Chapter 1781: Pagkawala ng Kadiliman; Ang Pagbabalik ng Hari (2)
Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, tumango si Rick. "Oo."
"Alam kong alam mo na ang dapat mong gawin. Hindi ka man madalas magpakita ng emosyon pero alam kong may puso ka. At bilang kaibigan mo, ayaw kong makitang mawala sayo ang babaeng 'yon. Lalo pa at mahal na mahal ka niya. Tandaan mo na hindi lahat ng emosyon ay kayang tugunan, at hindi lahat ng pagmamahal ay kayang suklian…"
Matapos sabihin ang lahat ng ito, tumalikod si Huo Mian at nagpaalam.
Sa kabilang banda, makikita naman ang pagpapasalamat sa mukha ni Rick. Tila ba bigla itong may napagtanto. Bumulong ito sa kanyang sarili. "Salamt, Huo Mian…"
Nang pumasok siya muli sa mansyon, nakangiti ang lahat habang nakatingin sa kanya.
Nagtaka siya sa reaksyon ng mga ito. "Bakit kayo nakangiti? Anong nangyayari?"