Tải xuống ứng dụng
3.06% Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 39: Pagiging Pantay

Chương 39: Pagiging Pantay

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Pagkatapos na makabalik sa asyenda, tumakbo papunta sa kanya sina Lin Wei at Long Jie at binati si Tangning habang nasasabik na hinawakan siya ng mga ito sa kanyang braso. Natawa nalang si Tangning. Hindi niya bibiguin ang mga inaasahan ng mga ito; lalo na ang maunawaing lalake na labis siyang tinulungan.

Napansin ni Long Jie na ang mga tingin ni Tangning ay nakatuon lamang sa lalaking nakaupo sa sopa na nagbabasa ng ilang mga dokumento. Ngumiti na lamang si Long Jie habang itinulak niya si Tangning patungo sa lalake, "Hindi na kami mangugulo pa, bilisan mo at samahan mo na si Mo Ting!"

Pagkatapos magsalita, bumalik na sa kani – kanilang mga silid sina Long Jie at Lin Wei. Gayunpaman, hindi pa nagtatagal, tumatakbo pabalik si Long Jie hawak ang kanyang phone papunta kay Tangning, "Tumatawag si Han Yufan, gusto mo bang sagutin?"

Mabilis na sumulyap si Tangning kay Mo Ting bago siya tumango at kinuha ang phone mula sa kamay ni Long Jie.

"Tangning, dahil napagdesisyunan na ng magazine na hindi ka gamiting modelo para sa front cover shoot nito, dapat sigurong mauna ka ng umuwi ng bansa. Wala ng punto ang pananatili mo dito sa US. Huwag mong sisihin ang kapatid ko kung masyado itong naging malupit, ginawa niya ito para sa ikabubuti ng Tianyi. Hindi masaya sa iyo ang magazine, kaya wala kang karapatang manisi ng iba," sabi ni Han Yufan, nagsasalita ito na para bang tama lang ang ginagawa niya at ng kanyang kapatid.

"Pagkatapos ninyo akong gamitin, itatapon ninyo lang ako sa isang tabi, ngayon gusto n'yo na masayang tanggapin ko nalang ang lahat ng ito?" ang tono ng pananalita ni Tangning ay kalmado pero naglalaman ito ng bahagyang pangungutya.

"Bakit ba hindi ka na lang sumuko? Bakit kailangan mo pang makipagtunggali kay Mo Yurou? Bakit hindi mo na lang kami pabayaan?" Naiinip na tanong ni Han Yufan. Pakiramdan ni Tangning na para siyang mabigat at nakakainis na bagahe na desperadong nitong gustong itapon, pero sinusundan lamang niya ito.

"Wala akong dahilan para pabayaan nalang na maging maligaya ang mga taong kasuklam – suklam!" matigas na sabi Tangning, "Alam ko kung paano ang takbo ng industriya. Ngayon, may kakampi si Mo Yurou kaya naman nakaya niyang tapak – tapakan ako at gamitin ang pangalan ko para sa kanyang sariling kapakinabangan. Pero, hindi ibig sabihin nito na magiging ganito pa siya kaswerte bukas …"

"Wala ka nang pagkakataon, pabayaan mo na lang ang lahat! Ang katotohanan na si Yurou na ang mahal ko ay hindi niya kasalanan. Tama ang kapatid ko, wala ka na nga talagang natitirang pagpapaubaya."

Biglang naitikom ni Tangning ang kanyang kaliwang kamao. Nang maramdaman ni Mo Ting ang pagbabago ng kanyang emosyon, agad nitong inabot ang kalmado nito mga palad at hinila siya nito sa kanyang mainit na yakap.

Napakawalang puso talaga ni Han Yufan, kung hindi man, hindi niya kakayaning itrato ng ganito si Tangning. Kinuha nito ang pagmamahal ni Tangning at sinira nito ang kanyang career, ngayon gusto naman nitong suportahan ni Tangning ang bago niyang relasyon - parang gusto na nitong ubusin ang lahat ng mayroon si Tangning.

"Ang iyong pagiging makasarili mo ang magtutulak kay Mo Yurou sa impiyerno." Pagkatapos magsalita, pinatay na ni Tangning ang phone at sinubukan niyang kalamahin ang kanyang saril.

Ibinababa na ni Mo Ting ang mga dokumentong binabasa niya, hinawakan ang kanyang kamay at marahang inugoy nito ang kanyang katawan.

"Ayos lang ako. Karaniwan lang na mainis minsan, makakatulong ito upang mapalakas ko ang aking puso."

"Nagkita ba kayo ng mentor mo?" hindi na nagtanong si Mo Ting ng patungkol kay Han Yufan at binago na lamang nito ang paksang pinag – uusapan nila.

"Uh huh, naging madali lang ang lahat." Umupo sa tabi ni Mo Ting si Tangning habang isinandal nito ang kanyang sarili sa mga braso ni Mo Ting, "Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makakilala ng ilang sikat na photographers. Mo Ting, masayang masaya ako … ang kulang na lang ay ikaw. Hindi ko maiwasang isipin, kung maaari lang sana na dumalo ako ng mga event na katulad kagabi na kasama ka, gaano kaya ka – perpekto ang lahat!"

"Magkakaroon ka ng maraming pagkakataon sa hiraharap," pamungkahing tugon ni Mo Ting.

"Pagod ka ba? Gusto mo bang hilutin kita?" tanong ni Tangning habang lumuluhod sa tabi ni Mo Ting. Gayunpaman, bago pa siya makagawa ng kahit ano, humarap sa kanya si Mo Ting, hinila nito ang kanyang kamay at binuhat siya nito gamit ang kanyang malalakas na braso.

"Gusto kong imasahe mo ang ibang bahagi ng aking katawan…"

"Hubby...Hindi na kita paghihintayin ng matagal…" Sa ilalim ng liwanag ng buwan, niyakap ni Tangning si Mo Ting at habang nagiging mapusok na ang sandali sa pagitan nila, bigla siyang bumulong kay Mo Ting, "… kapag naiisip ko na may ibang babae kang hinahalikan, nababalisa ang aking puso."

...

Kinabukasan. Secret's Headquarters. Ipinaalam muli kina Mo Yurou na kinakailangan nilang dumalo sa itinakdang pagpupulong ng Secret. Pagkatapos na maisulat kahapon ang kontrata, kinakailangan na nila itong opisyal na pirmahan.

Gusto na ni Mo Yurou na magsimula na kaagad ang magazine shoot ng Secret dahil ang bata na nasa kanyang tiyan ay lagpas ng 1 buwang gulang. Kapag ang bagay – bagay ay patuloy pang maantala, maaaring sa lalong madaling panahon ay mapansin na ito ng mga tao.

Magaganap ang Top Ten Model Awards sa susunod na kalahating buwan. Gusto niyang gamitin ang resulta ng shooting ng secret para makuha ang award, sa ganoong paraan maaari ng umangat ang kanyang ranggo sa pagiging A-grade model. Dahil ang Secret ay lingo – linggong naglilimbag ng kanilang magazine, ang kanyang paglabas sa magazine ay magaganap bago pa man ang awards ceremony. Kaya nga, kapag naimpluwensiyahan niya ang Oriental Trends – ang lahat ng magiging resulta nito ay maaaring maging isa sa mga pagbabasehan para makasama ang pangalan niya sa makakakuha ng Top Ten Model Awards.

Pagkatapos ng 5 minuto, pumasok na si Mina sa loob ng meeting room. Tiningnan niya ng masama sina Mo Yurou at Han Rouxue na may kasamang pangungutya, gayunpaman, hindi nila ito napansin.

"Mina, handa na kami. Maaari na nating simulan ang shooting kapag handa ka na. Huwag kang mag – alala, si Yurou ay napakapropesyunal na modelo, titiyakin ko na matatapos niya ang lahat gawaing ipapagawa ng Secret sa kanya at mapapasikat nito ang Oriental Trend."

"At saka, inaayos na namin ang lahat upang mapauwi si Tangning sa aming bansa, hindi na siya makagagawa ng anumang problema… pagkatapos ng lahat … alam mo naman na hindi siya madaling pakisamahan."

Ngumisi lang si Mina habang pinaglalaruan ang ballpen sa kanyang kamay, "Ano ngayon ang magagawa natin? Pasensya ka na Rouxue, sa kasamaang palad, hindi kita pinapunta rito para pumirma ng kontrata … pinapunta kita para hilingin sa' yo na gusto kong magpalit ulit ng modelo."

Pagkatapos nitong magsalita, pinunit ni Mina ang kontratang nasa kamay ni Mo Yurou, "Hindi ko na din gagamitin ang kahit sinong mga modelo mo. Ito ang kondisyon ng modelo na gusto ko."

Nang marinig niya ito, galit na ibinagsak ni Han Rouxue ang kanyang mga kamay sa lamesa, "Mina, ano ang ibig sabihin ang lahat ng ito?"

Hindi akalain ni Han Rouxue na hindi tutupad ang Secret sa kanilang napagkasunduan.

"Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Ang sabi ko, hindi na ako pipirma para kay Mo Yurou. Para sa kapakanan ng personal na pampamilya mong problema, ibinigay mo sa akin ang isang hindi karapat – dapat na modelo. Han Rouxue, ganito ba ang pagtrato mo sa isang kaibigan?"

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo," nagpapakita ng pagkagulat ang ekspresyon ng mukha ni Han Rouxue.

"Sige, hayaan mo akong magtanong ng isang bagay sa iyo: Bakit mo sinabi sa akin na baguhan si Tangning? Siya ay isa na pa lang kilalang modelo at nakatanggap ng mga awards. Mentor din niya ang editor ng Royal Magazine, pero sinadya mong sabihin sa akin na isa siyang baguhan. Natatakot ka ba na hindi ko kunin si Mo Yurou, kaya tahasan mong siniraan siya?" malakas na bulalas ni Mina.

"I..." nasamid si Han Rouxue.

"Alam mo ba, na dahil sa pagiging makasarili mo, gaanong kahihiyan ang naramdaman ko sa photography exhibition kagabi?

Patuloy na sinisi ni Mina si Han Rouxue na isinantabi na ang kanilang matagal na pagkakaibigan, "Han Rouxue, wala akong pakialam kung ano ang ginagawa mo kapag walang nakatingin, pero sa harap ko mas mabuting pigilan mo ang mga pakana mo."

"Pero, hindi mo maaaring sabihin na lang na hindi mo gusto si Mo Yurou ng ganon nalang. Nakita mo na ang kakayahan ni Mo Yurou dati …"

"Sa bagay na ito … wala akong ibang masasabi – nangako na ako sa modelong pinaghirapan kong pakiusapan na pumirma sa akin. Kung gusto mong makiusap, makipag – usap ka sa kanya. Kapag pumayag siya na makatrabaho si Mo Yurou, wala akong opinyon tungkol dito" inilapag ni Mina ang punit na kontrata sa lamesa at saka nito nilingon ang kanyang assistant para itanong, "Dumating na ba siya?"

"Yes, andito na po siya."

Nang marinig niya ang lahat, itinikom ni Han Rouxue ang mga ngipin nito, "Hayaan mo akong makita ang modelong nagbigay sa'yo ng dahilan para punitin ang ating kontrata at sirain ang ating ugnayan."


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C39
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập