Naglaban si Ocean Ahead at Zhao Yuzhe sa isa't isa kanina. Kahit na hindi ito totoong 1v1 at walang napagdesisyonan na nanalo, magkasanayan mismo si Ocean Ahead sa skill ni Zhao Yuzhe. Ipinaintindi ni Yu Xiu sa kanya ang nosyon na ito, na 'hindi lang kasing simple ng iniisip moa ng mga propesyonal na manlalaro' . Bigla siyang tinawag ni Ye Qiu para labanan siya. Hindi talaga kompyansa si Ocena Ahead.
"Anong kinakatakutan mo?" Tanong ni Ye Xiu.
"Sa tingin ko hindi ako ang katapat niya." Ipinagtapat ni Ocean Ahead.
"May isang daang manlalaro sa likod mo. Anong kinatatakutan mo?" Malungkot si Ye Xiu.
"O, tama naman iyan!" Biglang naintindihan ni Ocean Ahead. Mukhang gusto ni Ye Xiu na apihin niya si Zhao Yuzhe sa bilang. Inisip niya na gusto ni Ye Xiu na makipagduwelo sa kanya!
"Bilis! Kung nandito siya, malamang nandito na rin si Howling Heights. Pipigilan muna naming siya, habang patuloy na ginalaw ng iba pa ang boss." Gumawa ng desisyon si Ye Xiu.