Tải xuống ứng dụng
29.8% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 290: Did I Disappoint You? (10)

Chương 290: Did I Disappoint You? (10)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tahimik ang kapaligiran dahil malalim na ang gabi . Puno ang mga magkabilang gilid ng kalsada ng iba't-ibang kulay neon na mga ilaw. Kalmadong nagmamaneho si Lu Jinnian na maya't-maya'y tinatamaan ng mga matitigkad na ilaw. Kahit na may mga peklat ang kanyang mukha, hindi pa rin maikukubli ang kanyang kagwapuhang sagad sa buto.

Inayos ni Qiao Anhao ang kanyang ulo hanggang sa makahanap siya ng komportapleng anggulo. Tanaw niya sa kanyang posisyon si Lu Jinnian na makikita sa side view mirror at hindi niya kayang pigilan ang sarili na titigan ito. 

Liliko sila sa kabilang kalsada kaya tumingin si Lu Jinnian sa side view mirror na nasa gilid ni Qiao Anhao para tignan kung may ibang sasakyan paparating. Hindi niya alam na gising pala ito, pero noong mga oras na yun, nakita niya ang itim na mga mata nitong nakatingin at tulala sa kanya.

Bahagyang kumunot ang mga kilay ni Lu Jinnian at agad na ibinaling ang tingin sa iba. Dahan-dahan niyang inikot ang manibela at muling suisilip sa salamin. Nakita niya ang kanyang mukha na halos ninety percent ang pinagkapareha kay Xu Jiamu kaya biglang humigpit ang kanyang kapit sa manibela.

Limang minutong tahimik na nagmamaneho si Lu Jinnian nang muli niyang mapansin sa side view mirror na nakatitig pa rin ng hindi kumukurap sakanya si Qiao Anhao. Biglang nanlamig ang kanyang mga mata at ang mga sunod na nangyari ay sobrang hindi inaasahan. Hinawakan niya ang manibela gamit ang isa niyang kamay, samantalang kumuha naman siya ng make up remover gamit ang kabila niyang kamay, at ipinuna ito ng marahas sa kanyang buong mukha.

Dahil sa ginawa ni Lu Jinnian, ang kilay ni Xu Jiamu na nasa kanyang mukha ay agad na nabura at muling nakita ang kanyang magagandang kilay.

Gamit ang isang kamay, hinatak ni Lu Jinnian ang mga peklat na nasa kanyang mukha, kaya nakita ni Qiao Anhao ang kalahati ng kanyang maputi at makinis na mukha.

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao na kanina pa nakatulala sa side view mirror. Noong una, tumingin muna siya kay Lu Jinnian na kasalukuyang nagtatanggal ng makeup bago siya muling dumungaw sa bintana kung saan nakita niya ang kalye na may pinakamaraming bar at night club sa buong Beijing. May ilang mga celebrities na pumupunta dito tuwing gabi kaya may ilan ding mga paparazzi na sumusunod sa mga ito. Halos seventy-eighty percent ng entertainment news ay nanggagaling dito at sa oras na nakuhaan sila ni Lu Jinnian ng litrato, siguradong magiging laman sila ng headline kinabukasan.

Isinara ni Qiao Anhao ang bintanang nasa gilid niya bago tumingin kay Lu Jinnian para sabihing itaas din nito ang bintana pero nakita niya ang windshield na nasa harap niya at naisip niya na kung sakali mang may gustong kumuha ng litrato sa harap, balewala din kahit isara pa nila lahat ng bintana.

Tuwing mga normal na araw, madalas nakabihis ang mga celebrities na pumupunta dito. Dahil galing sila sa birthday party, medyo nakabihis din sila ni Lu Jinnian kaya kapag nakunan sila ng litrato, mahihirapan talaga silang linisin ang kanilang mga pangalan.

Nagisip si Qiao Anhao ng dapat nilang gawin at sinabi niya kay Lu Jinnian, na nagdadrive gamit ang isang kamay, "Huwag mo munang tanggalin ang mga peklat sa mukha mo, gawin mo nalang yan pag nakauwi na tayo."

Sadlit na huminto ang kamay ni Lu Jinnian pero hindi nagtagal ay bigla niyang hinila ang kalahati ng peklat na natitira sa kanyang mukha. Dahil masyadong napalakas, nagkaroon ng maninilis na kulay pulang linya ang kanyang makinis at maputing balat.

Nang makita ito ni Qiao Anhao, napakunot ang kanyang mga kilay at hindi na siya nagalangan pang hawakan ang kamay ni Lu Jinnian para pigilan itong tanggalin ang peklat. "Tanggalin mo yan gamit ang makeup remover. Ingatan mo na wag masaktan ang balat mong…"

Nanlilisik ang mga mata ni Lu Jinnian noong tumingin siya kay Qiao Anhao na hawak ang kanyang kamay. Galit na galit at halatang ilag ang kanyang boses. "Ano? Nadisappoint ba kita?"


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C290
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập