Nanatiling nagtatago si Mo Yurou hanggang ngayon, habang si Li Yu naman ay nagtatago pa rin sa ibang bansa; walang sinuman ang may ideya kung nasaan man sila ngayon. Ngunit, hindi ito nangangahulugang walang maaaring gawin sa kanila si Tangning…
Hindi pa rin niya tuluyang naiaalis sa sarili niya ang mga salitang, bed – climbing.
"Tangning, nakipag – ugnayan na muli ang lahat ng mga magazines at runway endorsements. Ano ang desisyon mo tungkol dito?" tanong ni Long Jie habang tinitingnan niya ang mga email ni Tangning.
"Sagutin mo sila at sabihin mo na kailangan ko ng oras na makapagpahinga at hindi ako tatanggap ng kahit anong trabaho. Sabi ni Mo Ting na magkakaroon ng audition ang Cheng Tian Entertainment sa susunod na mga araw, kaya gusto kong ihanda ang aking sarili. At saka, mayroon pa akong mga bagay na kailangang ayusin," tugon ni Tangning pagkatapos niya tingnan ng mabilis ang kanyang mga email.