Tải xuống ứng dụng
52.51% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 511: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (12)

Chương 511: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (12)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.

Noong mga oras na 'yun, walang ibang maririnig kundi ang pagkulo ng tubig. 

Hindi nagtagal, binasag ni Mrs. Qiao ang katahimikan at sinabi, "Dahil ba ito sa mga litrato? Jiamu, sinabi ko naman sayo na magkaibigan lang sila ni Qiao Qiao…"

Mabilis na sumagot si Xu Jiamu, "Hindi po, wala po itong kinalaman sa kapatid ko."

Sa pagkakataon na ito, hindi na napigilan ni Han Ruchu na magsalita, "Bakit? Hindi ba matagal mo ng gusto si Qiao Qiao?"

"Gusto ko po talaga si Qiao Qiao, pero bilang kapatid lang. Nito lang, may nakilala akong isang babae na mas gusto ko para sa akin."

Padabog na ibinaba ni Xu Wanli ang hawak nitong tasa sa lamesa at pagalit na sumigaw, "Ang kapal ng mukha mo!"

Hindi na kayang manahimik ni Qiao Anhao habang nakikita niya ang paglala ng tensyon kaya bigla siyang nagsalita, "Pumayag na po ako sa divorce."

Biglang natigilan ang galit na galit na si Xu Wanli.

Muling nagpatuloy si Xu Jiamu, "Ang tanging rason kung bakit kami pumayag na ikasal ay para mamaximize ang pera ng bawat korporasyon. Pinagusapan naming ng maigi ang mga bagay-bagay at napagtanto namin na wala talaga kaming nararamdaman para sa isa't-isa. Sinisigurado namin na magiging magkaibigan pa rin kami pagkatapos ng divorce. Para naman sa pagkakasundo ng dalawang kumpanya, handa akong magoffer ng dagdag na dalawampung porsyento bilang compensation."

"Jiamu…" ang sinabing dalawapung porsyento ni Xu Jiamu ay nagkakahalaga ng ilang milyon…. Gusto sanang pigilan ni Han Ruchu ang kanyang anak.

Pero muling nagpatuloy si Xu Jiamu kaya hindi na nakapagsalita su Han Ruchu, "Pinapangako ko na sa mga darating na panahon, ang Qiao Enterprise pa rin ang una kong ikoconsider."

Ito na ang pagkakataon ni Qiao Anhao na magsalita kaya sinigurado niyang malinaw niyang maipapahayag ang gusto niyang sabihin, "Pareho po kaming nagkasando sa divorce na ito kaya kahit hindi na kami mag-asawa, magiging mabuting magkaibigan pa din po kami. Tiyak na paguusapan ito sa business circle pero sigurado ako na hindi rin yun magtatagal at hanggat maayos ang relasyon naming, hindi kami maapektuhan ng mga kumakalat na balita."

Nagtinginan ang magasawang Qiao. Kahit hindi sila masaya naging desisyon ng dalawa, malinaw sakanila na kung ipipilit man nila ngayon, siguradong darating pa rin ang panahon na magdidivorce ang mga ito. At sa mga panahon na iyon, baka tuluyan ng lumala ang lahat. Matapos ang ilang sandali, tumungo si Mr. Qiao. "Marunong magdesisyon si Qiao Qiao ng mga dapat niyang gawin kaya nirerespeto naming ang desisyon niya."

Masaya talaga si Han Ruchu noong una na si Qiao Anhao ang naging daughter in law niya, pero nagumpisa siyang mainis dito simula noong malaman niyang may relasyon ito kay Lu Jinnian at nabuntis pa ito na siya mismo ang gumawa ng paraan para maabort ang bata. Ngunit alam niyang mahal na mahal ito ng anak niya kaya nagdedisyon siyang magpikit mata nalang.

Ngayon na nalaman niya na gusto ng maghiwalay ng dalawa, wala rin siyang balak na tutulan ang mga ito kaya noong muli sanang papagalitan ni Xu Wanli si Xu Jiamu, bigla niyang sinipa ng malakas ang binti nito sa ilalim ng lamesa para pigilan ito. Tumingin siya sa magasawang Qiao at humingi ng tawad. "Pasensya na talaga kayo sa nangyari."\

-

Alas tres na ng hapon noong natapos ang paguusap at sumabay na si Qiao Anhao sa sasakyan ni Xu Jiamu.

Ipinakita ni Xu Jiamu ang namamaga niyang nguso kay Qiao Anhao at sinabi, "Qiao Qiao, ang dami ko ng ginawa para sayo. Sinuntok pa ako ng kapatid ko dahil akala niya mauy iba akong babae at nagyon naman kailangan kong tanggapin na ang tingin sa akin ng lahat ay manloloko…"


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C511
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập