Ang lagnat ni Lin Qian ay hindi bumababa, kaya si Xia Hanmo ay nag umpisa ng matakot. Hindi sila maaaring magpatuloy na maglakad, o kaya ay bumalik. Walang mapagpipilian pa, sinabi niya kay Lin Qian, "Sumandal ka muna dito sa ngayon, magsisindi ako ng apoy at mag bibigay ng senyas para humingi ng tulong."
"Ang mga taong iyon ay talagang grupo ng mga duwag," tumawa si Lin Qian. "Hanmo. Dapat ka na ring mauna. Kung hindi, tayong dalawa sa huli ay maiipit dito."
"Ano bang walang katuturan ang mga sinasabi mo. Nahihibang ka na ba dahil sa lagnat?" tinulungan ni Xia Hanmo si Lin Qian na makahanap ng komportableng posisyon bago siya naghanap ng tuyong lugar at nag umpisang gumawa ng apoy.
Pinanood ni Lin Qian si Xia Hanmo at biglang naramdaman niya na ang lahat ay karapat dapat lamang. Kahit pa siya ay walang kamag anak, kahit papaano ay may kaibigan naman siya.