Bahagyang inilingon ni Yang Jing ang kanyang katawan, dahilan upang makita ni An Zihao ang kalahati ng kanyang mukha. Ang mga sulok ng kanyang labi ay umarko pataas habang pinagmukha siyang madilim at di maaninag ng repleksiyon ng kanyang salamin..
Kailan pa siya natakot?
Hindi na nagsalita si An Zihao. Ito'y dahil may isang magandang palabas na malapit nang magsimula.
"Maghihintay na lang ako na makita kang palayasin ka ng Cheng Tian." Pagkatapos niyang magsalita, lumabas na si Yang Jing ng elebeytor kasama si Mu Xia, habang naiwan si An Zihao na mag - isa. Kawalang pag - asa ang mababanaag sa kanyang gwapong mukha...
Sa kabilang bahagi ng Cheng Tian, sa loob mg secret waiting room. Naglalaro si Long Jie gamit ang kanyang telepono, at pagkatapos ay tiningnan niya si Tangning, "Kinakabahan ka ba?"