"Hindi rin naman ako naging masunuring tao kailanman."
"Ngunit, ang aking paglitaw ay mas lalo pang nagdagdag ng problema na dati ng umiiral. Gusto nilang gawin ang lahat ng klaseng paraan upang alisin nila ako sa iyong tabi at gisingin ka," bahagyang umismid si Tangning habang nakatingin sa kanyang tiyan at umiiling, "Iyon nga lamang ang kanilang paraan ay hidi ganun kagaling. Iniisip ko ako lamang ang tanging isinasakripisyo ang sarili upang sirain ang aking mga kaaway."
Pagkatapos magsalita, ang mag asawa ay nanatiling tahimik ng ilang sandali bago idinagdag ni Tangning, "Kahit papaano, kapag kasama Tang Xuan, ang usapan ay interesante. Ngunit, kailangan ba talagang gawin ito ng iyong mga magulang kung saan gagawin nila ang lahat upang lumaban lamang?"
"Hindi mahalaga kung gaano kalaking isyu ang mayroon sila sa akin at hindi mahalaga kung gaano nila ako kagustong huwag makita, hindi naman kailangan na sirain nila ang puri ng kanilang manugang at apo, tama?"