****
Isang araw na ang lumipas simula noong inilibing si Calley. Bumalik ang lahat sa dati. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay hindi na siya kasama sa mga desisyong ginagawa namin. Minerva is still a woman I know. She used to be funny everytime, pero sa tuwing nalilingat ako ay nakikita ko pa rin siyang nasasaktan.
Sino ba naman ang hindi? Dalawang araw pa lang nawawala si Calley kaya hindi ko siya mapipilit na kalimutan na lang ang lahat. Ni hindi ko iyon masabi sa kanya dahil baka bumalik lang sa akin ang tanong na iyon. At 'yon ang dapat kong iwasan. Ayokong makulong sa tanong na nanggaling pa mismo sa akin.
Iniliko ko ang paningin sa labas ng silid-aralan at tumingala bago malayang pinagmasdan ang makulimlim na kalangitan. Maganda ang panahon ngayon. Wala si haring araw dahil natatakpan siya ng mga ulap na naglipana sa itaas. Mukha ring uulan kahit na hindi naman nabalita sa buong syudad.
Napabuntong-hininga ako bago humarap sa unahan. Miss Tan is in her desk -in front of the class. She's discussing about the atoms in chemistry subject. Lumingon naman ako ulit sa babaeng ngayon ay tahimik na nakikinig sa sinasabi ng guro namin.
I'm still happy that she's trying to be good in everydays life without Calley. Minerva deserve to be happy. Mabuti siyang tao, mabuti siyang kaibigan. At nalulungkot ako kung bakit kailangan pa niya itong maranasan.
Natigil ako sa pagmumuni-muni dahil sa malakas na ihip ng hangin. Nagawa nitong balibagin sa lakas -ang pintuan, kaya namuo sa loob ng kwarto ang sigawan dahil sa gulat. Kinilabutan din ako at mahinang napamura.
Tumayo ako at kaagad na diniretso ang pintuan. Magpapahangin lang ako sandali dahil pakiramdam ko ay kulang na kulang pa ang oxygen na ibinibigay sa akin ng tagusang mga bintana. Tutal naman, wala naman akong natututunang magandang aral sa mga itinuturo ng gurong ito.
Napailing na lang ako. Pagkatapos kong mabuksan ang pinto ay awtomatikong napaatras ako ng ilang hakbang. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nagpapasalamat ako sa seradorang hawak-hawak ko ngayon dahil kung wala ito ay siguradong kanina pa ako nakahandusay sa sahig.
Unti-unting bumabalot ang takot sa buo kong katauhan. Gusto kong sumigaw pero parang hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig. Kaparehas ng takot na 'to ang naramdaman ko noong araw na natagpuan ko si Calley, pero mas nag-uumapaw ito. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako, ngayon mismo. Nakakatakot.
Inilibot niya ang paningin sa buong silid at huminto iyon sa akin -na mismong kaharap niya. Nagulat ako at pinanindigan ng mga balahibo. Mas-... Mas nakakapangilabot ang mga mata niya. Ang titig niya. Isang dipa ang layo niya sa akin kaya nararamdaman ko ang presensyang inilalabas ng maitim niyang awra. Lumalabas iyon at inililipad ng hangin mula sa nabubulok niyang mga balat.
Tinitingnan ko pa lang siya ay tumatagos na ang takot hanggang buto ko. Isang h-halimaw...
Dahan-dahan kong nilingon ang mga kaklase na abala sa kani-kanilang ginagawa. Ang kaninang pamamanhid ng pandinig ay bumalik na sa natural. Naririnig ko na ang mahina at boring na boses ni Miss Tan. Ang klase ay nagpapatuloy sa mga oras na ito. At ako lang ang nakakakita sa nilalang na nasa harapan ko.
B-bakit? Bakit ako pa? Bakit ako lang?
Ayoko man, ay pinilit ko pa ring lingunin ang nasa harapan ko. At iyon ang pagkakamali ko. Napakagat ako sa labi para maiwasan ang ano mang maililikha kong tunog. Nagsimula na ring manginig ang mga tuhod ko.
Nasa mukha ko siya. Kitang-kita ko ang nanlilisik at itim na itim niyang mga mata. Naririnig ko ang malakas niyang paghinga kasabay ng mga kumakarerang kabog ng aking dibdib. Ilang inches na lang ang layo niya sa mukha ko, inaamoy-amoy at animo'y sinusuri. Ni hindi ako makahinga nang mabuti.
Furen. Hindi ito totoo. Walang halimaw. Wala kang halimaw na nakikita. Nagsimulang mangilid ang mga luha ko. Sobra akong natatakot... Dahil sa lahat ng na-encounter kong kaluluwa ay ibang-iba ito. Ang maitim niyang mga mata
Pinilit kong paniwalain ang sarili. Walang ganitong uri ng halimaw. Ipinikit ko ang mga mata, at nagpakawala ng malalim na hininga. Wala siyang pagkakaiba sa mga kaluluwa na pagala-gala sa ibabaw ng mundo.
Pikit-mata kong nilakad ang espasyo naming dalawa at tuluyan na akong lumabas sa classroom. Isang malamig na hangin ang parang napisa at bumalot sa akin nang malagpasan ko ang posisyon niya, na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Naglakad ako na parang bilang na bilang ang mga hakbang na gagawin. Anim na hakbang pasulong bago ako lumingon sa pinanggalingan ko. Halos maiyak ako -na kumaripas nang takbo. Pakiramdam ko nasa likod ko lang siya. Nakatingin, naglalakad, tumatakbo palapit sa akin.
"Putang-ina! Bakit ba ayaw niyo akong lubayan!?" I cursed silently. My knees softened, but still I manage to run faster as I can.
This is fuck as shit!
Bumaba ako sa ikalawang palapag gamit ang hagdan sa fire exit. Dahil ito lang ang alam kong mas safe akong makakalabas. School hours ngayon kaya imposibleng nakabukas ang gate ng eskwelahan. Pero saan ako pupunta? I want to leave this place. And I should get out now!
Sinubukan kong dumiretso sa gate pero nang makitang wala nga talagang pag-asa ay iniliko ko ang direksyon na tinatahak ko. Hindi ko pa rin maiwasang lumingon-lingon sa likod dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay nasa likod ko lang siya -na handang sakmalin ako.
Diniretso ko ang takbo at nang makakita ng bukas na pintuan ay pumasok ako. This is a pool area at sa mga oras na ito ay wala pang mga estudyante. May klase ngayon at pinagbabawalan ng paaralan na magpagala-gala. Mas naging alerto ako nang marinig ang ingay na nagmumula sa labas. Tumakbo ako sa mas malapit na CR at pumasok sa isa sa mga cubicle, kaagad ko iyong isinara at napasandal na lang sa pinto.
Napahawak ako sa dibdib. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Natatakot ako. Takot na takot. Bakit! Bakit nangyayari sa'kin 'to!?
Muntik na akong mapasigaw nang marinig ko ang biglang pagsabog sa kalapit ko. Napatakip ako ng tainga.
'Yong... 'Yong pinto. Mahigpit na kinapitan ko ang pulsuhan habang takip-takip naman ng isa kong kamay ang bibig. I cried. I silently cried. Natatakot na ako. Ayoko na! Tama na... Please.
Narinig ko ang pagkalabog ng isang pinto sa unahan. Wala pang isang minuto ay isinunod na ang pangalawa.
No. Ayoko na! Tama na! Tigilan niyo na ako!
Kasabay ng pwersa na nanggaling sa katabing cubicle ay ang biglang paglagabog ng kung ano mang mas malakas.
"I got you!"
Napatakip ako sa tainga nang biglang may sumigaw nang nakakabingi, may ilang sunod-sunod na matitinis na mga tunog, na hindi ko mawari kung saan nanggagaling. Masakit. Nakakangilo. Sumiksik ako sa isang sulok. Makadikit lang sa balat ko ang ilang mga bagay na nahuhulog mula sa itaas ay pinanginginigan na ako. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Dahil ayokong makita ang maaaring mangyari sa akin ngayon...
Mamamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko?
"Bard 074821 -from Westdale-..."
Halos hindi ko na makita ang lugar kung nasaan ako. Katahimikan. Malalim na malalim na katahimikan. Wala akong ibang naririnig kasabay ng panlalabo ng aking mga mata. Pero bakit nakararamdam ako ng kaginhawaan? Maaliwalas ang ibinibigay na hiwatig ng aking puso, ng aking isipan. Na kahit sandali lang ay ipinararamdam nila na ligtas ako. Sana ganito na lang araw-araw. Na hindi ko alam ang lahat. Na wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ko.
Gusto ko na lang magmukmok sa gilid, magkulong sa apartment para hindi makita ang mga nakakatakot na nilalang. Akala ko ay wala ng mas nakakapangilabot pa sa mga kaluluwang paggala-gala pero mayroon pa pala. Anong klaseng nilalang siya? Bakit... Bakit siya nabubuhay? Ano ba siya? Ilan pa ang katulad niya?
"Alas? Furen, are you okay?" Napahawak ako sa ulo dahil sa biglang pagkirot nito.
Dahan-dahan kong iniupo ang sarili at huminga ng malalim. Nabungaran ko si Minerva na alalang-alalang nakatingin sa mga mata ko. Naalala ko bigla si Calley. Nakikita ko siya sa mga mata ni Minerva. Siguro ito na nga ang kaparusahan ko. Ang manatili siya sa katauhan ni Minerva. Ang makita sa araw-araw ang taong hinayaan kong mawala sa mundong ito. Siya ang magiging bangungot ko.
"Okay ka lang ba? Nakita ka nilang nakabulagta sa CR. Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi mo man lang kasi ako sinama kung magsi-CR ka? Ayan! Tingnan mo ang nangyari sa'yo!"
Oo. Lalayuan ko siya. Hindi ko kailangan ng kaibigan na sisira sa buhay ko. Umiwas ako ng tingin, dahil hindi ko na kayang makipagtagisan ng titig lalo na't nakikita ko ang repleksyon ko sa mga mata niya sa katauhan ni Calley!
Hindi ko kasalanan. Oo. Wala akong kasalanan. Hindi ko naman siya pinatay eh! Hindi ako ang pumatay!
Natawa ako sa isipan. Bakit ko ba siya pinuproblema? Sino ba siya sa akala niya? Hindi ko siya kaibigan! Hindi ko sila kaibigan, dahil wala akong kaibigan.
Inalis ko ang kumot ng hindi sinasagot ang katanungan ni Minerva. Buo na ang desisyon ko. Lalayo ako sa kaniya, sa kanila. Huh! Bakit? Anong akala nila? Na hindi ko alam na pinagtutulungan lang nila ako? Pwes! Hindi ako tanga!
Ilalapag ko na sana ang mga paa sa sahig nang matigilan ako. Inilibot ko ang paningin, at pagtatakang mukha ang ibinalik ko kay Minerva.
T-totoo ba? Hindi ba 'yon panaginip?
"Hoy! Ano? Tatanga ka na lang diyan? May kausap ba ako? Hello?"
Kinilabutan ako. Malamig na hangin ang biglang yumapos sa akin. Nakaramdam na naman ako ng takot nang tuluyang maalala ang mga nangyari. Buhay ako? Buhay pa ako?
Inilibot kong muli ang paningin sa infirmary room, tumigil iyon kay Minerva na matamang nakatingin lang sa akin. But, little a while, I found myself screaming.
Minerva...
****