Gusto niya lang sanang hulihin si Han Ruchu pero hindi niya naman alam na
ang napaka samang babaeng 'to ay talagang madudulas!
Sa tono ng boses nito, sigurado siya na may kinalaman talaga ito sa
pagkakalaglag niya sa hagdanan… Noong kaarawan ni Han Ruchu, hindi niya
plinano na marinig ito ni Xu Jiamu. Ibig sabihin… alam ni Xu Jiamu na sinaktan
siya ng nanay nito…
"Madam Xu, Miss Qiao, anong pinaguusapan niyo?" Dahil nakita ng babae na
medyo naiirita ang itsura ni Han Ruchu, hindi na ito nakapagpigil na makiusisa.
Dali-daling kumalma si Han Ruchu dahil bigla niyang naalala na nasa
kalagitnaan pa pa nga pala siya ng gala. Gusto niya sanang magpalusot pero
noong magpapaliwanag na siya, muli nanamang nagsalita si Qiao Anhao.
"Ano naman pong kailangang sabihin sa akin ni Brother Jiamu? Sinubukan ko
lang kung suswertihin ako. Hindi ko naman inakala na madudulas po kayo. Aunt
Xu, mula ngayon, dapat magiingat na kayo… Hindi yung basta basta nalang
kayong nadudulas na may pinatay kayong anak ng iba…"
Nakangiti pa rin si Qiao Anhao habang pangasar na nagsasalita. Sa mata ng
mga taong nakapaligid sakanila, para siyang isang batang babae na
bumubulong ng sikreto sakanyang nanay.
Hindi inaasahan ni Han Ruchu ang mga salitang "may pinatay kayong anak ng
ibang tao", pero pinilit pa rin nitong maging kalmado. Hindi nagtagal, muli
nanamang naramdaman ni Qiao Anhao na sinusubukan nitong tanggalin ang
braso niya.
Sa totoo lang, hindi naman masyadong malaki nag bwelo ni Han Ruchu para
hindi rin mahalata ng mga kausap nito, pero may ibang plano si Qiao Anhao
kaya sinadya niyang magpadulas at magpanggap na nadapa sa sahig na may
kasama pang pagsigaw.
Maraming anggulo na mukha talagang tinulak ni Han Ruchu si Qiao Anhao.
Dahil sa nangyari, maraming tao ang nagmamadaling lumapit para makiusisa.
"Anong nangyari?"
"Bakit ba bigla-bigla ka nalang nanunulak ng ibang tao?"
"Oo nga."
May ilang mga mabubuting puso mula sa malapit ang tumulong kay Qiao Anhao
na tumayo at nagaalalang nagtanong, "Ayos ka lang ba?"
Nasa malapit lang si Xu Jiamu at kasalukuyan siyang nakikipagusap sakanyang
mga kaibiga. Noong narinig niya na may nagkakagulo sa isang parte ng hall,
unang pumasok sa isip niya ang kanyang nanay kaya dali-dali siyang humingi
siya ng pasensya sa mga kausap niya para silipin ang mga nagtutumpukang
tao. Pero noong malapit na siya, laking gulat niya nang makita niyang inaakay
si Qiao Anhao kaya walang pagdadalawang isip siyang tumakbo papunta rito.
Umiling si Qiao Anhao sa mga tumulong sakanya at nagpasalamat. Noong
nakita niya si Xu Jiamu na hindi mapakaling papalapit, bigla siyang yumuko
para magpanggap na inapi. Muli siyang tumingin kay Han Ruchu, na parang
batang nakakaawa, at nagtanong, "Aunt Xu, may nasabi po ba akong mali?
Bakit niyo po ako tinulak?"
Sa buong buhay ni Han Ruchu, ito ang unang pagkakataon na napahiya siya ng
ganito.
Kaya sa sobrang sama ng loob, biglang namula ang kanyang mukha at
pasinghal na sinabi, "Anong sinasabi mo jan! Kailan kita tinulak…"
Pero ang pinaka nakakahiya sa lahat ay noong sinusubukan niyang
magpaliwanag pero bigla siyang hinawakan ni Xu Jiamu para tumigil….
Bigla siyang natigilan at nagaalalang napatingin sakanyang anak. Dali-dali
niyang ibinuka ang kanyang bibig dahil gusto niya sanang makuha ang
simpatya nito.