Kaagad namang nalapitan ni Troubling Rain si Ye Xiu, dahil na rin sa tulong ng Myriad Manifestations Umbrella na nagsilbing harang para sa kaniya.
"Ingat!" Narinig ni Huang Shaotian ang sigaw ni Yu Wenzhou. Dahil nasa malayo nakatayo ang Swoksaar ni Yu Wenzhou ay nagagawa niyang makita ng maayos kung ano nga ba ang mga nangyayari.
Sa totoo lang, isang magandang pagkakataon naman ang nahanap na pagkakataon ni Huang Shaotian,p pero isang patibong rin ito na inilatag ng kanilang mga kalaban.
Kaagad na pinahakbang ni Huang Shaotian ang kaniyang Troubling Rain sa isang tabi matapos niyang marinig ang babala ni Yu Wenzhou. Pero dahil narating na naman niya ang punto na ito ay mas mabutti pang umatake na lamang siya kaysa sa umatras.