Chapter 1600: Nakasalalay Ang Buhay (1)
"Wala pa. Hindi ako sigurado kung dito ang trial o sa ibang lugar. Naghihintay kaming lahat."
"Okay," sabi ni Huo Siqian habang tinitingnan ang paborito niyang picture ni Huo Mian ulit.
"Boss… ba't 'di na lang tayo maghanap ng isa pang scapegoat? Tapos pwede nang makaalis si Miss Huo mula sa kulungan."
"Tapos ano? Umalis kasama si Qin Chu?" tanong ni Huo Siqian.
Nanahimik agad ang lalaki.
"Matagal ka nang nagtatrabaho para sakin. Dapat alam mo na ngayon na 'di ako gagawa ng tangang bagay na tulad noon. Binigyan na sila ni Mian ng irrefutable evidence at naniniwala ang lahat na siya ang pumatay. Hindi ako makakahanap ng iba para mapalitan siya ngayon. Walang maniniwala, at lalala lang ang lahat."
"Pero kung masyado tayong late, natatakot ako na baka maging delikado para kay Miss Huo. Narinig ko na may mga tao rin si Mayor Song sa kulungan. Takot ako na sasaktan nila si Miss Huo…"