Tải xuống ứng dụng
33.33% Ang Kalye_Serye Ni Donna / Chapter 2: Chapter Two

Chương 2: Chapter Two

1:35 pm September 22, 2018 Saturday

Matapos kong mailagay sa isang travel backpack na ang name ng brand ay Osprey ang mga bagay na kailangan ko sa pagbiyahe papuntang Lobo, Batangas, naghahanda na ako para sa pag-alis.

Nasa salas namin ako. Nakaupo sa aming sofa na katamtaman ang laki at haba at kulay asul ito samantalang nasa magkabilang tabi ko naman ang dalawa pang handbags na dadalhin ko sa biyahe.

Isang Plaid Stripe at isang Color Gray Satchel handbags na ang brand name ay Doone And Bourke ang mga handbags na ginamit ko para paglagyan ng iba ko pang gamit.

Nakasuot ako ng Color Blue Denim Off-Shoulder Top, Black And White Printed Slim Denim Jean at Color Black Closed Back Thong Sandals.

Hindi ako makakapagpaalam kina Mommy at Daddy sapagkat wala pa sila sa bahay at sa Lunes pa ang balik nila galing mula sa isang business trip.

Noong isang araw ko pa nabanggit kina Mommy at Daddy ang tungkol sa balak kong pagpunta ng Lobo, Batangas. Sinabi ko rin sa kanila na one week akong mananatili kina Isay.

Noong una ayaw pa ni Mommy na payagan ako dahil ang gusto niya ay sumama ako sa out of town nila ni Daddy.

Nasa Cebu sila ngayon, noong Huwebes pa sila nagpunta roon at sa Lunes pa nga ang balik nila.

Ang gusto ni Mommy sumama ako sa kanila sa Cebu pero dahil nangako ako kay Isay na pupunta ako sa kanilang bayan kaya kinumbinsi ko si Mommy na payagan na akong magpunta kina Isay at huwag nang sumama sa kanila papuntang Cebu.

Para na rin makapagrelax ako. Noong mga nakaraang buwan kasi ay may inasikaso akong mga importanteng gawain. Tinapos ko kasi ang mga ginawa kong artworks na isinubmit ko naman sa isang Art Exhibit na sinalihan ko na ginanap pa sa Maynila.

Maraming beses na rin naman akong nakapunta ng Cebu samantalang ngayon ko pa lang mapupuntahan ang Batangas.

Katulong ko si Daddy sa pagkumbinsi kay Mommy at dahil dalawa kami at nag-iisa lang si Mommy kaya hayun hindi na nagawang tumutol pa ni Mommy sa balak kong pagpasyal sa bayan ng aking kaibigan.

"Donna! Anak!, heto na pala iyon mga pinabili mong pampasalubong at prutas." malambing na tinig ang aking narinig mula sa aking likuran na nagpalingon sa akin para tingnan ang taong tumawag sa pangalan ko.

Si Nanay Susan Dimaculangan ang nagsalita habang nakangiting lumapit sa akin ganoon din ako sa kanya sabay abot niya sa akin nang mga pinabili ko sa kanya.

Sa likuran ng bahay ay may isa pang gate na puwedeng daanan patungo sa loob ng bahay namin. Maaaring makapasok sa loob ng bahay kung dadaan sa isang pinto na papasok naman patungo sa kusina. Halos katapat lang ng gate ang kusina ng bahay. Doon dumaan si Nanay Susan. Napapalibutan din ng mga Black Vinyl Picket Fences ang buong paligid ng bahay.

Isa si Nanay Susan sa mga kasambahay na matagal nang naninilbihan sa aming pamilya.

Anim na katao ang naninilbihan sa aming pamilya.

Kasama ng Mommy at Daddy ko si Mang Arthuro Delgado, ang Family Driver namin at si Ate Jessica De Los Reyes na personal assistant ni Mommy nang magtungo sila sa Cebu.

Si Mang Arthuro ay isang matandang binata. Minsang napunta sa kulungan si Mang Arthuro nang dahil sa kasong pagnanakaw noong dalawampu't-dalawang taong gulang siya.

Nakalaya man si Mang Arthuro noon ngunit nahirapan siyang makahanap ng trabaho, ngunit nakilala niya si Daddy at naging magkaibigan silang dalawa.

Si Daddy ang nagbigay ng pangalawang pagkakataon kay Mang Arthuro upang magbagong buhay. Si Daddy rin ang nagbigay ng trabaho kay Mang Arthuro bilang driver nga namin.

Si Ate Jessica naman ay isang single mom na nakilala ni Mommy sa isang Zumba Dance Class. Nagtatrabaho si Ate Jessica bilang personal assistant sa "La Moda Mamita Boutique Shop" na pinamamahalaan ni Mommy.

Si Aling Martha De Guzman naman ay ang tagapaglaba namin ngunit salitan ang araw ng pagpasok nito. Kagaya ni Aling Martha, salitan lang din ang pagpasok ni Lenny. Isa rin siya sa mga kasambahay namin. Working student si Lenny Navarro at bukas pa ang pasok nito. College Student si Len-Len at kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino ang kinuha nito para aralin.

Tatlo sa kanila ay matagal na naming nakakasama sa bahay. Si Nanay Susan ang pinakamatagal kong nakasama. Malayong kamag-anak din ni Mommy si Nanay Susan.

Grade 3 pa lang ako nasa amin na si Nanay Susan. Tagapagluto at naging yaya ko rin si Nanay Susan ng mahabang panahon. Kapag wala ang mga magulang ko, siya ang tumatayong tagapamahala nang mga gawain sa bahay.

"Salamat Nanay!, sige po mauna na ako at baka abutin pa ako ng gabi sa biyahe."

"Kayo na po muna ang bahala sa bahay at kapag nagkaroon ng problema, tawag lang kayo sa akin." sabay halik ko sa pisngi ni Nanay Susan.

"Sige, Anak! ingat sa pagbiyahe, itutuloy ko na ang paglilinis at pagluluto." sabay alis ni Nanay sa harapan ko at nagtungo muli pabalik sa loob ng aming kusina.

Nagtungo na ako papuntang labasan at nagdiretso sa garahe namin para puntahan ang kotseng gagamitin ko sa pagbiyahe. Inilabas ko mula sa garahe ang kotse at inihinto sa harapan ng amin bahay. Celestial Blue Kia Picanto Compact Car ang ginagamit kong kotse kapag bumibiyahe ako. Inilagay ko na ang mga gamit o dalahin sa loob ng kotse. Lumapit naman sa akin ang isang binatilyo.

"Ate Donna, pasalubong ko hah!" nakangising bati sa akin ni Tony, nag-iisang anak ni Nanay Susan at labing-apat na taong gulang na ito. Siya ang Houseboy namin. Katulong ni Nanay Susan si Tony pagdating sa iba pang gawain sa bahay.

"Ayy, hindi pa ako umaalis pasalubong na agad!"

"Sige na nga pero papakabait ka dito. Tulungan mo si Nanay at si Mommy kapag may kailangan sila. Habang wala pa ako, ikaw ang magiging Knight in shining armor nila." sabay gulo ko sa kanyang buhok dahilan para pamulahan siya ng pisngi.

Matangkad na bata si Tony, nasa 5'6 ang taas, guwapong bata sapagkat maputi, matangos ang ilong, may biloy, pulahin ang pisngi, mapungay ang mga matang kulay chesnut brown.

Ilang taon pa ang dadaan at mababasag o magbabago rin ang pangangatawan ni Tony, sa ngayon medyo bagito pa siyang tingnan.

"Maaasahan mo ako pagdating sa ganyan Ate Donna. Ako ang bahala sa kanila, ipaubaya mo sa guwapong tulad ko." sabi ni Tony at kinindatan pa ako.

Pagkatapos naming mag-usap ni Tony, pumasok na ako sa loob ng aking kotse nang biglang tumunog ang cellphone ko at nabasa ko ang pangalan ni Mommy sa caller I.D.

"Hi Mommy! Kumusta na po kayo diyan?"

"Masusundan na ba ako? Baby boy o baby girl?" pabirong saad ko sa kausap ko na nasa kabilang linya, sabay tawa habang nakatapat sa kanang tenga ko ang cellphone na hawak ko. Kausap ko si Mommy at tinutukso ko siya.

Si Mommy kagaya ng dati kapag naririnig ko na ang boses niya, napapangiti ako.

Ang tono ng pananalita kasi ni Mommy aakalain mong laging may kaaway pero wala naman. Malakas kasi ang boses ni Mommy kapag nagsasalita na siya.

"Ikaw talagang bata ka!, puro kapilyahan ang iniisip mo, trabaho ang ipinunta namin dito ng Daddy mo." depensang sagot naman ni Mommy sa akin.

"Nahiya pa ang Mommy!, puwede pa po masundan, may asim pa." natawa ako lalo sa huli kong sinabi, ganito talaga kami mag-usap ni Mommy, parang barkada lang.

Limampu't-tatlong taong gulang na nga pala si Mommy, samantalang animnapu't-isang taong gulang naman si Daddy.

Mas strict si Mommy at over-protective pagdating sa akin kaysa kay Daddy, madalas niya akong mapagalitan pagdating sa usapang lakwatsa.

Madalas niyang sabihin sa akin,

Babae ka, dapat nag-iingat ka at hindi dapat kung saan-saang lugar nagpupunta.

Tama naman si Mommy, sumasang-ayon ako sa kanya dahil sa panahon ngayon umaaligid-aligid lang ang kapahamakan. Kung hindi ako magiging alisto mapapahamak talaga ako.

Pero malakas ang loob ko pagdating sa pagpunta sa iba't-ibang lugar dahil nag-iingat naman ako palagi sa tuwing may pupuntahan akong ibang lugar. Girl Scout kaya ako, palaging handa.

Madalas kong ikinakatwiran kay Mommy na kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Sumali kaya ako noong High school student pa ako sa Taekwondo Club ng school namin, nag-aral ako ng Taekwondo techniques for self-defense.

Hanggang ngayon, paminsan-minsan kapag hindi ako busy sa shop ko o sa iba ko pang ginagawa, nagpupunta ako sa isang gym dito sa bayan kung saan mayroong nagtuturo ng Taekwondo. Nakikipag-sparring o kaya ay nag-prapractice ako ng techniques ng Taekwondo.

"Naku, bata ka! tigilan mo nga ako."

"Hoy! babaita, hindi ka ba talaga mapipigilan sa pagpunta mo diyan sa Batangas?"

"Ang Mommy naman! ginagawa pa rin akong batang paslit. Hindi na po ako maaaring umurong, naka-oo na po ako kay Isay, nakakahiya naman sa kanya kung bigla akong aatras sa usapan."

"Okay, okay! pero mag-iingat ka diyan, kung saan mang lugar iyang pupuntahan mo dapat alerto ka palagi, hindi mo kilala o talastas iyang mga nakapaligid sa iyo, baka mamaya nasa panganib ka na pala hindi pa namin alam." nasa tono ng boses ni Mommy ang pag-aalala kahit pagalit ang pagkakasabi.

"Aww, ang Mommy talaga!, love na love ako, huwag na po kayong mag-alala sa akin dahil mag-iingat naman po ako, promise!"

"At saka maglalaho ang mga pototoy nila sa oras na may gawin silang masama sa akin." tugon ko kay Mommy sabay halakhak.

"Donna!, mga salita mo."

"Oops, sorry! Mommy, si Daddy katabi mo ba?"

"Wala dito ang Daddy mo, umalis kasama sina Pareng Manuel at Kuya Arthuro. Nandoon sila sa bar na pagmamay-ari ni Pareng Manuel ngayon, mamaya pa siguro ang balik ng Daddy mo kaya ako at si Jessica lang ang magkasama ngayon dito sa hotel na tinutuluyan namin."

"Hala! Mommy nasa bar sila? Dapat sumama ka."

"Ano na naman ba iyang iniisip mo hah?" tugon ni Mommy sa sinabi ko. Hindi naman selosa si Mommy dahil kilalang-kilala niya si Daddy bilang tapat, faithful, loyal at stick to one na asawa.

"Joke lang po Mommy! Alam ko namang tayo lang ang love ni Daddy."

"Oo nga pala anak, kinukumusta ka ni Pareng Manuel. Tinatanong nga niya sa akin kung bakit hindi ka kasama sa pagpunta rito at kung kailan ka bibisita rito sa Cebu, idinahilan ko na lamang na may pupuntahan ka rin kaya hindi ka na nakasama sa amin."

"Pero kailan ka ba ulit pupunta rito, anak? Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa amin ng Daddy mo?"

"Tapatin mo nga ako Donna, hindi ka pa ba nakaka-move on kay Charlie?" sunod-sunod at seryosong tanong sa akin ni Mommy na ikinabigla ko kung kaya't hindi ako nakaimik agad at napabuntong-hininga na lamang.

Si Mommy talaga!, alam na alam kung papaano ibabaling sa akin ang usapan.

"Mommy! nang-iintriga ka naman po eh! Siyempre naka-move on na ako, ang tagal na noon Mommy, wala na po iyon, tapos na. Past na po iyon."

"Oh! Talaga, anak? Eh! Bakit ka—"

"Sige na Mommy!, mamaya na lang po ulit tayo mag-usap. Kailangan ko nang lumarga. Gagabihin ako sa daan Mommy kapag hindi pa ako umalis, sige ka mas delikado iyon." sagot ko na lang kay Mommy sabay end ng call hindi dahil sa umiiwas ako, mag-aalas dos na ngunit nandito pa rin ako sa harapan nang bahay namin. Puputaktihin na ako ni Isay nang tawag kapag hindi pa ako umalis.

Pinaandar ko na ang kotseng sinasakyan ko at dahan-dahang minaneho ito papalabas ng gate namin na nasa bandang tagiliran ng bahay.

Habang nagmamaneho ako papalabas ng subdivision, binuksan ko ang audio stereo ng kotse ko para makinig ng music.

Sakto naman na ang kantang umeere sa radyo ay ang paborito at theme song ng buhay ko, ang "I Will Survive" by Gloria Gaynor. Katulad nang kantang pinapakinggan ko maihahalintulad ko ang buhay pag-ibig ko sa kanta.

I WILL SURVIVE - GLORIA GAYNOR

At first, I was afraid, I was petrified

Kept thinking, I could never live without you by my side

But then I spent so many nights thinking, how you did me wrong

And I grew strong and I learned how to get along

And so you're back from outer space

I just walked in to find you here with that sad look upon your face

I should have changed that stupid lock

I should have made you leave your key

If I'd known for just one second you'd be back to bother me

Go on now, go, walk out the door, just turn around now

'Cause you're not welcome anymore

Weren't you the one, who tried to hurt me with goodbye?

Did you think I'd crumble? Did you think I'd lay down and die?

Oh, no, not I, I will survive

Oh, as long as I know how to love, I know I'll stay alive

I've got all my life to live, I've got all my love to give

And I'll survive, I will survive, hey, hey

It took all the strength I had not to fall apart

Kept trying hard to mend the pieces of my broken heart

And I spent, oh, so many nights just feeling sorry for myself

I used to cry but now I hold my head up high

And you see me, somebody new

I'm not that chained up little person still in love with you

And so you felt like dropping in and just expect me to be free

But now I'm saving all my loving for someone who's loving me

Go on now, go, walk out the door, just turn around now

'Cause you're not welcome anymore

Weren't you the one, who tried to break me with goodbye

Did you think I'd crumble? Did you think I'd lay down and die?

Oh, no, not I, I will survive

Oh, as long as I know how to love, I know I'll stay alive

I've got all my life to live, I've got all my love to give

And I'll survive, I will survive, oh

Go on now, go, walk out the door, just turn around now

'Cause you're not welcome anymore

Weren't you the one, who tried to break me with goodbye

Did you think I'd crumble? Did you think I'd lay down and die?

Pero babuu na muna, sa susunod na kuwentuhan na lang ulit.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập