Chapter 1895: Gusto ko lang Maghiganti (6)
"Gawin mo kung ano gusto mo…" Ngumiti nang seductive si Huo Mian.
"Kung ganun, hindi ako magpipigil."
Napuno ng pagnanasa ang mga mata ni Qin Chu.
Nagmahalan sila nang matindi.
Pagkatapos ng pagmamahalan, nawala lahat ng enerhiya ni Huo Mian kaya kinailangan na buhatin siya ni Qin Chu pabalik sa kwarto nila.
Mabagal siya naglakad dahil sa injury niya sa binti. Pinigilan niya na magkaroon ng ekspresyon ang mukha niya kahit sumasakit na ang kanang tuhod niya, dahil ayaw niyang mag-alala si Huo Mian.
- Sa loob ng master bedroom -
Sobrang relaxed si Huo Mian sa yakap ni Qin Chu.
Hinimas ni Qin Chu ang buhok ni Huo Mian.
"Oo nga pala, muntik ko na makalimutan. May regalo ako para sayo."
Kinuha ni Huo Mian ang paper bag na nasa tabi ng kama.
"Regalo? Bakit bigla mo ako binilhan ng regalo?" tanong ni Qin Chu.
"Kasi gusto ko, walang dahilan."