Kinakamot ang kanyang ulo sa kalituhan, si Ao Feng ay tinignan pa ng maigi, para lang mapagtanto na ang enerhiya na nasa loob ng Condensed Earth Essence sa kanyang kamay, matapos na basagin ang mahinang panangga ay umaagos palabas ng walang tigil.
Muhkang ang mahinang panangga ay ginawa para sa layunin na pigilan ang pagkalat ng Condensed Earth Essence palayo at ang pagkasira nito ay nagresulta na hindi na mapanatili ng Condensed Earth Essence ang porma nito.
"Sandali, kung gayon saan napunta ang espiritwal na enerhiya?" Nagaalalang inisip ni Ao Feng.
Sinusundan ang daloy ng espiritwal na enerhiya, ang resulta ng kanyang imbestigasyon ay nagpanginig sa kanyang katawan sa gulat.
Hindi siya makapaniwala, parehong ang mahinang panangga at espiritwal na enerhiya mula sa Condensed Earth Essence ay inaabsorb ng binata. Ang taong iyon ay walang iniwang kahit anong tira!
Ngunit… paano ito nagawa ng binatang iyon?