Tải xuống ứng dụng
67.11% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 653: Ang text message sa phone (4)

Chương 653: Ang text message sa phone (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Bukod sa pagiging matabil ang dila, si Zhao Meng rin ang tipo ng tao na ayaw

magpatalo kaya kahit alam niyang si Qiao Anhao at hindi siya ang

pinagtatanggol ni Lu Jinnian ay tinignan niya pa rin ng masama si Lin Shiyi, na

kasalukuyang hindi mapakali sa kinauupuan nito, at tumawa. Wala siyang balak

na magsinungaling kay Lu Jinnian kaya dire-diretso niyang sinabi, "Si Lin Shiyi.

Binubully niya si Qiao Qiao."

Lin Shiyi… Nang marinig ni Lu Jinnian ang pangalang nilaglag ni Zhao Meng,

bigla siyang nagtaka na para bang hindi niya ito kilala kaya muli niyang inisa-isa

ang mga tao sa make up room. Noong nakita niya ang mukha ni Lin Shiyi, doon

niya lang naalala kung ito.

Hindi ba 'yan yung babaeng pina'banned niya noon, at ang babaeng wala ng

ibang ginawa kundi ang saktan si Qiao Anhao habang ginagawa nila ang

'Alluring Times'? Sino ba namang magaakala na pagkalipas ng mahabang

panahon ay magkakasalubong nanaman sila ng landas! Totoo hindi maiiwasan

na muling makita ang mga kaaway.

Biglang nanlisik ang mga mata at kumunot ang noo ni Lu Jinnian, na para bang

may biglang pumasok sa isip niya. Dali-dali siyang yumuko para pabirong

sabihin kay Qiao Anhao na para bang awang awa siya rito, "Gaano ka ba kahina

at laging ka nalang inaaway ng iisang tao?"

Malinaw na tinawag siya ni Lu Jinnian na mahina, pero hindi niya itatanggi na

kumalma siya dahil sa naging reaksyon nito. Noong sandali ring iyon, bigla

siyang ngumuso at sa unang pagkakataon simula noong dumating si Lu Jinnain

ay nagsalita na rin siya sa wakas. Mahina lang ang boses niya pero halatang

nagpapaawa. "Sa totoo lang, hindi niya naman talaga ako binully."

"Binully ka ba talaga niya o hindi? Ano ba talagang nangyari? Sabihin mo sa

akin."

Mahilig talagang makipag'debate ang mga kababaihan, pero hindi maitatanggi

na natural sakanila ang pagiging malambing kaya kapag nakahanap na sila ng

kakamping mapagkakatiwalaan nila ay mabilis silang bumigay.

Siguro dahil na rin sa pananahimik niya habang iniisip na baka biglang bumaba

ang tingin sakanya ni Lu Jinnian kapag nagsumbong siya, o baka dahil

naramdaman niya na masyado itong naging pasensyoso sakanya, o pwede ring

dahil sa pagtawag nito sakanya ng 'mahina', o kaya ang mismong tanong nito na

"Binully ka ba talaga niya o hindi?"…. Pero anuman sa mga rason na ito, hindi

niya itinatanggi na napanatag talaga siya.

Dahil dito, tuluyan ng bumigay si Qiao Anhao. Naisip niya na hindi naman

maituturing na paninira kay Lin Shiyi kung magsumbong man siya kay Lu

Jinnian kaya kahit sa harap ng lahat ng mga kasama nila sa make up room,

tuluyan na siyang nagkwento. "Noong nakaraang taon pa binigay ng kumpanya

sa akin ang drama na 'to. Noong panahon na 'yun, may direktor na pero wala pa

si Lin Shiyi. Kaso lang noong maguumpisa na ang pagfifilm, nakahanap siya ng

mayamang boyfriend na nag'invest ng malaking halaga para makuha niya ang

role ng supporting character."

"En," sagot ni Lu Jinnian para iparating kay Qiao Anhao na nakikinig siya.

Dahil sa naging reaksyon ni Lu Jinnian, lalo pang naging komportable so Qiao

Anhao at kung ikukumpara sa nanginginig niyang boses kanina, di hamak na

mas diretso na siyang magsalita ngayon na para bang normal na

nakikipagkwentuhan nalang. "Ayoko talaga sakanya tapos lagi niya pang

binabalandra ang boyfriend niya. At ang pinaka nakakainis kasi ay binago niya

ang script ko kaya…"

Sa wakas, nasabi niya na ang gusto niyang puntuhan. Sa totoo lang, hindi

talaga siya masaya na napalitan ang script…

Hindi nagsalita si Lu Jinnian at nakatitig lang ito sakanya habang hinihintay

siyang magpatuloy.

"Malinaw kasi na nakalagay sa scripy na ako dapat ang sasampal sakanya sa

susunod na eksena, pero biglang nagbago nalang nagbago at siya na ang

sasampal sa akin. Hindi lang isang beses, pero…"

Nang marinig ni Lu Jinnian ang rason ni Qiao Anhao, biglang kumunot ang

kanyang noo na para bang naiinis. "Tapos?"

Napakagat si Qiao Anhao ng kanyang labi at inalala niya ang naging pagtatalo

nina Lin Shiyi at Zhao Meng.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C653
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập