Hindi mapigilan ni Mo Ziyan ang matawa. Gayunpaman, hindi na siya nagpatuloy pa sa pakikipag usap, dahil ng mga sandaling iyon, nakatanggap siya ng tawag mula kay Gu Qingli, "Ziyan, wala ka bang gagawin?"
"Oo, anong problema, Professor Gu?"
"Pumunta ka sa main entrance ng campus at tulungan mo akong tumanggap ng ilang dokumento..." pag uutos ni Gu Qingli.
"Ok." Pagkaraang matapos si Mo Ziyan na magsalita, kaagad siyang nagsuot ng isang pares ng sapatos. Pagkatapos ay nagtungo siya sa entrance upang tanggapin ang dokumento ni Gu Qingli at ideliver ang mga ito sa kanya.
Nang mga oras na iyon, si Gu Qingli ay naghahanda na para sa kanyang klase. Sa sandaling makita niya si Mo Ziyan, inunat niya ang kanyang kamay upang tanggapin ang dokumento mula sa kanya, "Wala ka bang gagawin ngayong hapon?"
"Oo."
"Kung ganon, maupo ka dito at magbasa ng ilang libro. Maaari tayong maghapunan magkasama mamaya."