Sa mga panahong natapos na ang ikalabin-apat na yugto ng mga labanan sa regular season ng Alliance sa taong ito ay lumitaw ang samu't-saring mga balita sa mga sumunod na araw. Isa na sa mga balitang 'yun ang ginawang pagsipa ni Tang Hao sa isang bote ng tubig sa inis.
Pero syempre, hindi ang mga balitang kagaya nito ang nanguna sa mga balitang lumabas sa mga sumunod na araw. Hindi pa kasi nararating ni Tang Hao ang punto ng kasikatan na kung saan kahit na siya ay natalo, siya pa rin ang pagtutuonan ng pansin ng lahat.
Kumakanta rin naman kasi ang mga diyaryo para doon sa mga nagtagumpay.
Ang ikalimang tagumpay ng Happy sa iskor na 10 laban sa 0, ang Team Competition record ng Thunderclap, at ang ikalimang tagumpay rin ng Samsara sa iskor na 10 laban sa 0. Lahat ng ito ay mga pambihirang pangyayari.