After ng eksena namin sa Old Enchanted Tree ay agad na kaming bumalik sa office at nadatnan silang lahat na naghihintay sa amin. We were out for like an hour pero andito pa rin sila naghihintay.
"What happened? Bat ang tagal niyong nakabalik?" tanong ni Papa Erik. "We just talked." Sabi ni Demen Anne na nakangiti. Pansin ko din na may relief na sa mata niya and she tries to be okay pero hindi pa rin siya tumititig sa mata ng kausap niya. She needs a lot of trust to be that girl again before she lost everything. And I will try my best to bring back the old Demen Anne.
"Okay, let's plan about the upcoming surprise attack against Croatianian." Maawtoridad na sabi ni King Demen Arthur kaya napaayos sila ng upo at umupo ako sa tabi ni Skyme, si Demen Universe sa gilid ko at si Demen Anne nakatayo kasama si Papa Erik.
"First thing, we all are gonna help them learn about archery. Dahil hindi pa sila subok sa labanan, we need to place them at the back. We also need them to be in long range para mahirap silang maatake ng kalaban pero makakaatake sila sa kalaban." Sabi ni Demen Anne.
"How many warriors do we have?" tanong ni King Demen Arthur. "We have 12,261 warriors, King. 5,120 warriors are Cheicybats, 4,147 warriors are Dementians and 2,994 warriors are half Dementains. We have enough warriors in the battle pero hindi natin alam kung gaano sila kadami. So, para masigurado, we have 5,967 half Cheicybats if ever nga po na makulangan tayo sa tao. All in all, we have 18,228 warriors. Seven Demen warriors, one king. That makes us a team." Sagot ni Papa Erik.
Wow, ang dami pa lang warriors sa Dementia. Hindi ko sukat akalain na halos 20,000 warriors ang handang isakripisyo ang buhay para sa isang susi. Paano kaya ang Croatiania? Ilan kaya sila?
"Pero may isa pa tayong problema." Sabi ni Demen Anne. Napatingin kami sa kanya na may halong pagtataka. "The Heart of the Kingdom is Demen Sync pero dahil may kakambal siya at identical twin pa, may posibilities na si Demen Skyme ang pagkakamalang Heart of the Kingdom kasi hindi alam ng kalaban na babae ito, ang alam nila ay lalaki ang palaging panganay sa isang Dementian family ngunit, hindi nila alam na kalahating dementian at tao kayo kaya iba ang first baby gender. But one thing is for sure sa kanila, alam na nilang buhay ang Heart of the Kingdom at handa na makipaglaban. Kung sakali man na si Demen Skyme ang napagalaman nilang puso ng kaharian, may posibilidad na siya ang susunod na target. Sa panahon na ito, handa na ang kanilang mga tao para bantayan ang mga lagusan patungo sa dimensyon nila. Sa aking palagay, hindi sapat ang ating mga tao kung tayo man ang lulusob sa teritoryo nila dahil lahat ng warriors nila ang siguradong magfofocus sa defense." Paliwanag niya.
"Can't we increase the number of warriors who would attack as offense?" suggestion ni Demen Ocean. "Hindi gaano kadali ang magkalap ng mga tao. Ang dementia ay may populasyon na 130,000 at higit pa ka nilalang, kalahati doon ay mga matatanda, bata at buntis. Halos 20,000 ng nilalang ay mga warriors. May natitirang higit sa 60,000 na nag-aaral pa lamang." Sagot ni Papa.
Napatigil kaming lahat nang may kumatok sa pintuan at binuksan ito. It was my mom.
"Excuse me for a while. 18,000 soldiers, armies, police and human netizens are willing to help in the fight. Don't forget to count me in." sabi niya sabay bigay ng mga impormasyon kay Papa. "Mom, you are a--?" tanong ni bro. "An agent army." Sabi niya sabay ngiti. We never knew that until this time. "We have now 36,228 warriors all in all and still not enough." Sabi ni Demen Universe. (An agent army is a kind of person in human world where she or he will be the leader of the official army that helps Dementians in war.)
"Uhm, maybe we could help?" sabi ko. "We could encourage the student warriors to help." Tuloy ko. "Nope, you don't need to. For now, sumunod muna kayong dalawa ni Demen Ian, Universe at Ocean upang turuan kayo. Yun na muna ang intindihin niyo." Utos ni Demen Anne. Kaya tumayo na kaming lahat ang nakipagbeso ako kay Demen Anne at King Demen Arthur at niyakap at hinalikan sa pisngi si Mama at Papa.
This is gonna be a tough one.
*
Agad na kaming pumunta sa bulletproof zone na exclusive lang para sa mga Demen. Ang sarap pala talaga matawag na isang Demen, nakakasaya at nakakanyerbos din at the same time dahil malaki ang responsibilities nito.
Agad na din akong tinuruan muna ni Demen Universe kung paano magheal at kung paano magshield. Si Skyme naman ay nasa kay Demen Ian at Demen Ocean para turuan sa archery.
"First, shield muna ang first nating aaralin. Ang kapangyarihan na ito ay nangangailangan ng matinding concentration. You need to put in mind this: Protect them all from harm and danger, and strengthen my heart using this power. Paulit-ulit mo yan sasabihin habang nakatitig sa kanya, kahit saang parte ng katawan." Paliwanag niya.
"Ganito lang yan. Demen Ocean come here!" tawag niya nito. Pumunta si Demen Ocean sa kanya at sinabihan siya nito kung ano ang gagawin. "Okay, Demen Sync, throw this knife on him." Sabi niya sabay abot ng knife sa akin galing sa kanyang coat. "Count from 1 to 5 and throw it." Dugtong pa niya.
1...2...3...4...5.
I threw the knife pero nagbounce lang ito sa katawan niya, kinuha ko agad ang knife at tinapon ulit ngunit tumalbog ulit ito. Ilang ulit ko din yun ginawa hanggang sa sinabi ni Demen Universe na tama na.
"That is what you are gonna do." Sabi niya sabay kuha ng knife. Simula ko ng titigan si Demen Ocean. I need to concentrate dahil kung hindi, baka masaktan si Demen Ocean.
Protect them all from harm and danger, and strengthen my heart using this power.
Protect them all from harm and danger, and strengthen my heart using this power.
Protect them all from harm and danger, and strengthen my heart using this power.
Paulit-ulit ko iyon binubulong sa utak ko hanggang sa nakikita ko nang tinatapon na ni Demen Universe ang knife sa kanya at gaya ng nangyari kanina, tumalbog lang ito. Paulit-ulit din iyon ang pagtapon niya hanggang sa sabihin na niya tama na. Wow, I can't believe I did it! Kyahh! Achievement na ito!
"Naks! Fast learner." Compliment sa akin ni Demen Ocean. "Ang galing mo na agad. Nice one." Compliment din ni Demen Universe. "Hehe. Salamat po." Sagot ko sa kanila dahil nahihiya ako ng slight. Slight lang naman, no big deal.
"Sa ngayon, yan lang muna ang ituturo namin sayo na kapangyarihan dahil kailangan mo pang matuto ng archery. Puntahan muna natin si Demen Skyme (wow demen na rin tawag sa kanya, ang weird lang. Nevermind na lang.) doon para maturuan ka na rin." Sabi ni Demen Universe at sabay kaming tatlo na pumunta sa kung saan sila nakapwesto. Mukhang nahihirapan si Skyme sa archery hanggang ngayon kasi hindi pa siya nakakashoot sa target dahil minsan ang mga tira niya ang kulang sa pwersa o sa maling direksyon siya mapupunta.
Pumunta kami sa ikalawang archery platform at doon nila ako tuturuan. Binigyan ako ni Demen Ocean ng bow kaya ningitian ko siya at dinalhan ako ni Demen Universe ng isang malaking lalagyan na may mga arrows.
"First dapat ang kamay mo ay nasa kondisyon. Dapat hindi pasmado dahil hindi yan aabot sa paroroonan. Huwag ka ding kabahan dahil tendency niyan ay manginginig ka. Just be calm, take a deep breath at sight your target. Dapat ang pwersa mo ay malakas at nakasentro. This is how you hold a bow and an arrow. You put your left hand in the front to support the bow. Then you pull the string with the arrow using your right arm. Stretch it to your chin then let go of the arrow. Close your left eye and sight it on the center of the target at BOOM!" sabi niya at binitawan ang arrow at saktong-sakto sa gitna. Wow, ang galing niya din sa archery. "You try it!" sabi niya. Tumakbo muna si Demen Ocean para kunin ang arrow at ibalik sa lalagyan para ako naman ang susubok. Yan lang ang trabaho niya dito, parang alalay. Hehehe.
Be calm, take a deep breath, hold the bow properly, stretch the string, sight your target, put in the center. I let go of the string, but it landed sa harapan ko lang. Mga 1 meter away lang sa akin.
"Mwahahaha. Ang epic nun Demen Sync! Hooo! The best!" sabi ni Demen Ocean kaya namula ako sa hiya. Ang hirap pala talaga ng archery!
"Needs more practice. Huwag mo ng pansinin si Demen Ocean, magpractice ka lang ng magpractice hanggang sa makuha mo na." pagencourage niya sabay sama ng tingin kay Demen Ocean.
Ilang ulit ko din triny iyon pero I'm really bad at this. Isang oras ng lumipas ngunit sa harapan ko pa rin siya pumupunta o di kaya mahuhulog lang siya sa paanan ko. At sa isang oras na iyon, palagi akong tinatawanan ni Demen Ocean habang si Demen Universe nagchicheer sa akin na kaya ko ito.
Tinignan ko muna ang mga tira ni Skyme, may mga tira na sablay pero may ilan-ilan din na tumatama sa target pero wala sa center. Buti pa siya, kahit hindi sa center, naaabot niya yung target eh ako, 1 meter away lang siya.
Minsan nga naiisip ko na ang bigat naman ng mga arrows at hindi nila kayang lumipad patungong target. Pawisan na ako dito pero wala pa rin kahit na isa ang nasa target.
I tried again at yun pa rin hindi umabot pero at least hindi na siya 1 meter away lang, mga 2-3 meters ata iyon. At least may improvement na nangyayari sa akin. Nagimprove ako ng 1 meter, malaking bagay na iyon sa akin.
Bakit ang dali-dali lang intindihin at aralan ang mga kapangyarihan samantalang ang hirap hirap ng archery? Anong totoo, may galit ba ang mga arrows sa akin at ayaw nila akong parausin man lang kahit isa lang sa target.
Naubos na ang laman ng lalagyan kaya kinuha ito nila Demen Universe at Demen Ocean para sa akin dahil mukhang pagod na daw ako sa kakatry. Wala ng laman ang lalagyan ngunit ni kahit isa wala pa rin, ayoko ko na! Pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na ako sayo! Suko na ako! Pero etchos lang ang mga iyon dahil hindi kami makakaalis dito hanggang hindi namin ito makuha ngayon.
Hapon na rin at malapit na dumilim kaya bukas na lang daw sila ni Demen Ian at Skyme magresume.
"Okay ka pa ba Demen Sync? Pwede naman natin icontinue ito bukas eh, mukhang pagod na pagod ka na." sabi ni Demen Ian. "Ilan na ba ang nagawa mo?" dugtong niya. "Wala kahit isa." Sagot ko at nagbugtong- hininga.
"What? Wala kahit isa?" sambit pa ni Skyme. Ningitian ko siya at tumango.
"You can rest na muna Demen Sync and we can continue it tomorrow para naman magkapagpahinga yang katawan mo." Suggestion ni Demen Universe. "Wala ka ng pag-asa. Itigil mo na iyan, dahil kapag hindi ibig sabihin hindi. Huwag mong ipilit." Sabi pa ni Demen Ocean na mukhang natatawa na talaga sa kalagayan ko ngayon. Kanina pa ito eh, sarap batukan nito, ehhh nakakagigil.
Ningitian ko silang lahat at kinuha ang lalagyan ng mga arrows na natira ni Skyme at nilagay ito katabi ng akin. I have a lot of chances na kahit isa man lang ay mapunta sa target.
I tried again and again. Nakatatlong refill din ako ng mga arrows as in yung dalawa ay tatlong beses kong nilagyan ulit pero tinulungan nila ako doon. Pilit nila akong pinatitigil at bukas na lang daw ulit pero I ain't gonna give up because there is no such thing as giving up!
Tila ba tahimik ang lahat when I am here. Gabi na rin at pansin kong madilim na sa labas ngunit that is not discouraging for me.
Hindi ko nalang sila pinansin at nag-concentrate sa pagtira. Wala na akong narinig na mga boses na nagsasalita kaya mas concentrate na ako ngayon at hindi ko na sila nilingon pa kasi mawawala ang concentration ko. May ilan na ding tumatama sa target pero hindi sa gitna.
I am left with two arrows. Tila ba kahit iyon nalang ang andoon ay hindi pa rin ako sumusuko dahil alam kong pwede ko pang kunin iyon lahat at subukan ulit. Kinuha ko ang isang arrow and started to form.
Be calm, take a deep breath, hold the bow properly, stretch the string, sight your target, put in the center.
I let go of the arrow at tumama ito sa target pero hindi ito sa center. But I am aiming for the center at hindi sa gilid. Kinuha ko na yung last na arrow na natitira at tila ba winiwish na sana ito na nga.
Arrow please mahal kita pero wag mo akong pahirapan. Makicooperate ka naman!
I tried again at tila ba nung binitawan ko ang arrow ay nagslow motion ang paggalaw nito. It's slowly reaching the target. Tumulo ang aking pawis at saktong dumating na ang arrow sa paroroonan. Wahhhh!!!! Center na siya!!! Hooooooo I love you talaga arrow!
Kaya I run towards the target at kinuha ang arrow at hinalik-halikan ito at tila ba sinasamba sa pakikisama niya sa akin. Nung lumingon ako sa likod para ipaalam sana sa kanila na nakuha ko pero nung lumingon ako, lahat sila ay andoon. I mean lahat as in lahat. Si Papa, si Mama, si King Demen Arthur, si Demen Anne, si Demen Universe, si Demen Ian, si Demen Ocean at si Skyme. Andoon silang lahat na tila ba parang nanonood ng exciting na palabas at nakatitig silang lahat sa akin.
Unang pumalakpak una si Demen Ocean at sumunod silang lahat. Pinuntahan ko sila na nakayuko dahil nakita nila ang paghalik at pagsamba ko sa arrow na aking hinahawakan, nakakahiya iyon for Pete's sake!
"After 84 years, nakuha na niya rin!" sigaw ni of course sino pa ba edi si Demen Ocean. Tumawa sila lahat at nakipag-apir ako sa kapatid ko at kay Demen Universe habang nagmano ako kila Papa, Mama at King Demen Arthur. Niyakap ko naman si Demen Anne at nagbro fist kami ni Demen Ian. Si Demen Ocean? Ayon, binelatan ko kaya natawa silang lahat. At sa huli, inakbayan niya ako at pinuri. Naks! Hahaha.
Umuwi na din kami dahil gabi na at maaga pa kaming magprapractice bukas.