Habang tinitingnan ni Fang Jing ang ekspresyon ni Mother Li, pasekretong ikinurba niya ng pataas ang kanyang mga labi. Naniniwala siya na walang sinumang magulang ang pagtutulak sa kanilang anak sa bingit ng kamatayan.
Ngayon na alam na nila kung ano talaga si Lin Qian, hahayaan pa rin kaya nila ang kanilang anak na pakasalan siya?
Habang tinitingnan niya ang nahihirapan na ekspresyon ni Lin Qian, nakaramdam ng tagumpay si Feng Jing. Gusto niyang sabihin dito na ito ang resulta ng hindi niya pakikinig sa kanyang ina; na malapit nang mawala sa kanya ang lahat.
Samantala, tumitig lamang ang Li Family kay Feng Jing ng hindi nagsasalita. Iniisip lamang ni Feng Jing na sila ay lubhang nagagalit kaya hindi sila makapagsalita.
At, tama siya, sila ay galit. Perro ang rason para sa kanilang galit ay kakaiba sa kung ano ang iniisip ni Feng Jing.