Chapter 1036: Pinagmamalaki Ang Pagmamahal Nila (7)
"Ah…" Kalmado ang reaksyon ni Su Yu.
Ito ay dahil alam niyang kahit anong party ang gawin ni Huo Mian, wala siyang kinalaman dito at hindi siya iimbitahan.
"So… hindi ka talaga niya inimbitahan?"
"Hindi," sagot ni Su yu.
"Parang walang puso si Huo Mian, 'no? Sino naghanap ng military doctor nung nasa ospital yung asawa niya? Sino yung hindi natulog ng tatlong araw, paikot-ikot sa ospital? Ngayon na magaling na sila at tapos na, nakalimutan ka na niya?"
Bilang isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Su Yu, matagal na niyang nararamdaman na walang puso si Huo Mian dahil hindi nito pinapatulan si Su Yu.
Kahit hindi sila pwede maging magkasintahan, pwede pa rin sila maging magkaibigan. Dapat magpasalamat man lang siya kay Su Yu.
Pero, walang ginawa si Huo Mian. Naramdaman tuloy niya na dapat maghiganti para kay Su Yu.