Tải xuống ứng dụng
67.56% UNTIL WHEN / Chapter 25: I got it

Chương 25: I got it

Wala pang dalawang minuto ay malapit na sila sa gate ng mansyon kaya sumunod na din akong lumabas para hintayin sa baba.

Saktong pagbaba ko ng hagdan ay dinig ko na ang ingay ng sasakyan na kapapasok lang kaya nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pintuan.

Magkahati ang pintoan namin kaya it's either sa left or right mo itutulak kapag papasok. Alam kong si ate Merly ang magbubukas ng pintoan dahil siguradong nagmamadali na yun para kay Maro.

Kapag pumapasok si ate Merly ay sa left niya tinutulak ang pintoan kaya nagtago kami ni Maro sa right side para surpresahin siya.

Unti-unti ng nagbubukas ang pintoan at ng tuluyan ng nagbukas ay lumabas kami ni Maro at napakalawak ng ngiti ko habang nakatingin sa taong nagbukas pero unti-unting nawala dahil kung minamalas ka nga naman... si Danny pa.

"Miss me?" tanong nito na may halong pang-asar habang nakangiti.

"Miss? Kelan ka pa naging Miss?" irap kong sagot at tinalikuran na siya para pumunta sa dinning.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang umikot si Maro at tumingin sa likod kung nasaan si Danny kaya tumigil ako at naalala kong wala pa pala si ate Merly.

"Bakit ikaw lang pala ang dumating? Nasan si ate Merly?" tanong ko habang nakatayo pa rin ito sa pintoan na hawak-hawak ang phone at mukhang busy at may katxt ata.

"Tinatanong kita" kalmado ko pa ring tanong kahit na mukhang hindi na ata ako papansinin dahil nakatutok talaga ito sa kung ano man ang tinatype niya sa phone niya at mukhang napakaimportante ang taong katxt niya.

"Mcain!" pagtawag niya sakin nang bubuksan ko na ang pintuan papasok sa dinning area.

Liningon ko siya at nagmamadali siyang lumapit sakin.

"Oh ba-bakit?" natatakot kong tanong kasi sa mukha nito ay parang may nangyaring hindi maganda. Hindi na din maganda ang kutob ko sa sasabihin nito. Wala pa siyang sinasabi pero kinakabahan na ako.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C25
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập