Pagkaraang umalis ni Long Man at Lin Qian, pumasok si Tangning sa silid ni Mo Zichen at pinanood kung paano ang kanyang anak na lalake ay nakatitig sa bintana ng nakatulala. Sa isang mahinang boses, nagtanong si Tangning, "Mayroon bang gumugulo sa iyo?"
Humarap si Mo Zichen at iniling ang kanyang ulo habang nakatingin sa kanyang ina, "Hindi, ok lang ako."
"Ako ang nagluwal sa iyo. Talaga bang iniisip mo na hindi ko malalaman kung ano ang iniisip mo?" Wika ni Tangning habang siya ay lumalapit. "Sa mundong ito, ang iyong ina at ama ang tanging nag iisang maaaring totoong maka intindi sa iyo at tumulong sa iyo."
Mula pagkabata, si Mo Zichen ang palagi ang tipo ng tao na ang tanging ibinabahagi lamang ay ang magandang balita at hindi ang masama. Kahit pa siya ay inaapi, kailanman ay hindi niya binabanggit ito; hindi mahalaga kung ano ang mangyari, babalikatin niya ito ng mag isa.