Tải xuống ứng dụng
52% Till i Met The Mafia lord (Tagalog Novel) / Chapter 13: CHAPTER 13

Chương 13: CHAPTER 13

Jessy P.O.V

Nakahiga ako ngayon habang malalim na nag-iisip. Malinaw ang lahat ng mga nangyari sa amin ni Ahraw, pero hindi ko 'yun pinagsisihan. Nung mga time na ginagawa niya na sa akin 'yon, hindi ko alam pero parang wala akong lakas na pigilan siya. Dahil sinisigaw ng puso ko na gusto ko siya, alam kong mabilis dahil kahit ako hindi ko alam kung kailan nagsimula.

Kung sakali man mawala ako may babaonin akong magandang alaala. Kahit pa hindi ko alam kung ano ang damdamin ni Ahraw para sa akin. Pero mas inaalala ko 'yung dumalaw sa kanya na lalaki.

Napukaw ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang mahinang katok. Hanggang sa bumukas ito, si Eveth pala.

"Akala ko tulog ka," ngiting salita nito at lumapit sa akin.

"Hindi ako makatulog, bakit pala napunta ka dito?" Tanong ko sa kanya at bumangon ako naupo.

"Oo nga pala, sabi nila Andrea at Helga sorry raw. Ganun rin si Danica, nahiya silang lumapit sa'yo." Simulang salita ni Eveth.

Ngumito naman ako. "Ayos lang 'yun, sabihin mo huwag na silang mahiya sa akin, at isa pa pareho natin ginusto 'yon. Minalas lang talaga tayo," nakangiting paliwanag ko.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa may naisip akong itanong.

"Nga pala Eveth, ano ba kinamatay ni Shiela?" seryoso na tanong ko.

Napansin ko na natigilan si Eveth at mukhang nag-iisip muna.

"Pinatay siya, Jessy." sagot nito at sa malayo nakatingin.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. "Bakit siya pinapatay? Anong nagawa niya at sino ang pumatay sa kanya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko.

"Dahil sa umibig siya 'kay boss. Pinapatay siya mismo ng boss mismo ni Boss Ahraw natin, naging mahina si Shiela nagpadala siya sa damdamin niya." malungkot na salita ni Eveth.

Napalunok naman ako sa sinabi ni Eveth.

"Y-yung boss ba ni Ahraw, yung may edad na?" mahinang tanong ko kasi nasilip ko nung magpunta sa condo ni Ahraw.

"Oo tama ka, pero walang gusto si Boss Ahraw sa kanya. Magkababata kasi sila ni Shiela, nai-kwento lang sa akin ni Garry." pagpapatuloy nito.

Tahimik na nakinig lang ako, magkababa pala sila nung Shiela.

"Jessy, hindi sa nakikialam ako pero bilang babae ramdam ko ang pakitungo sayo ng boss natin. Sana lang mag-ingat ka dahil ayokong matulad ka kay Shiela." nag-aalalang salita ni Eveth.

"Eveth, ayoko man aminin pero hindi ko alam... Dahil una ko pa lang itong naramdaman. Pero sa tingin ko mahal ko na rin siya," mahinang salita ko.

Kinapitan naman ako ni Eveth sa braso.

"Alam mo ba, Jessy. Kahit ako nagmamahal at si Garry ang lalaki na 'yun." nakangiting salita ni Eveth. "Pero hindi rin namin alam kung paano namin ipagpapatuloy ang pagmamahalan namin, kung parehong nasa hukay ang isa naming paa. Gusto namin pareho magbagong buhay pero ang hirap, dahil ito na talaga ang kapalaran namin." malungkot na wika ni Eveth.

"Puwede pa naman magbagong buhay, gumawa tayo ng paraan. Dahil ang boss natin ay tulad rin natin," seryoso na salita ko.

"Hindi kita maintindihan, Jessy. Pero huwag mo ng isipin 'yun basta lagi kang mag-iingat. Mamaya may laban tayo sinabi ni Garry," paalam na ni Eveth at lumabas na ito.

Naiwan naman ako sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang cellphone, kinuha ko agad ito. Video call? Atubili na sagutin ko ito dahil naka-video call ang tawag.

Pag-touch ko bumungad agad sa akin ang gwapong mukha ni Ahraw. Nakasandal ito sa higaan ata niya, pansin ko na wala siyang pang-itaas na damit kaya nailang ako bigla.

"Akala ko natutulog ka," simulang salita nito.

Hinanap ko ang headset bago ako sumagot, kinabit ko ito sa magkabilaan na tenga ko.

"Hindi pa ako makatulog," sagot ko lang pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Hindi siya nagsalita nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang ikikilos ko.

"Kumain ka na ba?" maya'y tanong nito na nagkakamot sa batok niya.

"O-oo, ikaw ba?" balik tanong ko.

"Tapos na, may laban ka mamaya. Mag-iingat at sana, hayaan mo hindi ko hihiligin na patayin mo ang kalaban mo." salitang muli nito.

Tumango lang ako at kahit paano nakahinga ako dahil hindi niya hihilingin na pumatay ako. Kung mananalo ako, pero kung sakali ito na ang huling kausa ko sa'yo Ahraw.

"M-may sasabihin ka pa?" tanong ko dahil naiilang na talaga ako.

-------

Matapos ang usapan namin ni Ahraw pinikit ko ang mata ko upang ihandan ang sarili sa laban mamaya.

Mabilis ang oras at ito na nga nandito na kaming muli sa arena upang lumalaban na naman. Mas maraming tao ngayon kumpara sa mga naunang laban namin.

"Jessy, ikaw ang mauunang lumaban. Mag-iingat ka ah, saka huwag mo kaming intindihin dito basta lumaban ka lang." salita ni Eveth at tinapik ako sa balikat.

Tumango lang ako sa kanya at tumingala ako sa itaas, nagsalubong agad ang mga mata namin ni Ahraw. Pansin ko na bago ang mga katabi nito at may babae na rin.

"Welcome ulit sa ating kasiyahan ngayong araw, lalo na sa ating mga bagong bigatin na boss." simulang salita ng announcer.

Umingay naman ngayon dito at bigla akong nakaramdam ng kaba hindi ko alam kung bakit. Parang may nakatingin sa akin at hindi ko alam kung saan 'yun.

Tinawag na ang pangalan ko kasunod ang babae na halos kasing katawan ko lang pero may muscel siya. Maangas ang galaw nito at seryosong nakatingin sa akin.

Tumunog na ang bell upang simulan ang laban.

"Ito na simula na at paiinitin na nila ang ating araw ngayon," Natatawang wika ng announcer.

Pinakikiramdam ko ang kalaban habang siya sa tingin ko ay ganun rin. Sumugod sa akin ito at sumuntok sa akin pero mabilis na nakaiwas ako, pero nagulat ako dahil pumulupot ang isa niyang paa sa binti ko kaya bumagsak ako.

Mabilis na kumilos ako upang tumayo pero na sipa na ako nito sa baba, kaya muli ako bumagsak patihaya. Nalasahan ko ang dugo sa loob ng bibig ko. Ngumisi naman sa akin ang kalaban ko na si Akimi.

Nakatayo na ako ng muli itong sumugod sa akin, nahawakan ko ang paa niya ng sipain niya ako hinawi ko ito at sinuntok ko siya sa sikmura. Sinunod ko ang mukha niya, napahawak siya sa ilong niya na dumugo na rin dahil natamaan ko.

Galit na galit na sumugod ito sa akin at sunod-sunod na sinipa ako kasabay ng pagsuntok nito. May ilang tumama hanggang sa hindi ko inaasahan na kamao nito mula sa ilalim. Tumalsik ako kung saan dahil sa lakas ng suntok nito.

"Mga boss, maaari na kayong pumasta ngayon dahil mukhang madaling matatapos ang laban." Tumatawang salita ng announcer.

Hindi ako makagalaw parang nanigas ang panga ko. Masakit rin ang tagiliran ko dahil sa ilang tama ng suntok sa akin. Dahan-dahan na tumayo ako sa kabila ng pananakit ng katawan ko, nakita ko pa sila Eveth na nakatingin sa akin at parang sinasabi  na kaya mo yan Jessy.

May biglang naghagis kung saan dalawang matatalim na karet at sa pinaka-gitna ito na napunta. Mabilis na tumakbo doon si Akimi upang makuha ang ang karet, kaya kumilos rin ako upang makuha ang isa.

Sabay na nadampot namin pareho ang tag-isa na karet.

"Wohoo! Mga manonood nakita niyo ba 'yun. Pareho sila ngayon may mga hawak na karet, ano kayang mangyayari?" masayang wika ng announcer at umecho ang malutong na tawa nito.

Mahigpit ang kapit ko sa karet at sumugod 'kay Akimi. Sabay na winasiwas namin ang hawak na karet, tinamaan ako sa braso kaya naman napunit ang suot ko. Samantala sa dibdib ko naman nahiwaan si Akimi.

Kumirot ang braso ko dahil sa hiwa na natamo ko. Kapit-kapit ko ito ngayon, ang sama naman ng tingin sa akin ni Akimi at muli itong sumugod sa akin. Umiwas ako pero nahagip niya ang likod ko, napasigaw ako sa ispan ko dahil sa sakit na gumuhit sa likuran ko.

Nanginginig ang katawan ko dahil sa sugat ko sa likod.

"Kill! Kill! Killl!"

"Kill! Kill! Kill!"

Sigawan na naman ng mga tao dito ngayon. Hindi na ako makakilos ng maayos dahil sa mga kumikirot na mga sugat ko. Hinintay ko na lang sumugod si Akimi, bahala na sa mangyayari.

Muli ngang sumugod si Akimi sa akin, habang nakataas sa ere ang karet na hawak niya. Hinanda ko naman ang sarili ko, hanggang sa nakalapit na siya bigla akong nakakita ng butas sa baba ko siya aatakihin. Hindi pa nakakaabot sa akin ang karet na hawak ni Akimi natamaan ko na ito sa hita, matapos ko siyang matamaan na napaupo siya mabilis na pumulupot ako sa kanya at hinawakang mabuti ang leeg niya.

"Woah! What a amazing show! Mr. Smith sayo ang araw na ito, ano bang gusto mo?" tanong ng announcer 'kay Ahraw.

Pilit naman na kumakawala si Akimi pero hinigpitan ko ang hawak sa kanya. Kahit pa subrang sakit na ng mga katawan ko dahil sa mga sugat. Hinintay ko ang sagot ni Ahraw ng may biglang magsalita.

"Patay! Patayin mo dahil yan ang utos ko." Sagot ng malaking boses.

Napalingon ang lahat at natigilan ako, hinanap ko ang boses na yun. At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng mapagsino ito.

"Ikaw pala Mr. BlackMoon, welcome  back." masayang bati ng announcer dito sa bagong dating.

Napaangat naman ang mukha ko sa itaas. Kita ko ang galit sa mukha ni Ahraw ngayon.

"Ano pang hinihintay mo? Papatayin mo o ikaw ang mamatay!?" Malakas at matigas ang boses na salita nito.

Hindi ko naman malaman ang gagawin ko ngayon dahil nanginginig ngayon ang katawan ko.

Itutuloy.....

🔫Black_Moon301


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C13
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập