****
Even though I rubbed my eyes, flipped the book around, and massaged my shoulders, my mind still felt cloudy.
The scenery from last night with the monster I saw and the attention that I got from this day were all tangled up. And made me think that this is an another worst day of my life.
Mas lumala pa nga ang sitwasyon ko ngayon dahil nakatawag talaga ng pansin ang pangyayari kahapon. Usap-usapan na iyon kaninang umaga at magpa-hanggang ngayon. Siguro ito ang dahilan kung bakit nagdadalawang-isip akong pumasok. Dahil may naghihintay sa akin na napakagandang balita.
Pero hindi ibig sabihin noon ay natatakot na akong harapin sila. Bakit ako matatakot? They only judge a person through their actions. Eh nakikita ba nila ang tunay na intensyon ng isang tao? Hindi, dahil ang binibigyan lang nila ng atensyon ay 'yong nakikita lang ng kanilang mga mapanghusgang mga mata. Huh. Nakakaawa. Kung alam lang nila ang bagay na mas ikinakatakot ko kaysa sa kahihiyan.
Iiwas lang ako ng ilang araw at magiging isang alaala na lamang ito na parang nabura sa kasaysayan. Ganoon naman talaga ang mga tao. Kung ano ang bago, iyon ang pag-uusapan.
Hindi ako tumuloy sa klase dahil diniretso ko ang silid-aklatan ng unibersidad. Dito ay mahahanap ko ang katahimikang inaasam-asam ko. Kahit 'yong mga taong gustong pag-usapan ako na nasa lugar na ito ay nagiging mabait na bata. Tikom ang bibig at pilit na nagiging masunurin.
Binuklat ko ang mga pahina ng librong nasa harapan ko at matamang tinitingnan ang mga larawan na dala nito. Kakaiba. Hindi ko alam na may ganitong uri ng libro ang silid-aklatang ito. Binasa ko ang ilang liham na nakalakip dito.
This is interesting. Hindi naman ako isip-bata para piliin ang colorful at animated na librong ito pero this time I felt like they've giving something refreshing. Kakaiba.
Binuklat ko ang isa pang pahina. Blangko iyon at malinis kaya bumuklat ulit ako. But it still the same. Blank and clean. Hanggang sa ini-scan ko iyon at wala na akong ibang nakita.
Is this a kind of a joke? Bakit sila magsusulat ng libro na putol? Ni wala ngang one fourth ito. Ibinalik kong muli sa naunang pahina ang libro pero wala na akong makita pa. Lahat sila mga blangko at luma. Napako na lang din ako sa kinauupuan nang unti-unting nalalagas ang bawat hibla ng pahinang binubuklat ko.
I tried to do some moves but nothing happened. What is really happening? Napatingin ako sa mga kamay ko na naiwan sa ere dahil sa biglaang paglaho ng libro. Nananaginip ba ako? Anong klaseng delubyo ito?
Napahaplos ako sa lalamunan dahil sa nararamdamang pamamalat. Natutuyo na akala mo ay nawawalan na ako ng tubig sa katawan. Napaubo pa ako at pakiramdam ko ay kailangan ko talaga ng tubig. Nilunok ko ang laway para pigilan ang pangangati nito.
Ano ba talagang nangyayari sa akin? Ano 'tong mga hindi maipaliwanag na nakikita ko?
Napatakip na lang ako ng mga palad sa buo kong mukha at itinukod ang siko sa lamesa. Kasabay ng humahapding sikmura ay ang panghihina naman din ng nararamdaman ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.
Natigil ako nang maramdaman ang isang dumating na presensya. Umupo siya sa tapat ko at inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang may kabigatang bagay.
"Head ache?"
Hindi ko maiwasang hindi siya tingalain. Nagawa ko pang lumingon sa magkabilang gilid para kumpirmahin kung ako nga ba talaga ang kinakausap niya. At ako nga dahil sa akin lang naman siya nakatingin.
Napalunok ako. Naaalala ko siya. Anong ginagawa niya rito? Makikibalita? Makiki-chismis? At bakit niya ba ako kinakausap?
Isang dipa ang layo ng pagitan namin na pinaghahati nang parisukat na lamesa. Inilabas niya ang isang malaking libro, notebook at isang ballpen. Sinimulan niya itong buklatin at seryosong ini-scan ang mga nilalaman.
Hindi ko siya sinagot. Para saan pa? Hindi naman kami close. Pero wala pang ilang minuto nang muli siyang magsalita.
"Anong ginagawa mo rito? Nasa library ka, pero wala ka ni isang hawak na libro o aralin. This place is forbidden for those sleepyhead at sa mga tatambay-tambay na estudyante."
'Yon na nga. May libro akong hawak pero bigla na lang nawala. Hindi ko nga alam kung pinaglalaruan ba ako ng kung sino man. At bwesit, hindi iyon magandang biro.
Napairap na lang ako sa hangin at dahan-dahan na umalis. Tinahak ko ang direksyon ng istante ng mga libro at sumilip sa mga nakasalansan dito. I choose fictional group of books dahil ito lang naman nagbibigay sa akin ng interes sa pagbabasa.
Kinuha ko ang isang supernatural stories na gawa ng isang 'di kilalang manunulat, at naglakad sa pinakasulok ng silid-aklatan. Malawak ang lugar na ito. Nasa unahan ang font desk, kasama ang mga upuan at lamesa na pinaglalagian ng mga estudyanteng nag-aaral, habang ang lahat naman ng bookshelves ay nakahelera palikod, with their different shapes and sizes.
Naupo ako sa sahig at binuklat ang librong napili. Fiction stories enlighten me. I felt like they are my second half. Kasi aside sa mga ekstra-ordinaryong nakapaloob sa bawat karakter nila ay nagre-reflect iyon sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa, nakahanap ako ng masasandalan. Yes, I do have a friend. Calley and Minerva, pero hindi nila napupunan ang mga puwang sa pagkatao ko.
Hindi ko maibahagi ang isa pang ako. Hindi ko magawang magkwento at makipagkwentuhan. Dahil natatakot akong baka lumayo sila sa oras na makilala nila ang buo kong pagkatao.
Mabubuti silang mga kaibigan at wala na akong mahihiling pa. But no matter how much I thought I was close, there was a wall in between us.
May pumipigil sa akin na mas lumapit pa. Lalo na sa mga nangyayari ngayon. I am feeling sorry for Calley. My heart and conscience are full of guilt. Hindi ko alam kung paano ito aalisin...
➖➖➖➖➖➖
The veil of innocence was about to be ripped off my eyes. He is in front of me. Hawak-hawak niya ang isang malaking patalim habang hinihintay ang kaharap na umatake.
Bilang ang mga hiningang pinakakawalan ko ngayon dahil sa nasasaksihan. Si Tyler Corpus na school president ng buong High School ay nandito. Nakikipaglaban sa nakakatakot na halimaw na nasa harapan niya.
Katulad ko rin ba siya? Nakikita rin ba niya ang mga nakikita ko? Pero kailan pa?
Ibig bang sabihin nandoon siya sa pool area nang mga oras na iyon? Siya ba ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon?
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi ako nag-iisa. Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba akong magdiwang, dahil sa wakas ay may katulad na ako?
Ilang metro ang layo nila sa pinagtataguan ko. Pinili kong pumwesto sa lugar na mas madilim kung kaya't malaya ko silang makikita. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin kapani-paniwala.
Sa ilalim ng mga mata niyang natatakpan ng makapal na eye glasses ay heto siya. Mabilis niyang isinasalag ang mga atake ng halimaw, at uundayan ng malakas na suntok sa likuran. Doble ang laki ng katawan ng halimaw kaysa sa kanya kaya idini-distansya niya ang sarili.
Gabi na ngayon at tanging liwanag lang ng buwan at mga bituin ang nagiging gabay ko para makita ang palabas. Tahimik ang lugar dahil nasa isang subdivision kami. Hating gabi na ngayon kaya marahil ay tulog na tulog na ang lahat. At walang nagiging sagabal sa ginagawa ni Mr. Corpus.
Sa isang pagwagayway niya nang patalim ay tuluyan ng nawarak ang katawan ng halimaw. Nakakapangilabot. Pagkatapos mahati, mula balikat hanggang sa bewang ay may kung anong mga liwanag ang lumabas na siyang nagpalaho sa halimaw. Kusa namang nawala ang hawak-hawak niyang malaking patalim.
Inayos niya ang suot niyang T-shirt at nagsimulang maglakad na parang wala lang. Napahawak ako sa dibdib. Ngayon, anong klase namang nilalang ang nasaksihan ko? Anong klaseng nilalang si Mr. Corpus?
Napagdesisyunan ko na rin sanang umuwi, but as I was stepping backwards, something caught my feet and I tripped over. Huli na para ibalik pa ang oras dahil napatigil ko ang paglalakad niya. Mas natuptop ako nang tuluyan na siyang lumingon sa direksyon ko.
My heartbeat run so fast. Sinubukan kong umatras gamit ang mga palad na nakapanimbang sa maduming semento ng eskinita. Hanggang sa wala na akong maatrasan, dahil malamig na semento na ang dumampi sa likod ko.
Nawala siya sa dilim, at siguradong hinahanap na niya ako ngayon sa kadilimang pinagtataguan ko. Nakaramdam ako ng kaba. May kung anong takot ang bumalot na naman sa akin.
Bakit ba kasi ang tanga-tanga mo Furen!? Hindi ka man lang gumawa ng paraan para mag-ingat, kaya ngayon ay magdusa ka!
Kasabay ng pagpikit ko ay ang marahas na pagbitbit niya sa kwelyo ko. Mahigpit nitong nasasakal ang leeg ko habang hinihila niya ako palabas ng eskinita. At nang makarating ay kaagad niya akong ibinalibag na parang basura sa semento.
Napahiga ako kaya sinubukan kong itukod ang mga kamay para tulungan ang sarili na makaupo. Napaubo ako dahil sa pangangapos ng hininga. Hindi ko ininda ang ilang sakit na nagawa ng pagbagsak ko.
"You,"
Hindi ako lumingon sa kanya. Nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa anino niyang umaabot hanggang sa akin.
"Anong nakita mo?" seryoso nitong tanong.
Anong nakita ko? Lahat. Lahat nakita ko. Simula sa kung paano mo sila habulin hanggang sa patayin. Nasaksihan iyon ng sarili kong mga mata.
"Wala." I lied. Hindi ko siya kilala para ipangalandakan kung ano ako. At mas lalong hindi ko ipagkakanulo ang sarili dahil sa napakasimpleng dahilan. Depensahan ko ang sarili hangga't makakaya ko, dahil ang kailangan ko ngayon ay ang mabuhay ng tahimik.
****