"Gaano kalaki ang napanalunan mo ngayon?" Gusto sana isigaw ni Su Yu ang, 'gusto kita Huo Mian', pero umatras siya sa pinaka-krusyal na sandali, pagkakita sa mga mata ni Huo Mian. Kaya iniba niya ang dapat pag-amin niya sa 'gaano kalaki ang napanalunan mo ngayon' na parang isang malaking duwag.
"Mga nasa 200 libo."
"Oh, okay."
"Aalis na ako," sabi ni Huo Mian habang paalis ng deck.
Nung nakarating na si Su Yu sa kwarto niya, ang mood niya ay naging maganda at sumisipol pa ito…
Nakaligo na si Wei Liao at nakasandal ngayon sa recliner. Ngumiti siya, "Masaya ka na ngayong nakita mo na siya?"
"Oo, sobra." Hindi ito tinago ni Su Yu.
"Hindi mo alam kung paano ka tumingin sa kanya ngayon lang, hindi ba?"
"Ano?" Naguguluhang tiningnan ni Su Yu si Wei Liao.
"Ito ay parang tingin ng lobo sa tupa. Kung wala ako sa kwarto nung pinapahiran ka niya ng ointment, paniguradong dadambaan mo siya, tama?"
"Posible ito..."