Sa loob ng sumunod na ilang araw, si Hua Wenfeng ay kumukulo sa galit. Sa isang bahag, siya ay bigo sa kawalang awa ng internet, at sa kabila naman, siaya ay nagagalit na binabalewala ni Mo Ting ang kanyang otoridad.
Hindi alintana ang ano pa man, siya pa rin ang ang 'tunay na ina' ni Mo Ting, pero, sa paghusga sa kasalukuyang sitwasyon, ang kanyang katayuan ay walang halaga kumpara sa isang performer lamang. Paano ang isang tao na naging ina sa loob ng ilang dekada, ay matatanggap ito?
"Huwag mong kakalimutan na ikaw ay nakatatandang may talino. Bakit mo hinahayan mong guluhin ka ng isang performer lamang?"
"Kung ito ay ibang tao lamang, baka pinabayaan ko na ito. Ngunit, tingnan no ang performer na ito; tingnan mo kung gaano siya nakakatakot. Kung hahayaan ko siya, hindi ko alam kung gaano karaming kalkulasyon ang kanyang gagawin laban sa pamilya Mo," sigaw ni Hua Wenfeng.