dahil tauhan siya ni Mr. Valdez

"Welcome boss Ahraw, mabuti at nakarating ka na." nakangiting bati nito sa akin.

Tumango lang ako dahil busy siya sa hawak niyang cellphone na sa labas kasi siya. Sumenyas sa akin na pumasok doon sa may dulo na pinto malapit sa swimming pool. Naglakad naman ako papunta roon, nagulat pa ako pagpasok ko sa loob dahil para itong kuweba may mga ilaw na apoy ang bawat paligid.

Pagkarating ko sa dulo narinig ko na agad ang maingay na kumusyon sa loob. Napatigil ako sa paglakad ko ng makita ko si Jessy nakaluhod  at duguan, hindi ko alam pero ang isip ko gusto ko na siyang puntahan at buhati at ilayo rito. Ngunit hindi rin kami patatahimikin ni Mr. Valdez.

Nabalik lang ako sa huwesyo ko nang marinig kong muli ang pagbati ng announcer sa akin. Si Mr. BlackMoon na ang sama ng tingin sa akin dahil alam ko naman na ilang beses na niyang binalak na ako'y ipapatay. Lumapit muna ako sa ring upang iabot ang sandata kay Jessy.

Nakita ko sa mukha ni Jessy ang pagkagulat ng makita ako at parang dinudurog ang puso ko ng makita ko ang pangingilid ng luha niya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin upang sabihin na nandito na ako. Sa mata ko  na lang pinaramdam ito sa kanya at alam ko na nakuha niya ang ibig ko sabihin.

"Kunin mo ito at siguraduhin mo na sa puso mo siya patatamaan." salita ko at binigay ko sa kanya ang sandata niya.

Tumalikod naman na ako upang maupo sa mga boss na nakaupo ngauyon. Dito ako sa tabi ni Mr. Valdez naupo, pansin ko ang tinginan ng mga boss na nadirito ngayon.

"Mr. Valdez, hindi ata tama na magbigay si Mr. Smith ng sandata?"

Napangisi naman ako ng bahagya sa reklamo ni Mr. Lao na numero unong mandaraya rito.

"Mr. Lao. Walang problema pagdating sa ganyan. Dahil hindi ko ito pinagbabawal ang ayoko rito 'ay ang mandaraya."

Natigilan naman ako sa makahulugan na sagot ni Mr. Valdez dito kay Mr. Lao kaya nagtanong na ako..

"Ano'ng ibig mo sabihin, Mr. Valdez?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman sumugot si Mr. Valdez sa tanong ko pero nakita sa mga mata niya na parang may naglalaro na kung ano man 'yon.

"Paano niyong nagawang makisama sa mga tao na hindi kayo nakikilala sa totoong pagkatao niyo?" Muling tanong ko sa kanya at dito ngumisi siya sa akin.

"Simply lang. Magaling kaming magtago," ngiting sagot nito.

Hindi ko na pinansin ang sagot ni Mr. Valdez dahil muli kong binalik ang atensyon ko sa laban. Muling tumindig ng tuwid si Jessy kahit bakas ang hirap at sakit na nararamdaman nito dahil sa mga tama sa katawan niya.

Muling umingay ang paligid dahil sa pagsisimula ng laban, matindi ang kagustuhan ng kalaban ni Jessy ang mapatay siya. Dahil sa pinupuntirya nito ang sugat sa tagiliran ni Jessy.

Jessy kaya mo yan at kung sakali na hindi mo na kayanin, narito ako at hindi ko hahayaan na may mangyari sayong masama.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil hindi ako puwede makialam agad, dahil masisira ang plano at baka may mapahamak sa amin dahil hindi tao ang kalaban namin. Muling natamaan sa braso si Jessy ng samurai nang kalaban niya ngunit hindi nagpatinag si Jessy at muli siyang kumilos nang mabilis at lumaban ng tapatan sa kalaban niya, ngunit sadyang mabilis talaga ang kalaban niya dahil nga hindi ito ordinaryong tao lang.

"Yan ba ang ipapalit mo para sa magandang buhay na binigay ko saiyo?"

Natigilan naman ako dahil sa narinig ko mula sa likuran ko at tinig 'yun ni Mr. BlackMoon.

"Kapag natalo ang babae na 'yan, ibabalik kita kung saan kita pinulot noon. Tandaan mo 'yan!"

Matigas na pagkakawika nito na may halong pagbabanta sa akin. Ngumisi lang ako at hindi nag-abala pa na lingunin siya. Binalik ko na muli ang atensyon ko sa laban at nakatama si Jessy sa leeg nang kalaban niya ngunit daplis lamang ito. Napatayo ako bigla ng mabilis na kumilos ang kalaban nito at tinamaan siya sa binti kaya napadapa ito.

"Jessy!" mahina na may halong pag-aalala na sambit ko, humakbang ang dalawang paa ko pero hinarangan ako ni Mr. Valdez gamit ang paa nito.

"Easy ka lang, hindi pa naman mamatay ang mahal mo. Kung sakali man na makita ko na hindi niya na kaya, alam mo na ang kapalit nito." mahina at seryosong wika ni Mr. Valdez.

Tiningnan ko nang masama si Mr. Valdez at nagpatuloy ako sa paglalakad kahit nakaharang ang kanyang paa. Mabilis na nagtungo ako sa ring kahit maraming humarang na mga lalaki sa akin na mga tauhan ni Mr. Valdez.

Pinagsusuntok ko ang bawat humarang sa akin at balewala lang sa akin ang mga iba't ibang espada na gamit nila upang ipangharang sa akin.

Hindi niyo ako mapipigilan sa gusto kong gawin at wala akong pakialam sa mga rules dito.

Nakarating ako sa loob ng ring at mabilis na lumapit ako kay Jessy at tinignan ko ng masama ang kalaban nito.

"B-bumalik ka na doon, kaya ko pa. Hindi ako susuko sa k-kanya."

Hirap na hirap na sambit nito at pinakatitigan ako ni Jessy. Inalalayan ko siyang tumayo, napapikit ako dahil sa duguan na itsura niya.

"Ako na ang tatapos nito dahil hindi ko na kayang makita ka-" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sa sinagot ni Jessy.

"Kaya ko pa magtiwala ka at tatapusin ko 'to, gusto kong maiganti ang mga kabigan ko." salita nito at bakas ang determinasyon sa kanyang tono.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C22
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập