Tải xuống ứng dụng
13.51% UNTIL WHEN / Chapter 5: Until When

Chương 5: Until When

Hindi basta-basta ang mga Fetherston, at ni isa ay walang nagbalak banggain sila kaya kahit na gusto ng gibain ng mga tao sa labas ang parang rehas ngunit kumikinang na bakod ng kanilang building habang nagsisiksikan at nagtutulakan ay wala ni isa ang nagtangkang sirain o itulak ang mga mga ito.

Alam nilang bawal umapak kung wala ka namang kahit anong ugnayan o pakay sa mga Fetherston.

Ang sino mang mahuhuling lumagpas sa sakop ng kanilang kompanya ay dalawang linggong pagkakakulong ang maihahataw na parusa pero maaari din itong umabot ng buwan at taon depende na rin sa sitwasyon kung ano talaga ang pakay mo at bakit ka umapak sa pagmamay-ari nila ng walang karapatan.

Malapit na sila sa pintuan ng building nang lumabas ang anim nilang bodyguard at puntahan sila na agad tinanong ng Doña kung anong nangyayari sa labas pero biglang may lumapit at sumagot dito.

"Señora maaari po bang humingi ng pabor" tawag ng isang lalaki kay Doña Fetherston na boses pa lang ay kilalang-kilala na ni Mcain dahil halos kada may update na interview o kahit na anong video nito ay pinapanood niya.

"Mr. Smith? Hindi pa kayo nakaalis?" tanong ng Doña at saka luminga-linga para hanapin na rin ang kasama nitong manager na si Mrs. Lina at nakita nitong nasa malapit lang ito na sofa sa gilid at mukhang busy sa pakikipag-usap sa cellphone nito na agad ding tumayo at lumapit nang mapansin ang presensya nila't magkatinginan sila ng señora.

"Señora, pasensya na kayo. Hindi namin alam kung paano ito lumabas sa publiko at nalaman nilang nandito si Carter sa Pilipinas kaya hindi namin napaghandaan at dalhin ang mga bodyguard nito" sabat agad ni Mrs. Lina habang palapit ito sa kanila.

Tahimik ang lobby lalo na't wala namang katao tao dito maliban nalamang sa iilang empleyado na nagtratrabaho sa tanggapan pero dahil empleyado sila ng mga Fetherston, naturuan silang mabuti kung ano ang mga rules ng kompanya na dapat nilang sundin at isa na dito ang hindi pwedeng paglabas ng mga impormasyon kung ano man ang nangyayari sa loob ng kompanya.

Alam ito ng lahat ng mga nakakapasok sa kompanya nila kaya hindi na kailangan pang mabahala ni Mrs. Lina kung naririnig man ng mga tao sa loob ng kompanya ang pinag-uusapan nila, ito rin ang dahilan nito kung bakit hindi na ito nagdala pa ng mga bodyguard.

Tumingin ang Doña at si Mcain sa mga bodyguard nila ng walang imik at nabasa naman nila agad ang ibig nilang sabihin.

Kilala ng buong bodyguard nila si Mcain at alam din nila na nagpapanggap na matanda ito at ka amiga ni Doña Fetherston kaya kahit na nakaayos matanda at nakamaskara ay alam nilang siya ito lalo pa't alam nila ang kulay ng mga mata nito na kung titignan ka ng walang reaksyon ay kailangan na agad nilang maging alerto at sagotin kung ano man ang tumatakbo sa isipan nito.

"Nakakasiguro po kami na hindi po galing sa kompanya ang pagkakasiwalat nito." Sabay-sabay na sagot ng mga bodyguard nila.

"Alam po naming hindi talaga dito nanggaling señora, ngunit hindi po maaaring makompirma ng publiko na narito po ako sa Pilipinas ngayon." Singit agad ni Carter na tinignan agad ni Mcain pagkasalita pa lang nito.

Napatitig si Mcain kay Carter at pinagmasdan kung paano ito magsalita at habang pinagmamasdan niya ito ay pakiramdam niya'y pati puso nito ay gustong tumayo at puntahan si Carter sa tabi niya dahil ayaw na nitong mawala pa sa paningin niya.

Nagniningning ang mga mata nitong nakatitig kay Carter ng pasimpleng hinawakan ng sekretarya nila ang kamay nito nang makatalikod si Carter dahil napansin nitong kanina pa nakatitig si Mcain kay Carter kahit na tapos na itong magsalita at natanong na rin ng Doña kung ano ang gusto nilang mangyari na sinang-ayunan naman agad ng Señora.

Hindi na nasundan pa ni Mcain kung ano ang napag-usapan nila dahil sa paninitig nito kay Carter at nawala siya sa diwa kaya nagtataka nalang siyang tumingin sa sekretarya kung bakit paalis si Carter kasama ang isang bodyguard nila at papasok sila sa secret room(SR) kung nasaan ang mga bodyguard at iba pang nangangalaga sa kaligtasan ng kompanya.

"Señora, siguro po ay mauna na po kami ni Madam Vilma?" Pagtawag ng sekretarya ng Doña sa kaniya at pagtukoy na rin kay Mcain bilang madam Vilma.

Hindi pa rin alam ni Mcain kung anong nangyayari dahil dapat ay magkakasabay silang uuwi pero wala na siyang nagawa kundi makisakay nalamang sa nais mangyari ng ate Merly nito.

Pumayag agad ang señora at pagkatapos ng kanilang pagpapaalam sa isa't isa bilang mag amiga ay lumabas na sila at dumiretso sa saksakyan nitong pumunta roon.

Nasa loob na ng sasakyan ang driver nitong si mang Roman at hindi na nito kailangang lumabas pa para pagbuksan ito ng pintuan dahil meron naman na ang sekretarya para magbukas nito.

Hindi tumingin ni minsan si Mcain sa mga tao sa labas na malapit lang sa kanila pero ng makapasok ito ng sasakyan ay napalingon na ito sa kanila at saka niya rin inalis ang tingin ng makapasok na rin ang ate Merly nito na sumakay sa shotgun seat.

Magtatanong na sana ito ng biglang ang ate Merly niya na mismo ang nagsalita.

"Naku 'tay. Alam mo bang natulala yang si Mcain nang mag-umpisang magsalita si Carter. Mabuti nalang at hindi napatingin si Carter sa gawi niya ni minsan." Sumbong agad ng ate Merly nito sa kaniyang tatay Roman na tumawa at saka tiningnan si Mcain sa rear view mirror kung saan nakita niyang nakangiti na rin si Mcain ng nahihiya.

"E ano nga ang nangyari ba't pumunta sila sa SR room ate?" Tanong nito dahil wala talaga siyang kamalay-malay sa nangyari kanina at unang beses itong mangyari dahil kapag may nagsasalita ay mainam itong nakikinig at iniintindi ang sinasabi ng nagsasalita.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập