Sky Piercing Cannon!
Pwedeng hindi mo na pansinin ang damage na ginawa ng skill na ito pero hindi mo pwedeng hindi pansinin ang knock back nito. Kung i-tank mo ang skill ng walang Super armor, talagang mapapalipad ka nito.
Pinaiwas ni Qin Muyun si Negative Nine Degrees at umatake balik. Pero noong tignan niya sa likod niya, sumikip ang dibdib niya.
Naiwasan niya nga ang Sky-Piercing Cannon pero ngayon paparating na sa isa sa kasamahan hiya ang Qi.
Dazzling Hundred Blossoms!
Dazzling Hundred Blossoms ni Zhang Jiale.
At talaga naman, talagang walang hiya at mapanlinlang ang pagaapi ni Fang Rui. Kung magmintis kay Negative Nine Degrees ang atake, walang talo. Malinaw kung bakit pinili niya rin ang dalawa bilang target.
Kung tatamaan niya si Negative Nine Degrees, mababawasan niya ang presyon kay Ye Xiu.
Kung tatama kay Dazzling Hundred Blossoms mas maganda. Parehas na hadlang ang Hundred blossoms Style kay Ye Xiu at Su Mucheng.